Pagaktapos, ginamit ni James ang Yogacara Sword Energy sa loob ng katawan niya. Bigla, hindi mabilang na alon ng Sword Energy ang lumabas sa mga pores niya at kumalat sa paligid bago naglaho sa mga bundok. Sa oras na iyon, yumanig ang buong Sword Pavillion at ilan sa mga bundok ang nagsimula na magkaroon ng mga pagbabago.Noong makita ito ni Walganus, natuwa niyang sinabi, “Gumana!”Si Xanthe naman ay tila naghihintay.Hindi mabilang na taon na ang lumipas. Masisiwalat na ba ang walang kapantay na sword technique na nakaseal sa loob ng Sword Pavillion?Kahit si Xianna, naghihintay at nakatingin kay James.Unti-unting pumasok ang kapangyarihan ni James at ng Sword Pavillion sa mga bundok sa paligid. Habang gumagalaw ang mga bundok, nagtipon sila para lumikha ng bagong bundok. Habang nagsasanib ang hindi mabilang na mga bundok para maging isang bundok, mukhang nahigop ang kaluluwa ni James sa isang hindi kilalang espasyo. Sa espasyong ito, walang bundok, tubig o lupa, isang kawalan laman
Mabilis na nangyari ang bagay na ito.Sa oras na nakapagreact si James, naglaho na ang lahat, at nakatayo siya sa pinakamataas na rurok ng Sword Pavillion. Ngunit, alam niya na hindi guni-guni ang nangyari at tunay niyang nakuha ang pamana ng Ancestral Sword Master. Malinaw niyang nararamdaman ang sigil na gitna ng noo niya. Sapagkat hindi kapansin-pansin ang marka, walang nakakakita dito maliban kay James na nararamdaman ang presensiya nito.Huminga ng malalim si James.“Hindi ko inaasahan na mayroon talagang pamana ang Ancestral Sword Master sa Sword Pavillion. Kung makukuha ko ng buo ang mga pamanang ito, maaabot ko ang Grand Emperor Rank.”Hinigop niya muli ang Sword Energy na inilabas niya at pinigilan ang aura niya bago ipinasok sa kaluban ang Divine Sword. Bigla siyang nilapitan ng mga tao.Si Walganus ang unang lumapit, at nagtanong, “Kumusta, James?”Sinulyapan siya ni James at nagtanong, “Anong ibig mo sabihin?”“Ang pamanang swordsmanship! Nakuha mo ba ito?” tanong ni Walgan
Itinuro ni Xianna ang pinto at sinabi, “Nakikita mo ang puwang sa pinto? Ilagay mo ang Imperial Jade Seal doon at bubukas ang pinto. Ilang beses na sinubukan ng mga nakaraang Empress pero nabigo sila. Ang itinadhana lamang ang makakagawa nito.”Tumango si James matapos ito marinig.Habang hawak ang Imperial Jade Seal, lumapit siya sa pinto. Habang pinapanood siya ng lahatm ipinasok niya sa puwang ang Imperial Jade Seal. Sa oras na iyon, nakaramdam siya ng matinding kapangyarihan mula sa kabilang panig ng pinto.Samantala, nakikita ng iba na may itim na liwanag na nagmumula sa pinto, na lumabas mula dito at binalot si James. Isang napakalakas na Demonic Energy ang lumabas mula sa katawan ni James at pumasok sa Imperial Jade Seal bago at dumaloy dito bago pumasok sa pinto. Ang pinto, na walang nakakaalam kung gaano katagal ng sarado, ay dahan-dahang bumukas at nagkaroon ng lamat.Noong nakita ito ni Walganus, bumilis ang tibok ng puso niya.Hindi magtatagal at hindi na niya kailangan mag
Gusto sulyapan ni James ang mukha ng matanda. Pero, habang mas tumititig siya sa mukha nito, mas lalo itong lumalabo.Naguluhan siya.Pagkatapos, tinignan niya ang mga tao na nakaupo ng lotus position. Ito ang nakakagulat na parte. Noong pumasok siya dito, nakikita niya ng malinaw ang mga tao, pero ngayon, hindi niya na sila makita. Kinilabutan siya.“Nasaan ako?”“Sino siya?”“Bakit tila hinihintay niya ako?”Maraming katanungan ang sumagi sa isip ni James.Sumagot ang matandang lalake ng mahina, “Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay nandito ka na. Sapagkat nandito ka na, ibig sabihin ikaw ang itinadhana.”“Anong ibig mo sabihin?” tanong ni James.Bumuntong hininga ang matanda. “Hindi ko inaasahan na ang Supernatural Power na kinucltivate ko ay lilikha ng matinding pagbabago sa hinaharap, at gagamitin pa ng Heavenly Path para puntiryahin ang mga tao. Kahit na ang mga tao ang may kasalanan kung bakit ito nangyari, hindi ko mapigilan na maramdaman na guilty ako sa puso ko.”
Naging malabo ang paningin ni James. Noong nagpakita siya muli, nagbalik siya sa pangkaraniwan na hardin. Walang tao sa paligid.Sinuri ni James ang paligid at lumapi sa batong upuan sa gazebo. Pagkaupo niya sa upuan, inalala niya ang mga nangyari.Alam niyang hindi siya nagdedeliryo. Matapos pumasok sa hardin, isang malakas na pigura ang kumausap sa kanya na nagmula pa sa nakaraan at malayong panahon. O maaari kaya’y isa itong mensahi na iniwan ng Ancestral Talisman Master, na malalaman ng kahit na sinong makapagbubukas ng hardin.Matapos niya alalahanin ang nangyari, huminga ng malalim si James.“Hindi kapani-paniwala… Hindi ko inaasahan na ang Ancestral Talisman Master ay nakita ang hinaharap mula pa noong Primeval Age. Naplano na niya ang lahat.”Bumulong si James.Pagkatapos, napaisip siyang muli.Kahit na natanggap niya ang impormasyon na iniwan ng Ancestral Talisman Master, wala itong direktang may kinalaman sa seal sa Galileo at sa sumpa ng Sangria.Ngunit, sa oras na iyon, ma
Tuwang-tuwa si Lachlan sapagkat nilutas na ni James ang lahat ng mga problema niya. Ngayon, dumating na ang oras para mamuno siya sa mundo. Ngunit, hindi siya pumunta sa Sangria para sakupin ito kung hindi kunin ang providence na nakuha ni James.Sa oras na iyon, nagpapahinga si James sa kuwarto niya.Matapos pumasok sa hardin ng Sangria Palace, nakatanggap siya ng impormasyon na susi sa pagresolba sa Third Calamity.“Pasanin ang lahat ng mga sumpa?”Bumulong si James.Noong inilabas niya ang Imperial Jade Seal at sinuri ang mga misteryosong karakter na nakaukit dito, napaisip siya ng malalim. Hindi niya alam kung gaano nakakatakot ang sumpa ng Third Calamity, pero ang naiisip niya ay posibleng nakamamatay ito. Ngayon, kailangan niyang pasanin ang lahat ng sumpa.Gaano karaming tao ba mayroon ang sansinukob? Wala din ideya si James sa kung anong kakaharapin niya kapag pinasan niya ang lahat ng sumpa ng sangkatauhan.Huminga siya ng malalim.Kasabay nito, nagtipon sina Walganus at Yanin
Gayunpaman, sina Winnie at Delainy ay nasa labas ng pagsasanay. Dahil wala siyang ideya kung nasaan sila, kailangan niyang hanapin ang mga ito bago umalis.“Sophie, pwede mo ba akong tulungan na mahanap sina Winnie at Delainey?”Dahil napakalaki ng Planet Galileo, ang paghahanap sa kanila ay magtatagal nang walang hanggan. Kaya naman, humingi ng tulong si James kay Sophie."Sige, sandali lang."Sinimulan ni Sophie na i-extrapolate ang kanilang kinaroroonan.Pagkaraan ng ilang minuto, nalaman niya ang kanilang lokasyon, sinabi niya, "Nalaman na nawala ang seal sa Planet Galileo, pabalik na sila sa Sangria. Babalik sila sa loob ng dalawang linggo."Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si James. Ngayon, kailangan na lang niyang hintayin na bumalik sina Winnie at Delainey bago umalis. Matapos umalis sa Earth nang napakatagal, wala siyang ideya kung ano ang sitwasyon sa Earth sa sandaling ito. Inaasahan niyang bumalik sa Earth at makita si Thea.Sa susunod na dalawang araw, nanatil
Sa pangunahing bulwagan ng Sangria Palace, si Lachlan, na nakasuot ng kulay abong balabal, ay nakaupo sa trono habang nakatingin sa ibaba. Sa ibaba niya ay isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim. Sila ang mga pinagkakatiwalaan niya sa buong taon, at sila ang ilan sa mga nangungunang mandirigma at hindi magagapi sa labas ng mundo.Marami ang nagmamadaling sumugod sa pinangyarihan. Dumating lahat sa main hall sina Xanthe, Yanina, Xianna, at Quinella.Nakatitig sa matandang lalaking nakaupo sa trono, nagdilim ang mukha ni Xanthe habang malamig na sinabi, "Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa Sangria?"Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Lachlan. Sa kanya, walang karapatan si Xianna na kausapin siya. Kaya, ipinikit niya ang kanyang mga mata at matiyagang naghintay sa pagdating ni James.Matapos matanggap ang balita ng pagpasok, mabilis na sumugod si James sa lugar.Pagdating niya sa main hall ay marami na ang nagkukumpulan doon. Habang naglalakad siya papasok sa bulwagan, napansin