Kabanata 2681
Maraming nakasalubong si James na disipulo ng Blade Sect sa daan.

Hindi nagtagal, nakarating ang tatlo sa pangunahing bundok ng Blade Sect.

Ang pangunahing bundok ay nasa 100,000 metro kataas at may hagdan na papunta diretso sa tuktok ng bundok. Ang hagdan ay parang isang higanteng dragon na nakapulupot sa bundok na nagbigay rito ng dakilang itsura.

Maraming gusali ang nakikita sa tuktok ng bundok. Nababalot ng puting hamog ang bundok at mukha itong isang paraiso mula sa malayo.

"Mula rito ay ang pangunahing bungok. Hindi pwedeng pumasok ang mga pangkaraniwang disipulo mula sa puntong ito."

Hinarang silang tatlo nang narating nila ang paanan ng bundok.

Nilabas ni James ang token ng elder at ipinakita ito sa mga bantay.

Pagkatapos ipakita ang token, nakalampas ang tatlo nang walang balakid at nagsimulang umakyat sa hagdan papunta sa tuktok ng bundok.

Sa gitna nito, nakita nila ang isang lalaking nakaputing balabal na nakatayo sa mga baitang sa harapan nila. Nakaburda sa
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP