Kabanata 2500
Ang Primordial Energy ay ang enerhiya sa pinakamataas na lebel.

Sa paligid nila ay mga umaalong bulubundukin, at sa harapan nila ay isang engrande at nakakamanghang gusali na kuminang ng ginto. Umabot ito sa mga ulap.

Tinignan ni Henrik ang paligid at ngumiti, "James, ito ang headquarters ng mga Labhrann ng Divine Dimension. Mataas ang tingin sa mga Labhrann sa Divine Dimension at isa silang maimpluwensyang pamilya."

"Mhm." Tumango si James at nagsabing, "Kagaya ng inaasahan sa Divine Dimension, napakapuro ng Primordial Energy dito. Kahit ang Primordial Pulses sa banal na lugar ng mga Labhrann ng Mortal Dimension ay hindi maikukumpara sa Primordial Energy dito."

"Oo nga. Syempre, ito ang Divine Dimension."

Maagang nag-usap-usap ang tatlo.

Pagkatapos pumasok sa Divine Dimension, napansin nila ang paglitaw ng mas maraming nilalang ng Divine Dimension.

Sa ilalim ng normal na sitwasyon, tanging cultivators na nakarating sa Divine Rank ang pwedeng umakyat sa Divine Di
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP