Kahit na hindi alam ni Delainey ang lakas ni James, alam niya kung gaano kalakas ang sword technique niya.Ganoon din si Henry, alam niya kung gaano kadedikado si James noong nageensayo siya sa Time Chamber.Ngumiti si Delainey at sinabi, “Panoorin na lang natin.”Habang kaharap ang pagiging arogante ni James, mapanghamak na nagsalitas si Harold, “Hindi na kailangan. Sapat na ako mag-isa. Mauna ka na. Kung tatagal ka ng tatlong atake mula sa akin, susuko ako at ibibigay sa iyo ang elixir.”Mayabang din si Harold, siguradong sigurado sa lakas niya bilang Grand Supernatural.Samantalang si James, umiling-iling.Naguluhan si Harold, “Anong ibig mo sabihin?”Mayabang na nagsalita si James, “Wala naman tayong sama ng loob sa pagitan natin, hindi ko kailangan maging masama sa iyo. Ganito na lang? Tapusin natin ito sa isang atake. Kung makakayanan mo indahin ang atake ko, susuko ako at hindi na makikielam sa iyo kahit na kailan.”“Pero, kapag natalo ka, kailangan mo ibalik ang elixir at humin
Kahit si Yunus hindi makapaniwala sa nakita niya. Nakadikit ang espada ni James sa leeg ni Harold.Samantalang si James, ngumiti lang ng kaunti at ibinalik sa kaluban ang Primordial Dragon Blade habang sinasabi, “Natalo ka na, Harold. Kung hindi ako nagpigil, gumugulong na sa sahig ang ulo mo.”Dumagungdong ang boses ni James.Naintindihan na ng lahat kung gaano kalakas si James. Napahinga sila ng malalim.Matapos tumitig sa kawalan ng matagal, inayos ni Harold ang sarili niya at sumigaw, “Hi-Hindi iyon bilang! Isa pa!”Tinignan siya ng malamig ni James at sinabi, “Bakit? Huwag mong sabihin na balak mo sirain ang pangako mo. Kahit na maglaban tayo ng isang daang rounds, wala ka pa din laban sa akin.”Ang sword-fighting technique ni James ay ipinasa sa kanya ng isang malakas na cultivator noong sinaunang panahon, at naperpekto lang niya ito sa tulong ng gabay ni Sophie. Kahit na mukhang pangkaraniwang ang espada, naglalaman ito ng napakaraming kahanga hangang mga sword techinque. Hindi
Ang nagawa lang ng atake ni Harold ay punitin ang damit ni Jame at iwanan siya ng maliit na sugat.Ngunit, napakalakas ng puwersang ginamit niya. Hindi nasaksak si James ng espada ni Harold, pero kumulo ang Blood Energy niya. Kung hindi niya ito napigilan, sumuka sana siya ng dugo.“Na-Nakakatakot…”“Grabeng pisikal na katawan yan…”“Ang akala ko kahanga hanga na ang sword technique niya. Mas matindi pa pala ang pisikal niyang katawan.”“Matinding cultivation siguro ang ginawa niya sa katawan niya.”Matapos ang ilang sandali, nagsalita ang mga manonood.“Ikaw…”Kahit si Harold hindi makapaniwala. Kahit na ginamit niya ang buong lakas niya, hindi niya napinsalaan si James. Gaano kalakas ang pisikal niyang katawan?Nakanganga si Quintina. Naalala niya na nagawang indahin ni James ang atake ni Hayden noon sa Welkin Academy. Pero, mas malakas si Harold, maliban doon, gumagamit siya ng espada ngayon.“Marahil lumakas na naman ang pisikal na lakas niya. Ngayon, kahit si Harold hindi siya mai
“James…” nagsalita si Quintina.Humarap si James at nagtanong, “May problema ba?”Walang masabi si Quintina. “W-Wala ito.”Matapos ito marinig, hindi na siya binigyan pansin ni James at naglakad palapit kay Henry at Delainey.Pinuri siya ni Henry, “Ang galing mo talaga, James! Hindi ko inaasahan na ang mga cultivator ng pisikal na katawan ay ganito kalakas. Kung alam ko lang at sinunod ko ang tinahak mo na landas para maging malakas.”Ngumiti si James, “Sobrang hirap icultivate ang pisikal na katawan. Sa tingin ko hindi mo kaya indahin ang sakit nito.”Hindi natuwa si Henry, “Grabe ka! Ang baba ata ng tingin mo sa akin?”“Sige na, sige na, alam ko na kaya mo indahin ang sakit. Pumaslang pa tayo ng mga malalakas na halimaw at lisanin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon. Interesado ako ng husto sa pagtungo sa Dragon Abyss. Sa oras na iyon, lalakas ako ng husto, at ang pisikal na lakas ko ay maaaring umabot na sa Mage Rank.”Pagkatapos, umalis ang tatlo habang patuloy na naghahana
Matapos isipin ang sitwasyon, si James, Henry at Delainey ay naniwala na ang mga taong nakasuot ng itim na robe ay ipinadala ng Divinity Sect para pahirapin ang Grand Tournament.“Hindi, mali kayo!” kinontra ng isang cultivator ang ideya. “Ang mga taong ito ay walang-awa at malupit. Nakita ko silang pumapatay ng ibang mga tao at kinukuha ang dugo nila, iniiwan ang tuyong mga bangkay nila!”“Oo, wala silang awa! Kung mahuhuli ka nila ng buhay, papatayin ka nila sa kinatatayuan mo!”Matapos ito marinig, nanigas ang tatlo.“Totoo ba iyan?”“Oo!” tumango ang cultivator na may pinsala.Nagkatinginan sina James at wala silang masabi. Pagkatapos, nagtipon sila sa harap ng bonfire.Huminga ng malalim si James at sinabi, “Kung ganoon, marahil conspiracy ito para ubusin ang daan daang libong mga cultivator dito. Pero bakit nila kailangan higupin ang dugo natin? Anong sinusubukan nilang gawin?”Umiling-iling sina Henry at Delainey.Nagtanong si Delainey, “Anong susunod na gagawin natin, James?”T
Habang nakatitig sa mga bangkay sa sahig, nawala si James sa sarili kakaisip.“Bakit may Demonic Energy dito? Sinong nasa likod nito?”“Maaari kayang kagagawan ito ni Marquis Tenzin?”Sa pagkakaintindi niya, si Marquis ay isang Fang ng Demon Race. Noon, matapos lisanin ng Demon Race ang Earth, nag-iwan sila ng mga Fang. Samantala, ang taong namumuno sa Demon Race sa Ancient Realm ay si Marquis. Maraming taon na ang nakararaan, kumilos siya laban sa Patriarch ng Ancient Clan para sakupin ang Ancient Realm.“Maaari kayang siya ito…?”Hindi sigurado si James dito. Kung tunay nga talaga na si Marquis ito, anong pinaplano niya sa pag higop ng mga dugo ng mga cultivator?Matapos huminga ng malalim, mabilis siyang umalis.Sinubukan niyang maghanap sa Mount Walvern para kuwestiyunin ang mga nakaitim na robe. Pero, wala siyang nakaengkuwentro. Mga bangkay lang na nasa sahig. Daan daang mga cultivator ang nilampasan ni James.Clank!Sa malayo, narinig niya ang tunog ng mga naglalaban.Hindi nag
Hindi alam ni James kung anong nangyayari. Kaya, patuloy siya sa pagmartsa kasabay ang iba.Dahil sa epekto ng Demonic Energy, nalanta ang mga halaman sa rehiyon. May kakaibang katahimikan sa paligid, mga yabag lamang ang maririnig.Hindi nagtagal, dumating sila sa labas ng lambak. Matapos dumaan sa Magic Circle ang hukbo, makikita ang Demonic Energy sa paligid nila. Habang papasok ang Demonic Energy sa Magic Cirlce, lumampas sila sa barrier. Pero, dahil sa ganito din ang ginawa ng mga disipulo ng Welkin Academy, tumunog ang alarm habang maliwanag ang kinang ng Magic Circle.Matapos ito makita, bumulong si James, “So kailangan ko ng Demonic Energy sa katawan para makapasok sa Magic Circle.”Sapagkat may Demonic Energy siya sa katawan, hindi siya natakot. Hindi nagtagal, nakarating siya sa Magic Circle. Walang alinlangan siyang tumawid sa Magic Circle matapos makita ang mga thread ng Demonic Energy sa paligid niya.Matapos lumampas sa Magic Circle, may batong cavern sa harap niya. Sa l
Noong tumigil si James sa harapan ng lagusan, may narinig siyang tumawag sa kanya.Humarap doon si James at nakakita ng matandang lalake na nakasuot ng itim na robe at palapit sa kanya. Hindi siya nakasuot ng maskara. Bukod pa doon, lukot na ang mukha niya sa katandaan, malalim ang mga mata at may hawak na itim na tungkod.“Hindi siya nakasuot ng maskara…”Nanigas si James.Sapagkat ang lahat ay nakasuot ng maskara, pinuno ang nasa harapan niya. Ngunit, hindi niya alam kung anong itatawag sa kanya. Kaya, yumuko lang siya at nanatiling tahimik.Samantala, lumapit ang matandang lalake sa kanya at tinitigan siya. Kinabahan si James, at ang mga palad niya ay pinagpawisan.“Master Protector.”Sa oras na ito, isang lalake na nakasuot ng itim na robe at pulang maskara ang lumapit sa matandang lalake. Pagkatapos, lumuhod siya at sinabi, “Master Protector, marami kaming nahuli na mga cultivator. Ang mga nabigo na humuli ay pinatay na at hinigop ang dugo nila. Ngunit, marami pa sa kanila ang nas