Medyo nailang si James na matitigan ng isang magandang babae. Hindi niya mapigilang mapaatras at magpaalala sa kanya, "M-May asawa na ako." Namumuhi siyang tinignan ni Brielle at nagsabing, "Pfft. Wag mong masyadong taasan ang tingin mo sa sarili mo." Nang marinig ni James ang sagot niya, nakahinga siya nang maluwag. "Sige, mabuti. Anong tanong mo? Sige lang." Sabi ni Brielle, "Narinig kong nakuha mo ang Infinity Steles at Five Elements of Genesis, ang mga providence mula sa First at Second Calamity ng Earth. Ang dalawang kayamanang ito ay nagmula sa Primeval Age. Noong una, hindi ito alam ng mga nilalang sa buong kalawakan. Gayunpaman, kumalat na ngayon ang tungkol dito. Pwede mo bang ipakita sa'kin ang mga iyon?" "Yun lang ang gusto mo?" Bahagyang ngumiti si James at nagsabing, "Sige."Sa isang isip, tinawag niya ang 108 Infinity Steles at umikot ito sa buo niyang katawan. Taas-noong nagsabi si James, "Ito ang Infinity Steles. Sinasabi sa alamat na ang napakalakas na mg
Nagsimulang magcultivate si James sa banal na lugar ng Labhrann Clan. Layunin niyang makaakyat mula Eighth Stage ng Immortal Ascension papuntang Ninth Stage. Pagkatapos marating ang Ninth Stage ng Immortal Ascension, kaya niyang i-cultivate ang Sword Energy na kinuha ni Sophie para sa kanya. Nabanggit ni Sophie na ang Sword Energy ay iniwan ng isang napakalakas na nilalang mula sa Primeval Age. Kaya nitong sirain ang mundo kapag sinanay ito hanggang sa sukdulan. Nagtuon si James sa cultivation niya. Nagtipon sa paligid niya ang Primordial Energy sa paligid niya at bumuo ng isang vortex. Pumasok ang enerhiya sa balat niya. Pagkatapos, nilinang ito at naging True Essence. May pitong klase ng True Essence si James sa katawan niya. Yin, Yang, at ang Elemental Essence. Lahat ng iyon ay nakarating na sa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Kayang paganahin ng Yin at Yang Essence niya ang Cosmic Destruction. Samantala, ginagamit ang Elemental Essence para isagawa ang Elemen
Nagsalita ang Divine Holy Emperor nang may seryosong ekspresyon, "Kung hindi mo sasabihin sa'kin kung nasaan si James, papaulanin ko ng dugo ang Wyrmstead ngayong araw." "Subukan mo." Tumayo si Thea, pagkatapos ay bumugso ang nakakatakot na enerhiya mula sa katawan niya. "Sage Energy? I-Isa ka na ngayong Sage?" Nagulat ang Divine Holy Emperor. Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, mahirap para sa mga tao na umakyat ng cultivation rank. Gayunpaman, naglabas si Thea ng Sage Energy. Ibig sabihin nito ay isa na siyang Sage. "Huff." Huminga nang malalim ang Divine Holy Emperor. Isang descendant ng mga makasalanan, isang tao mula sa Earth ang naging Sage sa loob lang ng maikling panahon. Nakakatakot ang narating niya at ang potensyal niya. Kapag binigyan pa siya ng oras para magcultivate, baka malampasan ni Thea ang Sage Rank at marating ang Divine Rank, o baka maski ang pinakamataas na cultivation rank. Sa sandaling iyon, gustong pumatay ng Divine Holy Emperor. Gayunpaman, pini
Umalis ang Divine Holy Emperor. Gayunpaman, hindi nawala ang gulat sa puso niya kahit pagkatapos ng ilang sandali. Ang Divine Holy Emperor ay ang dating Leader ng Divinity Sect at itinuturing ring isang henyo. Hindi siya magiging Leader ng Divinity Sect kung hindi siya isang henyo. Gayunpaman, kahit na isa siyang henyo, inabot siya ng libo-libong taon para maging isang Sage. Samantala, ang isang batang kagaya ni Thea ay naging isang Sage na sandali lang pagkatapos bumalik ang Empyrean Spiritual Energy ng Earth. Sobrang nakakatakot na kayang maging Sage ni Thea sa loob lang ng maikling panahon. "Malaki ang potensyal ng mga tao sa Earth." Nabigla ang Divine Holy Emperor. Umalis ng Wyrmstead ang Divine Holy Emperor ay bumalik sa Mount Bane. Dumating siya sa isang hindi nalalamang rehiyon sa Mount Bane. Isa itong hindi nalalamang lugar na lumitaw mula sa Sealed Realm. Ang langit ay nababalot ng madidilim na ulap at puno ng nakakatakot na Demonic Energy. Maski ang mga heny
Sa Divine Dimension ng Demon Realm, nakaupo si Tigranes sa isang bato at napaisip muli. Alam na niyang nakarating si James sa Demon Realm. Dahil isa siyang Grand Emperor, makakakuha siya ng impormasyon sa tuwing may pagbabago sa Heavenly Path. Sa sandaling lumitaw si James sa Demon Realm, nalaman na niya ito kaagad. Masyado pang mahina si James sa ngayon Kahit na si James ay isang nakakatakot na taong henyo sa Earth at nakakuha ng napakaraming kayamanan, hindi siya malaking banta para pakialaman siya ni Tigranes. Ang tanging dahilan kung bakit niya napansin si James ay dahil sa napakalakas na kayamanang mayroon siya. Alam ni Tigranes na may napakalakas na taong tumutulong kay James. Kahit na hindi pa siya isang Grand Emperor, mukhang hindi na malayo rito ang taong ito. Higit pa roon, nalaman niya lang may isa pang makapangyarihang nagtatago sa Earth na nagpadala kay James sa Demon Realm. Imposible para sa isang nilalang na magbukas ng isang spatial passage at ipadala si
Kumalat na parang apoy ang balita tungkol sa laban sa pagitan nina nina Thea at ng Divine Holy Emperor. Ngayon, inaabangan ng lahat ng sangkatauhan ang araw ng laban nila. Si Thea ay isang tao mula sa Earth. Ang isang taong naging Sage ay tiyak na isang bagay na dapat ipagdiwang. Samantala, inabangan din ng mga Outsiders mula sa Three Thousand Worlds ang labang ito. Wala sa kanila ang talagang naniniwalang naging Sage si Thea sa maikling panahon. Higit pa roon, may Elysian Seal ang mga tao sa mga katawan nila. Kahit wala ang Seal, nakakatakot na makarating sa Sage Rank sa loob ng napakaikling panahon. Lumipas ang tatlong araw sa isang kurap. Punong-puno ng mga manonood ang Mount Bane. Lumitaw rito ang lahat ng malalakas na nilalang. Nasa Mount Bane ang lokasyon ng seal. Habang lumipas ang oras, mas maraming hindi nalalamang rehiyon ang lumitaw sa lugar. Ang lugar ay puno ng kabundukan at para bang wala itong hangganan sa isang tingin. Karamihan sa mga rehiyon na iyon
Sumunod sa kanya si Thea. "Oh, sayang naman." "Akala ko makakanood ako ng malaking laban. Hindi ko inasahang mangyayari ang labanan sa labas ng Earth." "Kalimutan mo na yan. Umaasa ka pa ring makakanood ka ng ilang engrandeng labanan? Hindi mo ba alam ang lakas ng isang Sage? Kayang burahin ng isang Sage ang isang buong bansa sa isang atake lang. Magandang desisyon para sa kanilang maglaban sa buwan. Kapag nagwala silang dalawa, baka masira pa nila ang Earth." Maraming tao ang tumingin sa langit habang naglaho ang dalawa sa paningin nila. Kayang maglakbay nang napakabilis ng mga Sage. Sa pinakamatinding bilis nila, kaya nilang gumawa ng void at maglakbay sa mga espasyo. Sa loob lang ng dalawang minuto, lumapag ang dalawa sa buwan. Ibang-iba ang kapaligiran sa buwan kumpara sa Earth. Mukhang madilim ang langit mula sa buwan at puno ng mga butas ang lapag. Maraming mga batong may kakaibang hugis ang nakikita sa lapag, pero walang ni-isang halaman roon. Pagkatapos lumapa
Naglabas ng malakas na Demonic Energy ang Divine Holy Emperor. Bumakat ang mga ugat niya at nakakatakot ang ekspresyon sa mukha niya. Habang nakatingin kay Thea sa malayo, naging kasing pula ng dugo ang mga mata niya. "Thea Callahan, pagsilbihan mo ako nang maayos, at sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo." Sinenyasan niya si Thea. “Hmph!” Malamig na suminghal si Thea. Tinaas ni Thea ang Malevolent Sword. Umilaw ito ng itim, pagkatapos ay isang napakalakas na sword light na may taas na isandaang metro ang lumitaw at humiwa sa ere papunta sa Divine Holy Emperor. Hindi natakot ang Divine Holy Emperor. Pinakawalan niya ang Demonic Energy mula sa palad niya at sinalag ang atake ni Thea. Gayunpaman, masyado siyang naging arogante. Napakalakas ng atake ni Thea. Nang isang nakakatakot na Sword Light ang bumagsak sa kanya, kaagad na naglaho ang Demonic Energy sa palad niya. Namutla ang mukha niya at pinaglaho niya ang katawan niya para maiwasan ang atake. Sa malayo, dumi