Pagkabalik ni Thea sa Earth, nagmadali siyang umalis ng Mount Bane at nagtungo sa direksyon ng Chamber of Scriptures. Hindi nagtagal, nakarating siya sa destinasyon niya at nakita niya ang custodian. Sa ninth floor ng Chamber of Scriptures, nakaupo nang naka-lotus position si Thea sa lapag. Unti-unting namutla ang mukha niya. Sa tabi niya ay isang eleganteng babae. Napakaganda niya suot ng bistidang kasing puti ng niyebe. "Tinamaan ako ng Curse Magic sa laban ko sa Divine Holy Emperor. Miss, ano ba ang Curse Magic? Bakit sobrang nakakatakot ito?" Nanlulumong tanong ni Thea. Tumingin ang custodian kay Thea at mahinang nagsabi, "Ang Curse Magic ay isang Supernatural Power sa Primeval Age at kasalukuyang hawak ng Demon Race ng Demon Realm. Sa pagkakaunawa ko, bihasa ang Azurean Clan at Hadean Clan sa ilang bahagi ng Curse Magic. Gayunpaman, hindi kumpleto ang natutunan nila. Matagal nang wala ang kumpletong bersyon ng Curse Magic. Samantala, ng natutunan ng Divine Holy Emp
Nakaupo siya nang naka-lotus position sa lapag. Nakatayo sa malayo ang isang babaeng may maalindog na katawan. Habang hinihimas ang baba niya, tumingin siya kay James na nababalot ng misteryosong inscriptions, sabay bumulong, "Ano ang Magic Circle na'to?" Kahit na isa siyang eksperto sa Magic Circles, hindi niya alam kung anong Magic Circle ang nasa paligid ni James. Ang totoo, wala siyang kaalam-alam kung ano ang mga inscription na iyon. Tumayo si Brielle sa malayo at nag-obserba nang higit sa sampung araw. Kahit sampung araw pa lang ang lumipas sa labas, mas maraming oras na ang lumipas sa loob ng Magic Circle. Sa sandaling iyon, nakarating na si James sa peak ng Eighth Stair ng Immortal Ascension. Sa ilalim ito ng sitwasyon kung saan patuloy niyang sinisiksik ang rank niya. Nang naramdaman niyang hindi na niya kayang siksikin ang rank niya, pinakawalan niya ang lahat at sinimulan ang pag-akyat niya. Sa sandaling sinubukan niya, lumitaw ang Elysian Seal sa loob ng k
Pagkatapos magcultivate sandali sa banal na lugar ng mga Labhrann, nakarating na siya sa Ninth Stair ng Immortal Ascension. Ngayon, isang hakbang na lang siya bago marating ang Mage Rank. Samantala, naghanda si Sophie para sa Yogacara niya, na isang bugso ng hindi nakikitang Sword Energy na iniwan ng isang makapangyarihang nilalang mula sa Primeval Age. Pagkatapos lumakas, umalis siya sa banal na lugar at bumalik sa tinutuluyan niya na hinanda ng mga Labhrann. Isa itong nakahiwalay na courtyard. Pagdating niya, napansin niya sina Henrik at Qusai na masayang nag-uusap. Nakasuot ng saffron na balabal ang mukhang matabang si Henrik habang nakasandal sa upuan niya. Habang nakapatong ang paa niya sa mesa, tamad siyang nagsalita, "Malapit na ang paligsahan ni Brielle. Makakaabot kaya si James?" Sa tabi niya, ngumunguya ng maliit na damo si Qusai na nakasuot ng malaking balabal habang simpleng nagsabi, "Sa tingin ko hindi interesado si James kay Brielle." "Gayon na nga." Sab
Tumango si James. Nagtanong si Qusai, "Nakumpirma mo na ba ang Yogacara mo?" Tumango si James at nagsabing, "Oo." "Ano naman ito?" Interesadong tanong ni Qusai. Sumingit si Henrik at nagsabing, "Ang Yogacara ni James ay isang bugso ng Sword Energy na iniwan ng isang makapangyarihang nilalang ng Primeval Age." "Isang bugso ng Sword Energy?" Nanigas si Qusai. Nakangiting nagsabi si Henrik, "Wag mong maliitin ang bugso ng Sword Energy na'to. Kahit na isa lang itong bugso ng Sword Energy, ito pa rin ang susi para makapasok sa Mound of Sabers." Nang marinig ito, naging interesado rin si James. Nagtanong siya, "Anong susi? Anong Mound of Sabers?" Nagpaliwanag si Henrik, "Ang Mound of Sabers ay iniwan ng makapangyarihang nilalang ng Primeval Age. Napakaraming malalakas na sword-fighting techniques na nakatago sa loob ng Mound of Sabers. Samantala, ang Sword Energy ang susi para mapasok sa Mound of Sabers. Sa pagkakaunawa ko, iilan lang ang nakapasok sa Mound of Saber
Lumitaw ang Patriarch ng mga Labhrann ng Divine Dimension kasama ng maraming makakapangyarihan. Dahil nagmula sila sa Divine Dimension, ang pinakamahina sa kanila ay nasa Divine Rank at kaya nilang burahin ang kahit na sino sa Mortal at Sage Dimension. "Maligayang pagdating, Patriarch!" Lumuhod si Figaro kasama ng iba pang mga Labhrann ng Mortal Dimension at sinalubong ang Patriarch nila na nagmula sa Divine Dimension. Nalampasan na ni Txomin ang Third Stage ng Divine Rank at narating na niya ang Quasi-Emperor Rank. Dahil dito, nakakatakot ang aura na nagmumula sa kanya. Kahit na hindi niya intensyong maglabas ng aura na ito, nararamdaman ng lahat ang matinding bigat sa mga balikat nila. Pati si James ay nakaramdam nito. Sa harap ng isang makapangyarihang karakter mula sa Divine Dimension, pinigilan niya ang paghinga niya. "Ito ba ang kapangyarihan ng isang napakalakas na nilalang? Nakakatakot…" Huminga siya nang malalim. Bahagyang kumaway si Txomin at nagsabing, "Ma
"Kilala mo siya?" Nagtatakang tanong ni Qusai. "Mhm." Tumango si James at nagsabing, "Siya si Lucifer Menachem, ang natitira sa labi ng Grand Emperor at ang Young Master ng Hadean Clan. Nilabanan ko siya noon sa Earth. Nakangiting nagtanong si Henrik, "Hula ko, nanalo ka?" Tumango si James at nagsabing, "Oo, pero muntik nang hindi. Ang totoo, muntik na akong matalo. Dahil sa laban, nangako sa'kin si Lucifer na hindi aatakihin ng Demon Race at ng mga halimaw ang Earth at ang mga tao nito nang sampung libong taon." Nang sinabi niya iyon, lumingon si Lucifer sa direksyon niya na para bang naramdaman niya ang presensya niya. Nginitian siya ni James bilang pagbati. Nagtipon roon ang ilang mga henyo at mga clan ng Three Dimensions. Maski ang Azurean Clan ay naroon. Gayunpaman, wala ang Patriarch nila dahil nakaalis na siya kasama ni Maxine para maghanap ng Yogacara sa malawak na kalawakan. Nang nakita niyang halos nandito ang lahat, tumingin si Txomin sa madla at hinawak
Masyadong mapanganib ang pinagbabawal na lugar ng Divine Dimension at walang balak na pumunta roon si James. Hindi sulit na mamatay para lang makuha ang isang babae. Gayunpaman, totoo ang kabaliktaran nito para sa iba. Para sa kanila, kung kakapit sila sa mga Labhrann, makakakuha sila ng pagkakataong maging makapangyarihan. Kahit na hindi nila mapakasalan si Brielle sa huli, makukuha nila ang pansin ng mga cultivator ng Divine Dimension kapag nakabalik sila nang buhay. Iisipin nilang maswerte sila para matanggap bilang mga disipulo nila. Kung kaya't sulit itong pagbuwisan ng buhay. Nagtanong si Henrik, "Pupunta ka ba, James?" "Hindi." Umiling si James at nagsabing, "Masyadong mapanganib ang pinagbabawal na lugar ng Divine Dimension. Kahit isang Quasi-Emperor ay pwedeng mamatay dito. Hindi ko ibubuwis ang buhay ko para lang sa isang babae." "Sige, pala." Hindi na nagsalita si Henrik. Dahil hindi gustong pumunta si James, hindi niya siya pinilit. "Pero interesado ako
Ang Primordial Energy ay ang enerhiya sa pinakamataas na lebel. Sa paligid nila ay mga umaalong bulubundukin, at sa harapan nila ay isang engrande at nakakamanghang gusali na kuminang ng ginto. Umabot ito sa mga ulap. Tinignan ni Henrik ang paligid at ngumiti, "James, ito ang headquarters ng mga Labhrann ng Divine Dimension. Mataas ang tingin sa mga Labhrann sa Divine Dimension at isa silang maimpluwensyang pamilya.""Mhm." Tumango si James at nagsabing, "Kagaya ng inaasahan sa Divine Dimension, napakapuro ng Primordial Energy dito. Kahit ang Primordial Pulses sa banal na lugar ng mga Labhrann ng Mortal Dimension ay hindi maikukumpara sa Primordial Energy dito." "Oo nga. Syempre, ito ang Divine Dimension." … Maagang nag-usap-usap ang tatlo. Pagkatapos pumasok sa Divine Dimension, napansin nila ang paglitaw ng mas maraming nilalang ng Divine Dimension. Sa ilalim ng normal na sitwasyon, tanging cultivators na nakarating sa Divine Rank ang pwedeng umakyat sa Divine Di