Ang Primordial Energy ay ang enerhiya sa pinakamataas na lebel. Sa paligid nila ay mga umaalong bulubundukin, at sa harapan nila ay isang engrande at nakakamanghang gusali na kuminang ng ginto. Umabot ito sa mga ulap. Tinignan ni Henrik ang paligid at ngumiti, "James, ito ang headquarters ng mga Labhrann ng Divine Dimension. Mataas ang tingin sa mga Labhrann sa Divine Dimension at isa silang maimpluwensyang pamilya.""Mhm." Tumango si James at nagsabing, "Kagaya ng inaasahan sa Divine Dimension, napakapuro ng Primordial Energy dito. Kahit ang Primordial Pulses sa banal na lugar ng mga Labhrann ng Mortal Dimension ay hindi maikukumpara sa Primordial Energy dito." "Oo nga. Syempre, ito ang Divine Dimension." … Maagang nag-usap-usap ang tatlo. Pagkatapos pumasok sa Divine Dimension, napansin nila ang paglitaw ng mas maraming nilalang ng Divine Dimension. Sa ilalim ng normal na sitwasyon, tanging cultivators na nakarating sa Divine Rank ang pwedeng umakyat sa Divine Di
Ang Patriarch ng Labhrann ay nagpakita sa kuwarto ni James. Kahit na wala siyang alam kung bakit siya nandoon, magalang pa din ang pagbati niya.Tinignan ni Txomin si James at kumumpas. Misteryosong mga letra ang nagpakita sa palad niya. Humalo ito sa kuwarto ni James at lumikha ng misteryosong Magic Circle.Noong makita ni James ang kakaibang kilos na ito, naging alerto siya.“Huwag mo sabihin binabalak niya akong patayin at kunin ang mga kayamanan ko…”Habang maingat na nakatitig si James kay Txomin, kinontak niya si Sophie sa Celestial Abode kasabay nito.“Iligtas mo ako, Sophie!”Pero, walang sumagot.Dahil sa takot, paulit-ulit na tinawag ni James si Sophie, pero wala pa din sagot.“Kumalma ka…” tinignan ni Txomin si James na tila magulang na iniispoil ang bata.Huminga ng malalim si James at sapilitan na pinakalma ang sarili. Tinignan niya si Txomin at sinabi, “Patriarch Labhrann, anong ginagawa mo sa kuwarto ko ng ganitong oras?”Naupo si Txomin sa isang upuan at tinignan si Jam
“Masyadong malaki ang tingin mo sa akin, Patriarch Labhrann. Ipinagbabawal na lugar iyon ng Demon Realm. Kahit ikaw baka hindi ka makaligtas ng buhay, lalo na ako. Bukod pa doon, paano ko aalisin ang seal kay Xandros na inilagay ng isang Grand Emperor? Hindi ko ito kaya. Sa iba ka humingin ng tulong.”Tinanggihan agad ni James ang hiling niya.Tinignan siya ni Txomin at sinabi, “Ikaw lang ang makakagawa nito.”“Bakit?” naguluhan si James.Nagsalita si Txomin, “Ang pisikal na katawan mo ay nilikha gamit ang Grand Emperor ng Hadean Clan. Sapagkat nasa iyo ang aura ng Grand Emepror, hindi ka magkakaroon ng mga problema habang nasa Great Dividing Range ka. Basta mahanap mo si Xandros at magising siya, sasabihin niya sa iyo kung anong gagawin mo.”Tinignan ni James si Txomin. Bakit desperado ang isang miyembro ng Demon Race para iligtas ang Grand Emperor ng mga tao?“P-Patriarch, maaari kayang tao ka?”Tumango si Txomin at sinabi, “Kahit na parte ng Demon Race ang mga Labhrann, ako hindi. A
Habang nakatingin kay Henrik at Qusai, tumango si James, “Oo, tutungo ako sa Great Dividing Range.”“Huh?” natulala si Henrik, at nagtanong, “Akala ko hindi mo balak pumunta doon. Bakit nagbago isip mo?”Ngumiti si James at sinabi, “Maganda si Brielle Labhrann. Sa tingin ko nararapat ang maglakbay ako. Bukod pa doon, nagmula siya sa malakas na clan. Kung ikakasal ako sa kanya, magiging backer ko ang Labhrann bilang malakas na clan.”Umisip ng palusot si James. Kahit na sumumpa siya bilang kapatid nina Henrik at Qusai, mas mabuti na kaunti ang nalalaman nila tungkol sa Earth. Hindi mabuti kung may sasabihin siya na kahit na ano.Tinignan ni Henrik si Qusai, “Pupunta ka?”Tumango si Qusai, “Siyempre naman.”Pinigilan sila ni James at sinabi, “Sa tingin ko hindi dapat kayo sumama. Ang Great Dividing Range at delikadong lugar at walang nakakaalam sa kung anong peligro ang aabutin ninyo doon. Ang mga pupunta lang dapat doon ay mga taong handa na mamatay. Malaking problema ang kakaharapin na
Matapos magsalita, sinuri ni Henrik ang paligid. Matapos makita na walang ibang tao, bumulong siya, “Kapag bumalik na si James sa Mortal Realm ng mga Labhrann, hahanap tayo ng paraan para bunutin ang boddhi tree ng mga Labhrann.”“Hindi na ako makapaghintay!” nasasabik ang ekspresyon ni Qusai.Pagkatapos, nagakbay ang dalawa at nagtawanan.Samantala, pumasok si James sa void passageway. Ang passageway ay binuksan ni Txomin at naging stable dahil sa makapangyarihan na Magic Circle. Bukod pa dito, maglalaho lang ito kapag ang lahat ng pumasok sa Great Dividing Range ay nakabalik na.Matapos pumasok sa void passageway. Naramdaman ni James na dalawang metro ang lapad nito at tatlo metro ang taas. Ang paligid nito ay puno ng misteryosong mga letra.Lumakad siya ng isang minuto.Matapos ang isang minuto, nilisan niya ang void passageway at dumating sa hindi kilalang lugar.Lumutang siya palabas ng void passageway at tumayo sa harap ng void. Sinuri niya ang paligid, at napagtanto na nasa kabu
Sa gabay ni Sophie, tumungo si James sa malalim na bahagi ng Great Dividing Range.Ngunit, masyadong malawak ang Great Dividing Range, at masyadong mababa ang rank ni James. Base sa bilis niya, hindi niya maabot ang gitnang rehiyon ng Great Dividing Range kahit na lumipad siya ng ilang taon.Nainis si Sophie sa bilis ni James, kaya nagsalubong ang dalawang kilay niya at nagsabi siya, “Masyadon kang mabagal. Ako na.”Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni James at ginamit ang Divine Energy sa katawan niya para lumipad ng diretso. Sobrang kakaiba ang bilis ng lipad niya na tila, sa paningin ni James, tumigil ang oras.Bago pa siya makareact, tumigil si Sophie.“Anong problema? Bakit ka tumigil?” naguguluhang tanong ni James.Sa oras na ito, naramdaman niya ang nakakatakot na puwersa sa ere. Tinitigan niya ang void sa harapan niya, at napansin na may mga spacial cracks sa void. Ang bawat lamat ay may matinding puwersa. Ang bawat isa sa kanila ay sobrang laki.“Spacial turbulence ang mga
Ipinaliwanag ng detalyado ni Sophie kay James kung papaano icucultivate ang Sword Body.Kakaiba ang katawan ni James. Una sa lahat, nilikha ito gamit ang isang Grand Emperor Natal Demonic Lotus at nagtataglay ng matinding Demonic Power. Ikalawa, nakuha niya ang providence ng Elemental Inversion. Kaya, ang pisikal na katawan niya ay naging Elemental Holy Body, at ang mga ugat at buto niya ay nagtataglay ng Elemental Power.Kapag magkasama ang Elemental Power, pinipigilan nito ang isa’t isa. Para makalikha ng Sword Body, ito ay ang pagrefine sa sarili para maging espada. Ang pisikal na katawan ang espada, at ang espada ay ang pisikal na katawan. Sa madaling salita, ang kailangan lang gawin ni James ay higupin ang Sword Energy at palakasin ang pisikal niyang katawan. Kapag dumating ang tamang oras, magiging Sword Body ang katawan niya.Ngunit, mas madali ito sabihin kaysa gawin. Sapagkat ang Sword Energy ay magdudulot ng pisikal na pinsala sa katawan sa oras na pumasok ito. Walang cultiva
Habang dumadaloy ang Demonic Energy sa katawan niya, nagsimulang maghilom ang mga pinsala niya ng mabilis. Hindi nagtagal, nakarecover na siya.Hinigop niyang muli ang kapangyarihan.At nasira ulit ang katawan niya.Habang kinucultivate niya ang Sword Body, nirerefine din niya ang pisikal na katawan niya. Dahil sa Novenary Golden Body Siddhi, gumagaling ang katawan niya sa tuwing nasisira ito at lumalakas din.Lumipas ang oras.Nagpatuloy si James sa paghigop ng Sword Enegy para mapinsalaan ang katawan niya. Patulyo siya sa pag inda ng matinding sakit, umabot siya sa punto na hindi na niya kaya.“Kailangan mo magpatuloy, James!”Nagsalita si Sophie, “Hindi dahil sa wala kang pag-asa kung hindi dahil may nakikita ka na pag-asa.”“Nasa sulok na ang sangkatauhan. Mahirap para sa mga tao ang magtagumpay. Iilang mga tao lang ang kaya lumampas sa Elysian Seal, kabilang na dito ang ang matagal na panahon para magawa ito. Marami ang hindi makakatawid sa susunod na rank.”“Hindi magtatagal, ang