Kabanata 2706
Mabilis na nangyari ang bagay na ito.

Sa oras na nakapagreact si James, naglaho na ang lahat, at nakatayo siya sa pinakamataas na rurok ng Sword Pavillion. Ngunit, alam niya na hindi guni-guni ang nangyari at tunay niyang nakuha ang pamana ng Ancestral Sword Master. Malinaw niyang nararamdaman ang sigil na gitna ng noo niya. Sapagkat hindi kapansin-pansin ang marka, walang nakakakita dito maliban kay James na nararamdaman ang presensiya nito.

Huminga ng malalim si James.

“Hindi ko inaasahan na mayroon talagang pamana ang Ancestral Sword Master sa Sword Pavillion. Kung makukuha ko ng buo ang mga pamanang ito, maaabot ko ang Grand Emperor Rank.”

Hinigop niya muli ang Sword Energy na inilabas niya at pinigilan ang aura niya bago ipinasok sa kaluban ang Divine Sword. Bigla siyang nilapitan ng mga tao.

Si Walganus ang unang lumapit, at nagtanong, “Kumusta, James?”

Sinulyapan siya ni James at nagtanong, “Anong ibig mo sabihin?”

“Ang pamanang swordsmanship! Nakuha mo ba ito?” tanong ni Walgan
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP