Kabanata 2292
Kailanman ay hindi niya inisip na makipagtulungan sa mga disipulo ng Welkin Academy. Sa halip, balak niyang bumuo ng grupo kasama si Henry at Delainey. Sa pagtutulungan nila, posibleng makapasok sila sa top three.

"James, anong iniisip mo diyan?" Noong napansin niya na nakatulala sa kawalan si James, nagtanong si Yoan.

“Huh?”

Inayos ni James ang kanyang sarili at sinabing, "W-Wala lang."

Ang sabi ni Yoan, "Tandaan mo na ang pakikipagtulungan ang susi upang magwagi kayo. Dapat makipagtulungan ka sa mga disipulo ng Welkin Academy.”

“Sige.” Kahit na ayaw itong gawin ni James, hindi niya maaaring suwayin si Yoan.

“Sige na, makakaalis na kayo.”

Kinumpas ng headmaster ang kanyang kamay.

Noong narinig nila ito, umalis na ang mga disipulo.

Pagkaalis nila, bumuntong-hininga ang headmaster at sinabing, “Mula noon ay nakikipag kompetensya na ang mga disipulo natin sa isa’t isa. Dahil dito, baka mahirapan silang magtulungan.”

Nang marinig nila ito, tumango at sumang-ayon ang mga
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP