Tumingin si James sa gulat na si Yuvan sa gilid ng bundok at nagsabing, "Pwede na ba akong dumaan?"Tumabi si Yuvan at nagbigay ng daan para kay James. Nagpatuloy na umakyat si James sa hagdan papunta sa tuktok ng bundok nang walang pag-aalinlangan. Hindi nagtagal, nakarating siya sa tuktok kung saan nagtitipon ang maraming malalakas na tao sa Blade Sect. Nilapitan siya ng Leader ng Blade Sect nang may masiglang ngiti, "Narinig ko mula sa Great Elder na isang napakamahusay na swordsman ang darating sa sect namin. Nagdududa ako sa umpisa, pero talagang isa kang mahusay na swordsman pagkatapos kong masaksihan iyon."Mapagpakumbabang nagsabi si James, "Masyado niyo naman akong pinupuri, Sir."Sabi ng Leader ng Blade Sect, "Ako ang Leader ng Blade Sect. Ang pangalan ko ay Yash Babington."Magalang siyang binati ni James, "Mr. Babington."Nagtanong si Yash, "Nagpunta ka ba sa sect namin para makita ang sword techniques namin?"Napaisip si James.Ang layunin niya sa pagpunta sa
"Mga panauhin ko, sundan niyo ko."Naghanda ang Leader ng Blade Sect ng pansamantalang tutuluyan nina James sa Blade Sect. Trinato ng Blade Sect ang tatlo nilang ginagalang na panauhin at naghanda ng isang nakahiwalay na courtyard para sa kanila. Nagtipon ang tatlo sa bakuran. Nagtanong si Walganus, "Sa tingin mo ba ibibigay ng Grand Patriarch ng Blade Sect ang Crepe Myrtle Divine Sword?"Umiling si James at nagsabing, "Hindi ko alam."Sabi ni Yanina, "Sa tingin ko hindi."Tumingin si Walganus sa kanya at nagtanong, "Bakit mo naman nasabi yan?"Nagpaliwanag si Yanina, "Mataas ang narating na cultivation rank ng Grand Patriarch ng Blade Sect at nabuo niya ang Blade Sect dahil nakuha niya ang Crepe Myrtle Divine Sword. Higit pa roon, nagmula sa Crepe Myrtle Divine Sword ang swordsmanship niya. Bakit niya ibibigay ang ganito kalakas na espada? Kahit na maaapektuhan nito ang buong mundo, wala itong kinalaman sa kanya. Pwede siyang magpatuloy na manatili sa isla kung saan hindi t
Ang Grand Patriarch ng Blade Sect ay dating isang magaling na magnanakaw na mahusay sa pagnanakaw ng kayamanan mula sa iba't-ibang sect. Ang pangalan niya ay Falco Barrett. Napakaraming taon ang nakaraan, nagtipon siya ng isang grupo ng malalakas na tao at binalot ng dugo ang Crepe Myrtle Sword Pavilion ng Sangria. Pagkatapos, ninakaw niya ang Crepe Myrtle Divine Sword at ilan sa sword techniques ng Crepe Myrtle Sword Pavilion. Pagkatapos niyang makuha ang Crepe Myrtle Divine Sword, nalaman niya kaagad na isa itong pambihirang sandata. Kung kaya't umalis siya sa lupain at naglakbay papunta sa rehiyon ng karagatan. Pagkatapos, nanatili siya sa islang ito. Nagkataon, natuklasan niya na may divine object sa islang ito na nagbibigay ng kakayahan sa mga taong hindi maapektuhan ng sumpa. Kung kaya't itinatag niya ang Blade Sect at naging founder ng Seafolk. Ngayon, nagpunta ang mga miyembro ng Crepe Myrtle Sword Pavilion ng Sangria para bawiin ang Crepe Myrtle Divine Sword. P
Mabilis na sinalo ni James ang espada. Pagkatapos niyang masalo ang Crepe Myrtle Divine Sword, naramdaman niya ang bigat nito. Para ba itong isang malaking bundok. Nabitawan niya ito at bumagsak ito sa lapag. Bang!Bumagsak sa lapag ang Crepe Myrtle Divine Sword at gumawa ng nakakabinging ingay. Yumanig ang buong kabundukan at isang bitak ang lumitaw sa lapag. Nahihiyang nagsabi si James, "Hindi ko inasahang ganito pala kabigat ang Crepe Myrtle Divine Sword. Hindi ako nag-ingat."Pinagana niya ang True Essence niya at dinampot muli ang Crepe Myrtle Divine Sword. Tumingin si James kay Falcon sa pinakamataas na upuan sa hall at nagsabing, "Salamat, Sir. Akala ko sobra akong mahihirapang mabawi ang Crepe Myrtle Divine Sword. Hindi ko inaasahang napakamakatarungan ninyo."Nakangiting nagsabi si Falcon, "Kahit na magandang sandata ang Crepe Myrtle Divine Sword, konektado ito sa buhay ng mundong ito at ng mga nilalang nito. Paano ko magagawang maging makasarili at angkinin ito?"
Pagkatapos makuha ang Crepe Myrtle Divine Sword, mabilis na umalis ang tatlo sa isla at bumalik sa sea region. Hindi umalis ang Blademaster of Mount Grinch at naghintay sa dagat para sa pagbabalik nila. Nang nakita niyang bumalik na sina James, nakahinga siya nang maluwag. Tumingin ang Blademaster of Mount Grinch kay James at sa dalawa, sabay kinakabahang nagtanong, "Kumusta? Nahanap niyo ba ang Crepe Myrtle Divine Sword?"Sa isang isip niya, lumitaw sa kamay ni James ang Crepe Myrtle Divine Sword na itinabi niya sa Celestial Abode. Tinignan ng Blademaster of Mount Grinch ang lilang Divine Sword na hawak ni James at naramdaman niya ang matinding kapangyarihang nagmumula rito. Napanganga siya at napasigaw, "Nararamdaman ko ang tindi ng lakas nito!"Nagpaliwanag si Walganus na nasa tabi niya, "Kung hindi ako nagkakamali, ang Crepe Myrtle Divine Sword ay dating sandata ng Ancestral Sword Master. Isa itong sandatang higit pa sa Imperial Weapons. Kahit ang pangkaraniwang tao ay k
Nakaupo si Sophie sa isang bato sa tuktok ng bundok. Nakasuot siya ng mahabang lilang bestida ngayon at umaalon sa ere ang mahaba niyang buhok. Tumingin siya sa malayo at nagpakita ng bakas ng kalungkutan ang maganda niyang mukha. Lumapit si James at tinawag siya, "Ms. Sophie."Nawala sa pagkakatulala si Sophie. Bigla siyang tumayo at lumingon kay James. Nagtanong siya, "Anong ginagawa mo rito?"Sabi ni James, "Nakuha ko na ang Crepe Myrtle Divine Sword. Ang natitira na lang ay ang Imperial Jade Seal ng Sangria. Nagpunta ako rito para hilingin sa'yong tulungan mo kong mahanap ito."Tumango si Sophie at nagsabing, "Sige. Tutulungan kitang mahanap to ngayon din."Kaagad siyang umupo nang nakalotus position. Tinaas niya ang manipis niyang kamay at lumitaw ang mahihiwagang scripts mula sa palad niya. Nagtipon ang scripts sa harapan niya at bumuo ng isang formation. Napakalalim ng mga script at napakamisteryoso naman formation. Sa kasalukuyang cultivation rank ni James, imposi
Tumango si James at nagsabing, "Oo. Natukoy ko na ang kinaroroonan ng Imperial Jade Seal ng Sangria.""Nasaan?" tanong ni Walganus. Hindi napigilan ni Yanina na tumingin kay James nang may pagdududa. Sandali pa lang ang lumilipas, pero nakakuha na si James ng impormasyon tungkol sa Imperial Jade Seal ng Sangria. Higit pa roon, hindi naman lumabas ng battleship si James, kaya saan niya nakuha ang impormasyon?Sabi ni James, "Ang totoo, may ideya ang ako tungkol sa kinaroroonan nito.""Sige na. Diretsuhin mo na." Naiinip na si Walganus. Sabi ni James, "Ang Imperial Jade Seal ng Sangria ay nasa Barren Wasteland."Napasigaw si Yanina, "Ang Barren Wasteland?"Lumingon sa kanya si James at nagtanong, "Anong problema? May alam ka ba tungkol sa Barren Wasteland?""Syempre!"Huminga nang malalim si Yanina at nagsabing, "Ang Barren Wasteland ay isang pinagbabawal na lugar sa Galileo. Isa itong lugar na nagmula pa sa sinaunang panahon. Sinasabing walang kahit na anong halaman o nilalan
"Sige.""Pinaalalahanan ni Yanina si Walganus, "Mag-iingat ka, okay?" Pagkatapos ng maikling diskusyon, naghiwalay na sila at bumalik sa kani-kanilang silid. Nanatili ang airship sa landas nito. Sa isang kisap-mata, anim na buwan ang lumipas. Nalampasan ng airship ang karagatan at ngayon ay patungo sa direksyon ng Sangria.Dahil ayaw ni Yanina na ipagsapalaran ang kanyang buhay, nagpasya siyang huwag magpatuloy sa paglalakbay. Kaya naman, bumaba siya sa airship sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay bago sila makarating sa kanilang destinasyon.Ang Blademaster ng Mount Grinch na kumokontrol sa manibela ay minaneho ang airship patungo sa direksyon ng Korinth dahil kailangan nilang tumawid sa Korinth upang marating ang Barren Wasteland.Hindi nagtagal, ang airship ay nasa himpapawid na ng Korinth. Pagkatapos nilang dumaan sa bansa, tumungo sila sa direksyon ng Barren Wasteland.Lumipas ang isa pang anim na buwan.Pagkalipas ng anim na buwan, dumating ang airship sa isang luga