Kabanata 2482
Pagkatapos ng sagot ni Sophie, nakaramdam si James ang isang malakas na pwersa sa loob ng katawan niya.

Naglakad siya papunta sa formation nang walang pagdadalawang-isip.

Ngayon, madali siyang nakalampas sa barrier formation.

Pagkatapos makalampas sa barrier formation, kaagad na nagbago nang sobra ang eksena sa harapan niya. Isang nakakatulalang tanawin na may magagandang kabundukan at malilinaw na batis ang lumitaw sa harapan niya. Sa malayo ay ilang matataas na bundok at isang napakagandang talon. Sa paanan ng bundok ay isang ilog na napapalibutan ng mga bulaklak.

Sari-saring bulaklak at halaman ang tumutubo sa paligid na kinukulayan ng matitingkad na kulay ang lugar.

Lumapit si James at naramdaman niya ang makapal na Empyrean Spiritual Energy. Lumaki ang mga pores ng balat niya at nilanghap niya ang Primordial Energy mula sa paligid na nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na ginhawa.

Hindi napigilan ni James na mapasigaw, "Ang daming Primordial Energy dito."

Hindi
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP