Nagulat din si Yoan sa lakas ng loob ni James. Nagpatuloy ang paglilinang sa kapangyarihan ng Helios Pill, at patiuloy na nadagdagan ang lakas ni James.Lumipas ang gabi.Kinabukasan, nabawasan ang sakit ng katawan ni James. Tumigil siya sa pagkucultivate.Si Yoan, na nasa malapit, ay nagtanong, “Kamusta?”Ang sabi ni James, “Pagkatapos ng isang gabing pagkucultivate, pakiramdam ko nadagdagan ng husto ang pisikal kong lakas. Subalit, wala pa sa isang porsyento ng kapangyarihan ng Helios Pill ang nalinang ko. Mayroon pang napakalakas na pwersa sa loob ng katawan ko. Hindi ko na kayang higupin ang pwersang ito.Ang sabi ni Yoan, “Ito ang Helios Pill. Sa susunod, kakailanganin mo ng tulong ng isang pwersa mula sa labas kung gusto mong mahigop ang kapangyarihang ito.”“Mhm” Tumango si James. Alam niya kung ano ang sinasabi ni Yoan na pwersa mula sa labas. Ito ay walang iba kundi ang pambubugbog sa kanya.“Tutulungan kita.” Ang sabi ni Yoan ng nakangisi.Bago pa makasagot si James
"James isa itong Celestial Tiger. Ito ang hari ng gubat na ito. Ang lakas nito ay maikukumpara sa isang cultivator na nasa Fifth Stair nf Immortal Ascension. Ang paggamit dito ang pinakamabisang paraan upang mapalakas mo ang iyong katawan."Nagmula sa malayo ang boses ni Yoan. Mayroong malagim na ekspresyon sa mukha ni James. Hindi gaanong malakas ang Fifth Stair ng Immortal Ascension. Kapag ginamit niya ang Sacrilegious Ascension, kaya niyang patayin ang Celestial Tiger na 'to sa loob ng ilang minuto. Subalit, napakalaki ng Celestial Tiger. Napakaliit niya sa harap nito. Bago pa siya makakilos, nagsimula nang umatake ang Celestial Tiger. Binuka nito ang bibig nito at bumuga ito ng itim na liwanag. Naisip ni James na iwasan ito. Subalit, hindi niya mapapalakas ang katawan niya kapag iniwasan niya ito. Sa halip na iwasan ito, nagdesisyon siya na harapin at saluhin ito. Tumama sa kanya ang itim na liwanag, at agad na lumubog ang kanyang dibdib sa lakas ng pwersa nito. Gina
Noong narinig niya iyon, nanigas si James.“Tsaka, sino ka ba talaga? Saang pamilya ka galing?”“Sa pagkakaalam ko, walang makapangyarihang pamilya na may pangalang Caden sa Ancient Realm.”Sunud-sunod ang mga tanong ni Yoan.Nagsimulang mag-isip si James. Hindi siya mula sa Ancient Realm. Mula siya sa Earth.Nag-aalinlangan siya dahil hindi niya alam kung dapat ba niyang ibunyag ang pagkatao niya. Higit pa dito, medyo nag-iingat siya.Kalaban ang tingin ng mga cultivator mula sa mga Sealed Realm sa mga taga-Earth. Nag-aalala si James na kapag binunyag niya ang kanyang pagkatao, ay magbabago ang pakikitungo ni Yoan sa kanya.“Bakit? Mahirap bang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito?” Ang sabi ni Yoan, “Kung hindi mo pwedeng sabihin sa’kin, hindi kita pipilitin.”Nag-isip ng ilang oras si James. Mabait ang tingin niya kay Yoan, kaya naisip niya na hindi niya dapat itago ang katotohanan.Kapag nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Yoan pagkatapos niyang ibunyag ang pagkatao niya
Muling nakipaglaban si James sa Celestial Tiger. Sa kasagsagan ng mainit na labanan, sinasalo lang niya ang mga atake ng Celestial Tiger. Dahil mababa pa ang rank niya, hindi niya kayang saktan ang dambuhalang Celestial Tiger gamit ng lakas niya. Pagkaraan ng higit sa isang oras, muli nanamang napuno ng mga sugat ang katawan ni James. Muli niyang hinigop ang kapangyarihan ng Helios Pill. Gumaling agad ang mga sugat sa katawan niya pagkatapos niyang higupin ang kapangyarihan.Tahimik na nanood si Yoan mula sa gilid.Napakalubha ng mga sugat ni James. Sa karaniwang sitwasyon, matatagalan bago siya gumaling, ngunit nagawa niyang pagalingin ang mga sugat niya dahil sa paghigop sa kapangyarihan ng Helios Pill.Talagang kamangha-mangha ang katawan niya. Maging si Yoan, na isang Sect Elder ng Welkin Academy, ay napahanga dito.Pagkaraan ng ilang araw pagkatapos nito, nagpatuloy si James sa pakikipaglaban sa Celestial Tiger sa sinaunang gubat na ito. Ginamit niya ang pwersa ng pag-atak
Ilang araw silang naglakbay.Pagkaraan ng halos walong araw, dumating si Yoan sa isang malawak na kagubatan kasama si James.“Sir, nandito ba sa gubat na ‘to ang Ancient Clan?” Mukhang nagdududa si James.Marahang tumango si Yoan at sinabing, “Tinatawag na Mount Bloodmoon ang kabundukang ito. Ang headquarters ng Ancient Race ay nasa Mount Bloodmoon. Ang Ancient Clan ay nanatiling tahimik. Bihirang lumabas ang mga miyembro ng Ancient Clan.”Tinuro niya ang bulubundukin sa malayo at sinabing, “Ang Mount Bloodmoon ay pinoprotektahan ng isang napakalakas na formation. Ang sinumang cultivator na papasok ng walang permiso mula sa Ancient Clan ay mamamatay sa loob ng formation.”Marahang tumango si James.Nagsimulang maglakad si Yoan, at sumunod sa kanya si James.Di nagtagal, nakarating sila sa isang bakanteng lote. Isang stele na may taas na higit sa tatlumpung metro ang taas ang nakatayo sa bakanteng lote. May ilang mga salita na nakaukit sa stele: ‘Mount Bloodmoon. Walang sinuman a
Naguluhan si James sa pag-uusap nila. Tumingin siya kay Quintina, na nakatayo sa harap ng ilang mga guwardiya mula sa Ancient Clan, at napaisip siya, 'Isa rin kaya siyang disipulo ng Welkin Academy?' "Sir Yoan, pakiusap, sumunod kayo sa'kin." Malugod na pinapasok ni Quintina si Yoan. Tumango si Yoan, humarap siya kay James, at sinabing, "Pumasok na muna tayo."Dinala ni Quintina si James at si Yoan papasok sa teritoryo ng Ancient Clan. Mayroong matatayog na bulubundukin sa harap nila, ngunit habang naglalakad sila, nasilayan nila ang isang paraiso na puno ng magagandang bundok at malinaw na mga ilog. Natanaw nila sa malayo ang ilang mga Spiritual Field. Maraming tao ang nagbubungkal ng lupa. Makikita sa harap nila ang ilang mga gusali. Malayo sa karangyaan ang istruktura ng mga ito at simple lamang ang itsura ng mga ito. Para bang nakarating sila sa isang maliit na nayon. Habang nasa daan sila, pabulong na nagtanong si James, "Sir, sino si Quintina?" Bumulong si Yoan
Muli siyang tinawag ni Quintina. Natauhan si Yoan. Tumingin siya kay Quintina ng may pag-aalinlangan at sinabing, "Y-Yung totoo, pumunta ako dito upang humingi ng isang patak ng Ancient Blood.""Ancient Blood?" Biglang napatayo si Quintina. Tumingin siya kay Yoan ng may kakaibang ekspresyon at sinabing, "Sir Yoan, kinalulungkot ko na may hindi ka alam tungkol sa Ancient Blood. Noong malapit nang mamatay ang ninuno ng clan namin, ginamit niya ang buong cultivation niya upang gawin ang Ancient Blood. Gumagana lang ito sa mga disipulo ng aming clan. Kung hindi ka isang disipulo ng aming clan, wala silbi ang Ancient Blood para sa'yo. Napakalakas ng kapangyarihan ng Ancient Blood. Sasabog ka at mamamatay ka agad kung hindi ka isang disipulo ng aming clan."Nagsalita si James. "Hindi naman siguro 'yun ganun kasama, hindi ba?" Noong narinig niya ito, napatingin si Quintina kay James. Agad na nagsalita si Yoan, "Paumanhin, hindi mapigilan ng disipulo ko ang kanyang bibig. Mapatawad m
Kahit na simple lamang ang mga gusali dito, napakalawak ng teritoryo ng Ancient Clan. Nasa bukod na courtyard ang mga kwartong inihanda ng clan para sa kanila James at Yoan. Samantala, umalis si Quintina upang ipaalam ang tungkol dito sa kanyang mga elder. Maraming mga bundok ang makikita sa likod ng nayon. Mayroong ilang mga gusali na nakatayo sa tuktok ng mga bundok. Ang mga taong nakatira sa mga bundok na ito ay mga kilalang tao sa loob ng Ancient Clan. Nasa isang closed-door meditation ang kanyang ama. Bilang Elder ng Ancient Clan, si Thoryn Gideon ang namamahala sa pamamalakad sa clan. Umakyat si Quintins sa bundok kung saan nagkucultivate si Thoryn. Isang lalaking may balbas na nasa kanyang 70s ang nakaupo sa tuktok ng bundok, na nakikipaglaro sa isang kuliglig. "Elder Thoryn." Binati siya ni Quintina mula sa malayo. "Quintina." Tumingin sa kanya si Thoryn, at dinampot ang kuliglig. Nanatiling nakaupo sa lupa si Thoryn. Tumingin siya kay Quintina at nagtanon