Kabanata 2707
Itinuro ni Xianna ang pinto at sinabi, “Nakikita mo ang puwang sa pinto? Ilagay mo ang Imperial Jade Seal doon at bubukas ang pinto. Ilang beses na sinubukan ng mga nakaraang Empress pero nabigo sila. Ang itinadhana lamang ang makakagawa nito.”

Tumango si James matapos ito marinig.

Habang hawak ang Imperial Jade Seal, lumapit siya sa pinto. Habang pinapanood siya ng lahatm ipinasok niya sa puwang ang Imperial Jade Seal. Sa oras na iyon, nakaramdam siya ng matinding kapangyarihan mula sa kabilang panig ng pinto.

Samantala, nakikita ng iba na may itim na liwanag na nagmumula sa pinto, na lumabas mula dito at binalot si James. Isang napakalakas na Demonic Energy ang lumabas mula sa katawan ni James at pumasok sa Imperial Jade Seal bago at dumaloy dito bago pumasok sa pinto. Ang pinto, na walang nakakaalam kung gaano katagal ng sarado, ay dahan-dahang bumukas at nagkaroon ng lamat.

Noong nakita ito ni Walganus, bumilis ang tibok ng puso niya.

Hindi magtatagal at hindi na niya kailangan mag
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP