Kabanata 2305
Ang nagawa lang ng atake ni Harold ay punitin ang damit ni Jame at iwanan siya ng maliit na sugat.

Ngunit, napakalakas ng puwersang ginamit niya. Hindi nasaksak si James ng espada ni Harold, pero kumulo ang Blood Energy niya. Kung hindi niya ito napigilan, sumuka sana siya ng dugo.

“Na-Nakakatakot…”

“Grabeng pisikal na katawan yan…”

“Ang akala ko kahanga hanga na ang sword technique niya. Mas matindi pa pala ang pisikal niyang katawan.”

“Matinding cultivation siguro ang ginawa niya sa katawan niya.”

Matapos ang ilang sandali, nagsalita ang mga manonood.

“Ikaw…”

Kahit si Harold hindi makapaniwala. Kahit na ginamit niya ang buong lakas niya, hindi niya napinsalaan si James. Gaano kalakas ang pisikal niyang katawan?

Nakanganga si Quintina. Naalala niya na nagawang indahin ni James ang atake ni Hayden noon sa Welkin Academy. Pero, mas malakas si Harold, maliban doon, gumagamit siya ng espada ngayon.

“Marahil lumakas na naman ang pisikal na lakas niya. Ngayon, kahit si Harold hindi siya mai
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP