Kabanata 2502
“Masyadong malaki ang tingin mo sa akin, Patriarch Labhrann. Ipinagbabawal na lugar iyon ng Demon Realm. Kahit ikaw baka hindi ka makaligtas ng buhay, lalo na ako. Bukod pa doon, paano ko aalisin ang seal kay Xandros na inilagay ng isang Grand Emperor? Hindi ko ito kaya. Sa iba ka humingin ng tulong.”

Tinanggihan agad ni James ang hiling niya.

Tinignan siya ni Txomin at sinabi, “Ikaw lang ang makakagawa nito.”

“Bakit?” naguluhan si James.

Nagsalita si Txomin, “Ang pisikal na katawan mo ay nilikha gamit ang Grand Emperor ng Hadean Clan. Sapagkat nasa iyo ang aura ng Grand Emepror, hindi ka magkakaroon ng mga problema habang nasa Great Dividing Range ka. Basta mahanap mo si Xandros at magising siya, sasabihin niya sa iyo kung anong gagawin mo.”

Tinignan ni James si Txomin. Bakit desperado ang isang miyembro ng Demon Race para iligtas ang Grand Emperor ng mga tao?

“P-Patriarch, maaari kayang tao ka?”

Tumango si Txomin at sinabi, “Kahit na parte ng Demon Race ang mga Labhrann, ako hindi. A
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP