Umalis ang Divine Holy Emperor. Gayunpaman, hindi nawala ang gulat sa puso niya kahit pagkatapos ng ilang sandali. Ang Divine Holy Emperor ay ang dating Leader ng Divinity Sect at itinuturing ring isang henyo. Hindi siya magiging Leader ng Divinity Sect kung hindi siya isang henyo. Gayunpaman, kahit na isa siyang henyo, inabot siya ng libo-libong taon para maging isang Sage. Samantala, ang isang batang kagaya ni Thea ay naging isang Sage na sandali lang pagkatapos bumalik ang Empyrean Spiritual Energy ng Earth. Sobrang nakakatakot na kayang maging Sage ni Thea sa loob lang ng maikling panahon. "Malaki ang potensyal ng mga tao sa Earth." Nabigla ang Divine Holy Emperor. Umalis ng Wyrmstead ang Divine Holy Emperor ay bumalik sa Mount Bane. Dumating siya sa isang hindi nalalamang rehiyon sa Mount Bane. Isa itong hindi nalalamang lugar na lumitaw mula sa Sealed Realm. Ang langit ay nababalot ng madidilim na ulap at puno ng nakakatakot na Demonic Energy. Maski ang mga heny
Sa Divine Dimension ng Demon Realm, nakaupo si Tigranes sa isang bato at napaisip muli. Alam na niyang nakarating si James sa Demon Realm. Dahil isa siyang Grand Emperor, makakakuha siya ng impormasyon sa tuwing may pagbabago sa Heavenly Path. Sa sandaling lumitaw si James sa Demon Realm, nalaman na niya ito kaagad. Masyado pang mahina si James sa ngayon Kahit na si James ay isang nakakatakot na taong henyo sa Earth at nakakuha ng napakaraming kayamanan, hindi siya malaking banta para pakialaman siya ni Tigranes. Ang tanging dahilan kung bakit niya napansin si James ay dahil sa napakalakas na kayamanang mayroon siya. Alam ni Tigranes na may napakalakas na taong tumutulong kay James. Kahit na hindi pa siya isang Grand Emperor, mukhang hindi na malayo rito ang taong ito. Higit pa roon, nalaman niya lang may isa pang makapangyarihang nagtatago sa Earth na nagpadala kay James sa Demon Realm. Imposible para sa isang nilalang na magbukas ng isang spatial passage at ipadala si
Kumalat na parang apoy ang balita tungkol sa laban sa pagitan nina nina Thea at ng Divine Holy Emperor. Ngayon, inaabangan ng lahat ng sangkatauhan ang araw ng laban nila. Si Thea ay isang tao mula sa Earth. Ang isang taong naging Sage ay tiyak na isang bagay na dapat ipagdiwang. Samantala, inabangan din ng mga Outsiders mula sa Three Thousand Worlds ang labang ito. Wala sa kanila ang talagang naniniwalang naging Sage si Thea sa maikling panahon. Higit pa roon, may Elysian Seal ang mga tao sa mga katawan nila. Kahit wala ang Seal, nakakatakot na makarating sa Sage Rank sa loob ng napakaikling panahon. Lumipas ang tatlong araw sa isang kurap. Punong-puno ng mga manonood ang Mount Bane. Lumitaw rito ang lahat ng malalakas na nilalang. Nasa Mount Bane ang lokasyon ng seal. Habang lumipas ang oras, mas maraming hindi nalalamang rehiyon ang lumitaw sa lugar. Ang lugar ay puno ng kabundukan at para bang wala itong hangganan sa isang tingin. Karamihan sa mga rehiyon na iyon
Sumunod sa kanya si Thea. "Oh, sayang naman." "Akala ko makakanood ako ng malaking laban. Hindi ko inasahang mangyayari ang labanan sa labas ng Earth." "Kalimutan mo na yan. Umaasa ka pa ring makakanood ka ng ilang engrandeng labanan? Hindi mo ba alam ang lakas ng isang Sage? Kayang burahin ng isang Sage ang isang buong bansa sa isang atake lang. Magandang desisyon para sa kanilang maglaban sa buwan. Kapag nagwala silang dalawa, baka masira pa nila ang Earth." Maraming tao ang tumingin sa langit habang naglaho ang dalawa sa paningin nila. Kayang maglakbay nang napakabilis ng mga Sage. Sa pinakamatinding bilis nila, kaya nilang gumawa ng void at maglakbay sa mga espasyo. Sa loob lang ng dalawang minuto, lumapag ang dalawa sa buwan. Ibang-iba ang kapaligiran sa buwan kumpara sa Earth. Mukhang madilim ang langit mula sa buwan at puno ng mga butas ang lapag. Maraming mga batong may kakaibang hugis ang nakikita sa lapag, pero walang ni-isang halaman roon. Pagkatapos lumapa
Naglabas ng malakas na Demonic Energy ang Divine Holy Emperor. Bumakat ang mga ugat niya at nakakatakot ang ekspresyon sa mukha niya. Habang nakatingin kay Thea sa malayo, naging kasing pula ng dugo ang mga mata niya. "Thea Callahan, pagsilbihan mo ako nang maayos, at sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo." Sinenyasan niya si Thea. “Hmph!” Malamig na suminghal si Thea. Tinaas ni Thea ang Malevolent Sword. Umilaw ito ng itim, pagkatapos ay isang napakalakas na sword light na may taas na isandaang metro ang lumitaw at humiwa sa ere papunta sa Divine Holy Emperor. Hindi natakot ang Divine Holy Emperor. Pinakawalan niya ang Demonic Energy mula sa palad niya at sinalag ang atake ni Thea. Gayunpaman, masyado siyang naging arogante. Napakalakas ng atake ni Thea. Nang isang nakakatakot na Sword Light ang bumagsak sa kanya, kaagad na naglaho ang Demonic Energy sa palad niya. Namutla ang mukha niya at pinaglaho niya ang katawan niya para maiwasan ang atake. Sa malayo, dumi
Habang umatake siya gamit ng palad niya, lilitaw ang mga nakakatakot na characters na naglalaman ng matinding kapangyarihan. Dahil malapit si Thea sa Divine Holy Emperor, mabilis niyang sinubukang salagin ang atake. Gayunpaman, huli na ang lahat. Isang character ang pumasok sa katawan niya. May matinding kapangyarihan ang character. Nang sumabog ito sa loob ng katawan niya, kaagad siyang nasugatan nang matindi. Napaatras siya at sumuka ng dugo. Pagkatapos, umatake ulit ang Exalter sa Divine Holy Emperor. Lumitaw ang Demonic Energy sa loob ng katawan niya at naging isang pananggalang laban sa Exalter. Habang lumitaw si Thea sa langit, nakikita ang Four Holy Beasts sa likuran niya—ang dragon, phoenix, qilin, at ang Spirit Turtle. Pagkatapos, pumasok ang Four Holy Beasts sa Malevolent Sword. Sa sandaling iyon, naglabas ng nakakatakot na aura ang Malevolent Sword. “Four-Quadrants into one! Sword of heaven and earth!”Humiwa si Thea gamit ng espada niya at isang Sword
Pagkabalik ni Thea sa Earth, nagmadali siyang umalis ng Mount Bane at nagtungo sa direksyon ng Chamber of Scriptures. Hindi nagtagal, nakarating siya sa destinasyon niya at nakita niya ang custodian. Sa ninth floor ng Chamber of Scriptures, nakaupo nang naka-lotus position si Thea sa lapag. Unti-unting namutla ang mukha niya. Sa tabi niya ay isang eleganteng babae. Napakaganda niya suot ng bistidang kasing puti ng niyebe. "Tinamaan ako ng Curse Magic sa laban ko sa Divine Holy Emperor. Miss, ano ba ang Curse Magic? Bakit sobrang nakakatakot ito?" Nanlulumong tanong ni Thea. Tumingin ang custodian kay Thea at mahinang nagsabi, "Ang Curse Magic ay isang Supernatural Power sa Primeval Age at kasalukuyang hawak ng Demon Race ng Demon Realm. Sa pagkakaunawa ko, bihasa ang Azurean Clan at Hadean Clan sa ilang bahagi ng Curse Magic. Gayunpaman, hindi kumpleto ang natutunan nila. Matagal nang wala ang kumpletong bersyon ng Curse Magic. Samantala, ng natutunan ng Divine Holy Emp
Nakaupo siya nang naka-lotus position sa lapag. Nakatayo sa malayo ang isang babaeng may maalindog na katawan. Habang hinihimas ang baba niya, tumingin siya kay James na nababalot ng misteryosong inscriptions, sabay bumulong, "Ano ang Magic Circle na'to?" Kahit na isa siyang eksperto sa Magic Circles, hindi niya alam kung anong Magic Circle ang nasa paligid ni James. Ang totoo, wala siyang kaalam-alam kung ano ang mga inscription na iyon. Tumayo si Brielle sa malayo at nag-obserba nang higit sa sampung araw. Kahit sampung araw pa lang ang lumipas sa labas, mas maraming oras na ang lumipas sa loob ng Magic Circle. Sa sandaling iyon, nakarating na si James sa peak ng Eighth Stair ng Immortal Ascension. Sa ilalim ito ng sitwasyon kung saan patuloy niyang sinisiksik ang rank niya. Nang naramdaman niyang hindi na niya kayang siksikin ang rank niya, pinakawalan niya ang lahat at sinimulan ang pag-akyat niya. Sa sandaling sinubukan niya, lumitaw ang Elysian Seal sa loob ng k