Tumingin si James sa paligid. Ang bawat halaman sa lugar ay matagal nang nalanta, na dulot ng Demonic Energy. Nagtatakang nagtanong si James, “Nakakapagtaka… Bakit may Demonic Energy dito?” Nagsalita si Delainey, “Nakakaramdam ako ng nakakatakot na lakas sa lugar na ito. Umalis na tayo at sa ibang lugar na lang tayo maghanap. Huwag nating sayangin ang mga buhay natin para lang dito.”Sumang-ayon si Henry kay Delainey, at sinabing, “Sa ibang lugar na lang tayo maghanap. Isang napakalawak na lugar ang Mount Walvern. Hindi naman natin kailangan na halughugin ang lugar na ‘to.”Tumango si James. “Sige. Kung ganun, umalis na tayo.”Nagdesisyon ang tatlo na huwag nang tumuloy sa direksyong iyon. Sa halip, lumihis sila ng daan at nagtungo sila sa ibang lugar.Pagkaalis nila sa lugar, lumipad sila ng ubod ng bilis upang maghanap ng malalakas na halimaw. Di kalaunan, nakarating sila sa isang marshland. Lumulutang ang mga itim na bula, at bumugso ang itim na usok mula sa marshland
Sa may marshland, maririnig ang galit na sigaw ng halimaw. Umangat sa ere ang dambuhalang katawan ng python, at bumuga ito ng nakakalasong usok mula sa bibig nito. Ito ay isang True Essence Wave na nagtataglay ng napakalakas na lason at namamatay agad ang anumang madaanan nito. Agad na umatras ang tatlo noong nakita nila ito.Nagpatuloy ang kanilang laban.Hindi nangialam si James at sa halip ay pinanood niya ang laban mula sa malayo.Nahila ng laban ang atensyon ng marami, at nagtipon ang ibang mga kalahok na cultivator upang obserbahan ang sitwasyon. Di nagtagal, dumami ang mga taong nanood mula sa gilid. Karamihan sa mga taong ito ay kabilang sa isang grupo ng tatlo hanggang limang tao, at ang mga taong nangahas na lumapit ay kampante sa sarili nilang lakas.Noong napanood niya ang laban, hindi napigilan ni James na purihin si Quintina, “Gaya ng inaasahan sa isang Grand Supernatural… Kahit na hindi pa nauunawaan ni Quintina ang Inscription of the Way, kaya niya itong gamitin.
Sumosobra na ang tatlo.“Tang*ina!” Nagdilim ang ekspresyon ni Yunus habang nagmumura, “Sa tingin mo kaya mo kaming apihin?”Pagkatapos, kinuha niya ang espada niya at umatake. Sa isang kisapmata, nagpakita siya sa harapan ni Harold na may hawak ng demon elixir. Kuminang ang espada niya dahil sa Sword Light, at sinaksak niya ito sa vital point ng kalaban.Mabilis na umatras si Harold.Kahit na kakaiba ang bilis ni Yunus, hindi niya matamaan si Harold. Itinaas ni Harold ang kamay niya, at matinding enerhiya ang nagmula sa kamay niya at hinarangan ang Sword Energy.Boom!Isang pagsabog ang naganap noong nagkatamaan ang malakas na enerhiya at Sword Energy. Parehong tumalsik palayo sina Harold at Yunus.Sa paligid nila, dumami ang nanonood.“Hindi ko inaasahan na magtutulungan silang tatlo!”“Ang isa sa kanila ay si Harold Carmelo, isang Grand Supernatural ng Divinity Sect at isa sa pinakamalakas sa henerasyon niya. Ang dalawa naman ay disipulo ng Infernal Emperor at Emperor Tamerlan. Sap
Lumapit si James kay Quintina at nagsalita habang nakangiti, “Inaapi ka ba, Quintina?”Agad na nagdilim ang mukha ni Quintina, “Wala ka ng pakielam doon.”Ngumiti si James, “Bakit hindi kita tulungan bawiin ang nararapat sa iyo?”“Ikaw?” Nagdududa niyang tinignan si James. Ngunit, nag-aalala din siya na baka maging agaw atensyon si James kaya nagbigay siya ng payo, “Kalimutan mo na. Wala kang laban sa kanila, pero baka makapantay natin sila sa laban kung magtutulungan tayo.”“Hindi na kailangan, ako na ang bahala sa lahat.”Ngumiti si James.Noong paalis na sila Harold, nagpakita bigla si James. Matapos ito makita, natawa si Harold, “Hindi ba ikaw ang naduwag? Noon sa Ancient Clan, pinili mo na sumuko. Ngayon at mas lumakas ako muli, balak mo sila ipagtanggol?”Ngumisi si Harold.Hindi naglakas loob si James na labanan siya noon sa Ancient Clan. Ngayon at lumakas na siya ng husto lalo, wala lang para sa kanya si James.Malamig na nagsalita si James, “Hindi ka cool, Harold. Sa lakas mo
Kahit na hindi alam ni Delainey ang lakas ni James, alam niya kung gaano kalakas ang sword technique niya.Ganoon din si Henry, alam niya kung gaano kadedikado si James noong nageensayo siya sa Time Chamber.Ngumiti si Delainey at sinabi, “Panoorin na lang natin.”Habang kaharap ang pagiging arogante ni James, mapanghamak na nagsalitas si Harold, “Hindi na kailangan. Sapat na ako mag-isa. Mauna ka na. Kung tatagal ka ng tatlong atake mula sa akin, susuko ako at ibibigay sa iyo ang elixir.”Mayabang din si Harold, siguradong sigurado sa lakas niya bilang Grand Supernatural.Samantalang si James, umiling-iling.Naguluhan si Harold, “Anong ibig mo sabihin?”Mayabang na nagsalita si James, “Wala naman tayong sama ng loob sa pagitan natin, hindi ko kailangan maging masama sa iyo. Ganito na lang? Tapusin natin ito sa isang atake. Kung makakayanan mo indahin ang atake ko, susuko ako at hindi na makikielam sa iyo kahit na kailan.”“Pero, kapag natalo ka, kailangan mo ibalik ang elixir at humin
Kahit si Yunus hindi makapaniwala sa nakita niya. Nakadikit ang espada ni James sa leeg ni Harold.Samantalang si James, ngumiti lang ng kaunti at ibinalik sa kaluban ang Primordial Dragon Blade habang sinasabi, “Natalo ka na, Harold. Kung hindi ako nagpigil, gumugulong na sa sahig ang ulo mo.”Dumagungdong ang boses ni James.Naintindihan na ng lahat kung gaano kalakas si James. Napahinga sila ng malalim.Matapos tumitig sa kawalan ng matagal, inayos ni Harold ang sarili niya at sumigaw, “Hi-Hindi iyon bilang! Isa pa!”Tinignan siya ng malamig ni James at sinabi, “Bakit? Huwag mong sabihin na balak mo sirain ang pangako mo. Kahit na maglaban tayo ng isang daang rounds, wala ka pa din laban sa akin.”Ang sword-fighting technique ni James ay ipinasa sa kanya ng isang malakas na cultivator noong sinaunang panahon, at naperpekto lang niya ito sa tulong ng gabay ni Sophie. Kahit na mukhang pangkaraniwang ang espada, naglalaman ito ng napakaraming kahanga hangang mga sword techinque. Hindi
Ang nagawa lang ng atake ni Harold ay punitin ang damit ni Jame at iwanan siya ng maliit na sugat.Ngunit, napakalakas ng puwersang ginamit niya. Hindi nasaksak si James ng espada ni Harold, pero kumulo ang Blood Energy niya. Kung hindi niya ito napigilan, sumuka sana siya ng dugo.“Na-Nakakatakot…”“Grabeng pisikal na katawan yan…”“Ang akala ko kahanga hanga na ang sword technique niya. Mas matindi pa pala ang pisikal niyang katawan.”“Matinding cultivation siguro ang ginawa niya sa katawan niya.”Matapos ang ilang sandali, nagsalita ang mga manonood.“Ikaw…”Kahit si Harold hindi makapaniwala. Kahit na ginamit niya ang buong lakas niya, hindi niya napinsalaan si James. Gaano kalakas ang pisikal niyang katawan?Nakanganga si Quintina. Naalala niya na nagawang indahin ni James ang atake ni Hayden noon sa Welkin Academy. Pero, mas malakas si Harold, maliban doon, gumagamit siya ng espada ngayon.“Marahil lumakas na naman ang pisikal na lakas niya. Ngayon, kahit si Harold hindi siya mai
“James…” nagsalita si Quintina.Humarap si James at nagtanong, “May problema ba?”Walang masabi si Quintina. “W-Wala ito.”Matapos ito marinig, hindi na siya binigyan pansin ni James at naglakad palapit kay Henry at Delainey.Pinuri siya ni Henry, “Ang galing mo talaga, James! Hindi ko inaasahan na ang mga cultivator ng pisikal na katawan ay ganito kalakas. Kung alam ko lang at sinunod ko ang tinahak mo na landas para maging malakas.”Ngumiti si James, “Sobrang hirap icultivate ang pisikal na katawan. Sa tingin ko hindi mo kaya indahin ang sakit nito.”Hindi natuwa si Henry, “Grabe ka! Ang baba ata ng tingin mo sa akin?”“Sige na, sige na, alam ko na kaya mo indahin ang sakit. Pumaslang pa tayo ng mga malalakas na halimaw at lisanin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon. Interesado ako ng husto sa pagtungo sa Dragon Abyss. Sa oras na iyon, lalakas ako ng husto, at ang pisikal na lakas ko ay maaaring umabot na sa Mage Rank.”Pagkatapos, umalis ang tatlo habang patuloy na naghahana