Pinanood ni Sophie si James na magsanay mula sa Celestial Abode. Para kina Sophie at Nova na nakarating na sa mataas na cultivation rank, simula pa lang ang natutunan ni James kamakailan. Gayunpaman, hindi madali para sa isang taong nasa cultivation rank niya na marating ang ganito. Pinuri siya ni Sophie, "May simple siyang pag-unawa sa Sword Heart at Sword Intent. Kahit na ito pa lang ang simula, nakakamangha na nakarating siya sa puntong ito nang mag-isa. Gayunpaman, mahihirapan siyang maintindihan ang Singularity." Bumuntong-hininga si Nova. "Oo. Kailangan niyang marating ang Divine Rank bago niya tuluyang maintindihan ang Singularity." Nagkomento ang dalawa sa mga narating ni James. Gayunpaman, walang kaalam-alam si James. Sinanay niya ang swordsmanship na naunawaan niya pati ang Four Stages of the Five Great Sword Realms, sabay pinakita ang laman ng isipan niya. Ang bawat isang kilos na pinakita niya ay nagpakita ng napakalakas na swordsmanship na habangbuhay na hi
Hindi ginulo ni Sheldon si James. Dahil gabi na, balak ni James na matulog sandali. Kahit na kaya niyang mabuhay nang hindi kumakain at hindi natutulog nang matagal na panahon sa kasalukuyan niyang cultivation rank, masaya pa ring matulog. Nang matutulog na sana siya, nakarinig siya ng katok sa pinto niya. Lumapit si James at binuksan ang pinto. Pumasok si Walganus sa kwarto at umupo sa isang bangko. Tumingin siya kay James at nagsabing, "Kalmado ka nga talaga. Pupunta tayo sa Blade Sect sa susunod na ilang buwan. Hindi ba dapat nag-iisip ka ng paraan para makuha ang Crepe Myrtle Divine Sword?"Lumapit si James at umupo. Kumibit-balikat siya at nagsabing, "Alam mo dapat na may divine objects ang Seafolk na tumutulong sa kanilang hindi maapektuhan ng sumpa ng mundong ito. Nasa Grand Patriarch ng Seafolk ang Crepe Myrtle Divine Sword at malamang ay napakataas ng cultivation rank niya. Ano palang dapat kong gawin?""Konektado ito sa kung makukuha mo ang swordsmanship inheritance
Nalaman ni James mula kay Walganus na ang Third Calamity ay may kinalaman sa mga sumpa. Gayunpaman, hindi alam ni Walganus ang eksaktong detalye ng Third Calamity. Kung kaya't bumaling si James kay Sophie sa Celestial Abode para magtanong. "Ms. Sophie, "talaga bang konektado sa mga sumpa ang Third Calamity' ng Earth?" tanong ni James.Hindi nagtagal, narinig ang boses ni Sophie mula sa Celestial Abode. "Nararamdaman ko lang na papalapit na ang Third Calamity. Malamang ay mangyayari ito sa loob ng sampung taon. Gayunpaman, hindi ko matukoy kung anong klaseng kalamidad ito.""Sampung taon?"Naramdaman ni James na sumikip ang dibdib niya. Para bang mahabang panahon ang sampung taon, pero kakaunti lang talaga ito. Para sa malalakas na cultivators, lumilipas ang sampung taon sa isang kurap lang. Huminga nang malalim si James. Kailangan niyang makuha ang Crepe Myrtle Divine Sword at ang Imperial Jade Seal ng Sangria at tanggalin ang Sumpa sa Sangria pati na rin ang seal sa
Nakaupo ang Elder ng Blade Sect sa head seat ng sala ng City Lord's Mansion. Samantala, nakaupo si James sa tabi niya. Lumapit ang mga katulong ng City Lord's Mansion dala ang ilang kalidad na spiritual fruits at nilagay ito sa mesa sa harapan ni James. Hinimas ng Elder ng Blade Sect ang puti niyang balbas at nakangiting nagsabi, "Anong problema, James?"Tumayo si James, pinagsalikop ang mga kamao niya, at nagsabing, "Sir, balak kong pumunta nang maaga sa Blade Sect. Pwede mo ba akong bigyan ng token para makapasok ako nang maayos?"Kumunot ang noo ng Elder ng Blade Sect at nagsabing, "Nagmamadali ka bang pumunta sa Blade Sect?""Mhm." Tumango si James. Nagtanong ang Elder ng Blade Sect, "Bakit?"Hindi sinabi ni James ang totoo pero gumawa siya ng palusot. Pagkatapos ng kaunting pagdadalawang-isip, naglabas ng token ang Sect Elder ng Blade Sect at inabot ito kay James, sabay nagsabing, "Ito ang token ko. Makakapasok ka nang walang problema sa Blade Sect gamit nito. Pero,
Pagkatapos maglakbay nang ilang araw, sa wakas ay narating na ng tatlo ang Blade City, ang pinakamalapit na lungsod sa Blade Sect. Sinundan ng tatlo ang daan papasok ng lungsod. Hindi nagtagal ang tatlo sa lungsod. Mabilis silang naglakbay sa lungsod at umalis sa kanilang dulo ng gate ng lungsod. Hindi nagtagal pagkatapos umalis sa lungsod, nakita nila ang isang walang katapusang bulubundukin. Napakaraming bundok sa harapan nila at para bang wala itong katapusan sa isang tingin. "Napakaraming enerhiya rito."Tinignan ni Walganus ang kabundukan sa harapan nila sa gulat. Hindi niya napigilang mamangha, "May nararamdaman akong misteryosong kapangyarihang nagmumula sa kabundukan. Isa siguro itong klase ng divine objects. Ang ganito kalakas na gamit ay pambihira kahit sa sect ko."Bago sila makapasok sa isla, naramdaman na ni Walganus ang divine object sa loob ng teritoryo ng Seafolk. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung ano ito. Nabanggit ng Elder ng Blade Sect ang isang di
Maraming nakasalubong si James na disipulo ng Blade Sect sa daan. Hindi nagtagal, nakarating ang tatlo sa pangunahing bundok ng Blade Sect. Ang pangunahing bundok ay nasa 100,000 metro kataas at may hagdan na papunta diretso sa tuktok ng bundok. Ang hagdan ay parang isang higanteng dragon na nakapulupot sa bundok na nagbigay rito ng dakilang itsura. Maraming gusali ang nakikita sa tuktok ng bundok. Nababalot ng puting hamog ang bundok at mukha itong isang paraiso mula sa malayo. "Mula rito ay ang pangunahing bungok. Hindi pwedeng pumasok ang mga pangkaraniwang disipulo mula sa puntong ito."Hinarang silang tatlo nang narating nila ang paanan ng bundok. Nilabas ni James ang token ng elder at ipinakita ito sa mga bantay. Pagkatapos ipakita ang token, nakalampas ang tatlo nang walang balakid at nagsimulang umakyat sa hagdan papunta sa tuktok ng bundok. Sa gitna nito, nakita nila ang isang lalaking nakaputing balabal na nakatayo sa mga baitang sa harapan nila. Nakaburda sa
Napansin ni James ang mga taong nakatayo sa tuktok ng bundok. Kahit na mahirap para sa kanyang mahulaan ang cultivation ranks nila, nararamdaman niyang napakalakas nila at malamang na mga seniors sa Blade Sect. Tinignan ulit ni James ang lalaking nakaputing balabal. May hawak na mahabang gintong espada ang lalaking nakaputing balabal. Mukha siyang isang war god habang naglalabas siya ng malakas na enerhiya. Naiilang na ngumiti si James at nagsabing, "Hindi ako nandito para hamunin ang Blade Sect."Ngumiti ang lalaking nakaputing balabal at nagsabing, "Oh, ganun ba? Iba ang narinig ko mula sa elder namin. Ang sabi niya, gusto mong makita ang sword techniques ng sect namin at nakuha mo na ang permiso niya. Basta't matatapatan mo ang espada ko, pwede mong tignan ang sword techniques ng sect namin."Ang elder na nalabanan ni James sa liblib na lungsod ay may matimbang na posisyon sa Blade Sect. Siya ang Great Elder ng Blade Sect at napakalakas niya, pero natalo siya kay James.
Kusang tinaas ni Yuvan ang espada niya para salagin ang atake, pero nabasag na ang espada niya. Kahit na hindi maalamat ang espada niya, gawa ito sa pambihirang materyal at hindi ito isang pangkaraniwang sandata. Wala siyang paraan para iwasan o salagin ang atake ni James. Ang magagawa niya lang ay kayanin ito, pero nabigo siya. Alam niyang hindi siya papatayin ni James. Kahit na umatake si James nang may intensyong pumatay, hindi niya mapapatay si Yuvan. Kahit na ganun, natalo pa rin siya kay James. Pagkatapos nasira ng Primordial Dragon Blade ang espada ni Yuvan, sumapi kay James ang mga anino niya at gumawa ng nakakatakot na pwersa. Bumugso ang pwersa mula sa Primordial Dragon Blade at napilitan si Yuvan na umatras nang ilang hakbang. Gayunpaman, hindi nasugatan si Yuvan."A-Anong klaseng swordsmanship ang sinasanay mo?"Gulat na tinignan ni Yuvan si James. Itinabi ni James ang Primordial Dragon Blade at nahihiyang ngumiti. Sumagot siya, "Ito ang swordsmanship ng