Maraming taon ang nakaraan, nagpunta si Maxine sa Mount Bane mula Cansington para hanapin si James. Gayunpaman, hinarang siya ni Marcello sa daan. Pinadala ni Marcello si Maxine sa Demon Realm. Nakakita ang Azurean Clan ni Maxine ng potensyal mula kay Maxine at nilagay nila siya sa banal na lugar nila para gawing Demonic Body ang katawan niya. Sa nagdaang mga taon, nabalot ng Demonic Energy ang katawan ni Maxine. Higit pa roon, naglabas ng napakaraming kayamanan ang Leader ng Azurean Clan para gawing Demonic Body ang katawan ni Maxine. Tuluyang nagbago ang katawan ni Maxine at wala na siya ngayong mortal na katawan, napalitan na ito ng walang makakapantay na Demonic Body. Ngumiti ang Leader ng Azurean Clan na ama rin ni Marcello nang nakita niya ang Demonic Energy na nagmumula sa katawan ni Maxine. Sabi niya, "Mabuti na lang at hindi nasayang ang mga kayamanan ko. Mayroon nang Demonic Body si Maxine at patuloy na tataas ang lakas niya."Itinabi ni Maxine ang enerhiya niya
Sabi ni Qusai, "May isang buwan pa bago mahinog ang bodhi fruit at isagawa ni Brielle ang paligsahan para sa mapapakasalan niya. Importante ang oras ngayon, James. Kailangan mong magcultivate nang maigi. Kung hindi, hindi ka mananaig sa paligsahan at hindi mo mapapakasalan si Brielle."Sumagot si James, "Wala akong interes sa kanya." Totoo ang sinabi niyang wala siyang nararamdamang kahit na ano para sa kanya. Kahit na kasing ganda siya ng isang bulaklak, hindi siya interesado. Sa sandaling iyon, nilapitan sila ni Brielle. Nakasuot siya ng puting bistida na pinapakita ang magandang hubog ng katawan niya. Makinis ang balat niya at mayroon siyang ere ng isang maharlika. Habang papalapit siya, narinig niya ang mga salita ni James at bahagyang sumama ang maganda niyang mukha. Anong klaseng babae ba siya? Si Brielle ang pinakamagandang babae sa Mortal Dimension. Napakaraming manliligaw na ang nagpunta para hingin ang kamay niya sa isang kasal. Gayunpaman, direktang binanggi
Napakaraming spiritual fruits sa loob ng Celestial Abode. Gayunpaman, bihirang hayaan ni Sophie si James na kumain ng mga ito. Pinapayagan lang siyang kainin ang mga iyon paminsan-minsan sa importanteng sandali. Kailangan niyang magcultivate nang dahan-dahan at manatiling nakaapak sa lupa para marating ang tuktok ng cultivation. Magiging madali para sa kanya na lumakas sa pamamagitan ng pagkain ng spiritual fruits kung hindi niya gustong marating ang tuktok. Biglang may naisip si Henrik at nagsabing, "Siya nga pala, naalala kong may isang mahiwagang lugar sa Mount Lutheran. Mayroon sigurong Primoridal Pulse doon na naglalabas ng maraming Primordial Energy." "Talaga?" Sumigla ang mukha ni James sa sabik. Narinig na niya ang tungkol sa Primordial Pulses at Primordial Energy noon. Kapag bumukas ang seal ng Earth, magkakaroon nang maraming Primordial Energy sa Earth. Gagawa ito ng isang masagana at nakakamanghang panahon. Sumagot si Henrik, "Syempre. Gayunpaman, bihira ang Pr
Pagkatapos ng sagot ni Sophie, nakaramdam si James ang isang malakas na pwersa sa loob ng katawan niya. Naglakad siya papunta sa formation nang walang pagdadalawang-isip. Ngayon, madali siyang nakalampas sa barrier formation. Pagkatapos makalampas sa barrier formation, kaagad na nagbago nang sobra ang eksena sa harapan niya. Isang nakakatulalang tanawin na may magagandang kabundukan at malilinaw na batis ang lumitaw sa harapan niya. Sa malayo ay ilang matataas na bundok at isang napakagandang talon. Sa paanan ng bundok ay isang ilog na napapalibutan ng mga bulaklak. Sari-saring bulaklak at halaman ang tumutubo sa paligid na kinukulayan ng matitingkad na kulay ang lugar. Lumapit si James at naramdaman niya ang makapal na Empyrean Spiritual Energy. Lumaki ang mga pores ng balat niya at nilanghap niya ang Primordial Energy mula sa paligid na nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na ginhawa. Hindi napigilan ni James na mapasigaw, "Ang daming Primordial Energy dito." Hindi
Napakalakas ni Brielle at walang laban sa kanya si James nang hindi gumagamit ng kahit alin sa secret arts niya. Nahirapang tumayo si James mula sa lapag. Tinaas ni Brielle ang kamay niya at hindi siya kumilos. Dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya at tinitigan si James, sabay nagtanong, "Bakit ka nasa banal na lugar ng clan ko?" Tumingin si James sa kanya at kalmadong nagsabi, "Bilang isang babae, dapat maging mas malumanay ka. Kung hindi, baka hindi ka ikasal." "Ikaw…" Magiging ayos lang si James kung nanatili siyang tahimik, pero kailangan pa niya talagang galitin siya. Tumalon si Brielle sa ere at inihampas ang binti niya kay James. Tinaas niya ang kamay niya para salagin ang atake. Gayunpaman, gumamit ng maraming lakas si Brielle. Tumalsik si James at bumagsak ulit sa lapag. Nang bumagsak sa lapag ang katawan niya, nakaramdam siya ng matinding sakit at nagngitngit ang ngipin niya. Naglaho ang katawan ni Brielle at lumitaw ulit sa harapan ni James. Tinupi niya
Medyo nailang si James na matitigan ng isang magandang babae. Hindi niya mapigilang mapaatras at magpaalala sa kanya, "M-May asawa na ako." Namumuhi siyang tinignan ni Brielle at nagsabing, "Pfft. Wag mong masyadong taasan ang tingin mo sa sarili mo." Nang marinig ni James ang sagot niya, nakahinga siya nang maluwag. "Sige, mabuti. Anong tanong mo? Sige lang." Sabi ni Brielle, "Narinig kong nakuha mo ang Infinity Steles at Five Elements of Genesis, ang mga providence mula sa First at Second Calamity ng Earth. Ang dalawang kayamanang ito ay nagmula sa Primeval Age. Noong una, hindi ito alam ng mga nilalang sa buong kalawakan. Gayunpaman, kumalat na ngayon ang tungkol dito. Pwede mo bang ipakita sa'kin ang mga iyon?" "Yun lang ang gusto mo?" Bahagyang ngumiti si James at nagsabing, "Sige."Sa isang isip, tinawag niya ang 108 Infinity Steles at umikot ito sa buo niyang katawan. Taas-noong nagsabi si James, "Ito ang Infinity Steles. Sinasabi sa alamat na ang napakalakas na mg
Nagsimulang magcultivate si James sa banal na lugar ng Labhrann Clan. Layunin niyang makaakyat mula Eighth Stage ng Immortal Ascension papuntang Ninth Stage. Pagkatapos marating ang Ninth Stage ng Immortal Ascension, kaya niyang i-cultivate ang Sword Energy na kinuha ni Sophie para sa kanya. Nabanggit ni Sophie na ang Sword Energy ay iniwan ng isang napakalakas na nilalang mula sa Primeval Age. Kaya nitong sirain ang mundo kapag sinanay ito hanggang sa sukdulan. Nagtuon si James sa cultivation niya. Nagtipon sa paligid niya ang Primordial Energy sa paligid niya at bumuo ng isang vortex. Pumasok ang enerhiya sa balat niya. Pagkatapos, nilinang ito at naging True Essence. May pitong klase ng True Essence si James sa katawan niya. Yin, Yang, at ang Elemental Essence. Lahat ng iyon ay nakarating na sa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Kayang paganahin ng Yin at Yang Essence niya ang Cosmic Destruction. Samantala, ginagamit ang Elemental Essence para isagawa ang Elemen
Nagsalita ang Divine Holy Emperor nang may seryosong ekspresyon, "Kung hindi mo sasabihin sa'kin kung nasaan si James, papaulanin ko ng dugo ang Wyrmstead ngayong araw." "Subukan mo." Tumayo si Thea, pagkatapos ay bumugso ang nakakatakot na enerhiya mula sa katawan niya. "Sage Energy? I-Isa ka na ngayong Sage?" Nagulat ang Divine Holy Emperor. Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, mahirap para sa mga tao na umakyat ng cultivation rank. Gayunpaman, naglabas si Thea ng Sage Energy. Ibig sabihin nito ay isa na siyang Sage. "Huff." Huminga nang malalim ang Divine Holy Emperor. Isang descendant ng mga makasalanan, isang tao mula sa Earth ang naging Sage sa loob lang ng maikling panahon. Nakakatakot ang narating niya at ang potensyal niya. Kapag binigyan pa siya ng oras para magcultivate, baka malampasan ni Thea ang Sage Rank at marating ang Divine Rank, o baka maski ang pinakamataas na cultivation rank. Sa sandaling iyon, gustong pumatay ng Divine Holy Emperor. Gayunpaman, pini