Kabanata 2241
Naguluhan si James sa pag-uusap nila.

Tumingin siya kay Quintina, na nakatayo sa harap ng ilang mga guwardiya mula sa Ancient Clan, at napaisip siya, 'Isa rin kaya siyang disipulo ng Welkin Academy?'

"Sir Yoan, pakiusap, sumunod kayo sa'kin."

Malugod na pinapasok ni Quintina si Yoan.

Tumango si Yoan, humarap siya kay James, at sinabing, "Pumasok na muna tayo."

Dinala ni Quintina si James at si Yoan papasok sa teritoryo ng Ancient Clan. Mayroong matatayog na bulubundukin sa harap nila, ngunit habang naglalakad sila, nasilayan nila ang isang paraiso na puno ng magagandang bundok at malinaw na mga ilog.

Natanaw nila sa malayo ang ilang mga Spiritual Field.

Maraming tao ang nagbubungkal ng lupa.

Makikita sa harap nila ang ilang mga gusali. Malayo sa karangyaan ang istruktura ng mga ito at simple lamang ang itsura ng mga ito. Para bang nakarating sila sa isang maliit na nayon.

Habang nasa daan sila, pabulong na nagtanong si James, "Sir, sino si Quintina?"

Bumulong si Yoan
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP