Kabanata 2682
Napansin ni James ang mga taong nakatayo sa tuktok ng bundok.

Kahit na mahirap para sa kanyang mahulaan ang cultivation ranks nila, nararamdaman niyang napakalakas nila at malamang na mga seniors sa Blade Sect.

Tinignan ulit ni James ang lalaking nakaputing balabal.

May hawak na mahabang gintong espada ang lalaking nakaputing balabal. Mukha siyang isang war god habang naglalabas siya ng malakas na enerhiya.

Naiilang na ngumiti si James at nagsabing, "Hindi ako nandito para hamunin ang Blade Sect."

Ngumiti ang lalaking nakaputing balabal at nagsabing, "Oh, ganun ba? Iba ang narinig ko mula sa elder namin. Ang sabi niya, gusto mong makita ang sword techniques ng sect namin at nakuha mo na ang permiso niya. Basta't matatapatan mo ang espada ko, pwede mong tignan ang sword techniques ng sect namin."

Ang elder na nalabanan ni James sa liblib na lungsod ay may matimbang na posisyon sa Blade Sect.

Siya ang Great Elder ng Blade Sect at napakalakas niya, pero natalo siya kay James.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP