Sa proteksiyon ng isang gintong liwanag, nakipagsagupaan siya sa lalaki.Mula sa malayo, pinanood ni James ang labanan.Hindi nagtagal, natalo si Walganus. Tumilapon siya mula sa lungsod at bumagsak nang malakas sa lupa.Mabuti na lang at hindi siya hinabol ng lalaki.Nang makita niya ito, nagmamadaling pumunta si James sa tabi ni Walganus. Noong oras na dumating siya, si Walganus ay nakaupo na sa isang lotus position sa lupa. May mga bakas ng dugo sa kanyang mga labi, at maputla ang kanyang mukha."Ayos ka lang?"Ang tanong ni James.Mayroong malagim na ekspresyon sa mukha ni Walganus, at sinabi niya na, "Masyado siyang malakas. Imposibleng isa siyang cultivator na nasa First Stage ng Divine Rank. Baka nakaabot na siya sa peak.""Tinatanong ko kung ayos ka lang."“Hindi malala ang mga tinamo kong pinsala. Magiging ayos lang ako pagkatapos kong magpahinga."Sugatan si Walganus. Gayunpaman, hindi malala ang mga sugat niya, at kailangan lamang niya ng kaunting pahinga.Naghint
Agad silang nag-usap noong sandaling nagkita sila. Sa usapan nila, tila magkakilala sila.Nagtaka si James.Alam niya na nagmula si Sophie sa Ancient Heavenly Court Age, at ang kanyang ama ay ang diyos ng digmaan ng Ancient Heavenly Court. Paano niya nakilala si Walganus? Posible kayang mula rin si Walganus sa Ancient Heavenly Court?Nagtataka siyang tumingin sa dalawa.Ngumiti si Sophie at sinabing, “Hindi Walganus Jaxon ang pangalan niya. Ang tunay niyang pangalan ay Hilarius Yahir, ang anak ng Jade Emperor sa Ancient Heavenly Court Age. Binansagan siyang Prinsipe noon, at isa siyang prodigy sa panahon niya."Nakangiting ipinaliwanag ni Sophie ang background ni Walganus.Samantala, si Walganus naman ay napangiti na lamang.“Noon 'yun. Wala na si Hilarius Yahir. Ngayon, ako na si Walganus Jaxon."Tumingin si James kay Walganus. Hindi niya akalain na si Walganus ay ang anak ng Jade Emperor ng Ancient Heavenly Court Age na nagtataglay ng bloodline ng isang Grand Emperor.“Paano
Napahinto si James.“Oo.”Tumango si Sophie at sinabing, “Ang iyong katawan ay binago ng Natal Demonic Lotus ng isang Grand Emperor. Bukod pa dun, ang Grand Emperor ng Hadean Clan sa Primordial Age, na si Xacobe Menachem, ay gumagamit ng hindi kumpletong Curse Magic. Dahil iisa ang pinagmulan ng Demonic Energy sa loob ng iyong katawan at ng kapangyarihan ng sumpa, marahil ay magagawa mong alisin ang sumpa sa kanyang katawan. Hindi lamang iyon, maaari mo ring higupin ang sumpa at palakasin ang Demonic Lotus sa iyong katawan."Nang marinig ito, tumango si James at sinabing, "Susubukan ko."Pagkasabi niya nun, naglakad siya palapit sa lalaki. Habang nakatayo siya sa harapan ng lalaki, naramdaman niya ang masamang aura na nagmumula sa katawan ng lalaki, na napakalakas. Ang dahilan kung bakit ang Barren Wasteland ay naglalabas ng masamang enerhiya at walang kabuhay-buhay at kung bakit walang buhay na nilalang ang nangahas na lumapit sa lugar ay dahil sa kapangyarihan ng sumpa sa kanyang
Itinuro ng lalaki ang courtyard at sinabing, "Ang Imperial Jade Seal ay nasa courtyard.""Puntahan natin ‘yun."Agad na nagtungo si James sa courtyard.Samantala, hindi na nagtagal si Sophie sa labas. Muli siyang bumalik sa pagiging liwanag, naglaho siya nang parang bula at muling nagpakita sa loob ng Celestial Abode.Sa courtyard ng City Lord's Mansion...Sa isang malawak na lugar, isang malaking rune ang lumutang sa ere mga dalawampung metro ang taas mula sa lupa. Ang rune ay naglalarawan ng isang ulo ng itim na dragon na may ilang misteryosong karakter sa ibaba nito."Ito ba ang Imperial Jade Seal?"Tumingin si James sa lumulutang na rune. Ang rune ay malaki, mga dalawampung metro ang haba nito, at itim na itim ito, naglalabas ito ng itim na liwanag kasama ng isang nakakatakot na aura. Ang aura na ito ay ang kapangyarihan ng sumpa."Tama ‘yun."Ang sabi ng lalaking kasunod ni James, “Ito ang Imperial Jade Seal na nakuha ko. Natutunan ko ang walang kapantay na Curse Magic. S
Tinignan ni James si Walganus at sinabi, “Umalis na tayo.”Tumango si Walganus.Mabilis silang umalis. Matapos lisanin ang Barren Wasteland, nakipagkita sila kay Blademaster ng Mount Grinch at tumungo sa Sangria sakay ng sasakyang panghimpapawid.Hindi nagtagal at dumating sila sa border ng Sangria.Tumigil ang Blademaster at sinabi, “Sapagkat may sumpa sa Sangria, hindi ko na kayo sasamahan doon. Umaasa ako na maaalis ninyo ang sumpa sa Sangria at sa mundong ito. Sa oras na iyon, kayo na ang magiging tagapagligtas ng mundong ito at magpapasalamat ang lahat sa ginawa ninyo.”Sumagot si James at pinagsalikop niya ang mga kamao niya at sinabi, “Walang problema.”Tumalikod siya at umalis.Sa oras na dumating siya sa Sangria, agad siyang nakita ng mga scout ng Korinth.Sa oras na iyon, sa hardin ng Korinthian Palace, nagpakita si Xandalous sa harap ng kahoy na bahay at magalang na bumati, “Grand Patriarch…”Creak…Bumukas ang pinto, at isang matanda ang lumabas. Nakasuot ito ng grey na rob
Makakaranas ng apat na kalamidad ang Earth.Ang First Calamity ay maraming pinatay na pangkaraniwang mga tao pero walang epekto sa mga cultivator. Ang Second Calamity, na tinaguriang apocalypse, ay naayos ni James. Ngunit, hindi naalis ni James ang mga seal sa katawan ng mga tao. Para makapagbreakthrough, kailangan sirain ng mga tao ang seal. Magagawa lamang ito kapag naabot nila ang rurok ng bawat rank. Samantala, may iilang mga tao lamang ang may kakayahan na gawin ito.Ang Third Calamity ay Curse Calamity.Kahit na walang alam si James kung anong Curse Calamity ito, hindi niya lubos maisip na mas nakakatakot ito kaysa sa mga nauna.Matapos bumalik sa Sangria, si James at Walganus ay nagmadali na bumalik patungo sa Crepe Myrtle Sword Pavillion. Dumating sila sa loob lamang ng ilang mga araw.Sa main hall ng Sword Pavillion, nagtanong si James, “Dala ko ang Crepe Myrtle Divine Sword dito. Paano natin aalisin ang seal sa Sword Pavillion? Saan matatagpuan ang seal?”Si Yanina, na bagong
Balak niyang ibalik ang Crepe Myrtle Divine Sword at Imperial Jade Seal sa Crepe Myrtle Sword Pavillion at sa Sangria matapos alisin ang seal at sumpa.Ngunit, hindi alam ni Walganus kung anong nasa isip niya.“Huwag mo sabihin na balak mo itago ang parehong bagay na iyan para sa iyo, James. Ang Crepe Myrtle Divine Sword ay isang Ancestral God Weapon na walang kapantay kahit noong Primordial Age, lalo na sa panahon ngayon. Habang hawak mo ang armas na ito, magiging madali ang paglalakbay mo sa landas ng cultivation. Samantala, ang Imperial Jade Seal ay konektado sa Curse Magic. Ang kapangyarihan nito ay kapantay ng Ancestral God Weapon. Binibigyan kita ngayon ng pagkakataon na pumili sa dalawa ng para sa iyo.”Tinignan ni Walganus si James.Ngunit, mukhang nananaginip ng gising si James at hindi makapagdesisyon.Habang iniisip na gusto ni James angkinin ang parehong bagay, ngumiti si Walganus at sinabi, “Balak mo ba talaga na angkinin ang parehong gamit?”Nagsalita si James, “Ang Crepe
Ang Crepe Myrtle Divine Sword at Imperial Jade Seal ay matagal ng nawawala. Matagal na panahon na pero ang Crepe Myrtle Sword Pavillion at Sangria hindi tumigil sa paghahanap sa mga ito. Ngunit, kahit na mahabang panahon na ang lumipas, hindi nila mahanap ang kinaroroonan ng mga ito. Pero, matapos dumating ni James sa Sangria at maging Emperor sa loob ng maiksing panahon, nagawa niyang hanapin ang Divine Sword at Imperial Jade Seal, isang bagay na hindi makapaniwala si Xanthe at Xianna.Habang naghihintay sila, inilabas ni James ang Crepe Myrtle Divine Sword at inihagis ito kay Xanthe. Pagaktapos, inilabas niya ang Imperial Jade Seal at inihagis ito kay Xianna.“Tama ba ang mga bagay na ito?”Sinuri ni Xanthe ang Crepe Myrtle Divine Sword at nagpasok siya ng Sage Energy sa espada. Sa oras na iyon, kuminang ng lila ang espada at matinding kapangyarihana ang nagising.“Oo, ito ang Crepe Myrtle Divine Sword na matagal ng nawawala!” sagot niya.Hinawakan ni Xianna ang Imperial Jade Seal. K