Kahit na simple lamang ang mga gusali dito, napakalawak ng teritoryo ng Ancient Clan. Nasa bukod na courtyard ang mga kwartong inihanda ng clan para sa kanila James at Yoan. Samantala, umalis si Quintina upang ipaalam ang tungkol dito sa kanyang mga elder. Maraming mga bundok ang makikita sa likod ng nayon. Mayroong ilang mga gusali na nakatayo sa tuktok ng mga bundok. Ang mga taong nakatira sa mga bundok na ito ay mga kilalang tao sa loob ng Ancient Clan. Nasa isang closed-door meditation ang kanyang ama. Bilang Elder ng Ancient Clan, si Thoryn Gideon ang namamahala sa pamamalakad sa clan. Umakyat si Quintins sa bundok kung saan nagkucultivate si Thoryn. Isang lalaking may balbas na nasa kanyang 70s ang nakaupo sa tuktok ng bundok, na nakikipaglaro sa isang kuliglig. "Elder Thoryn." Binati siya ni Quintina mula sa malayo. "Quintina." Tumingin sa kanya si Thoryn, at dinampot ang kuliglig. Nanatiling nakaupo sa lupa si Thoryn. Tumingin siya kay Quintina at nagtanon
Kinabukasan, mayroong kumatok sa pinto bago pa sumikat ang araw. Huminto sa pagkucultivate si James at binuksan niya ang pinto. Isang disipulo ng Ancient Clan ang nakatayo sa labas ng pinto. Ang sabi niya ng may magalang na ekspresyon, "Sir, ang kompestyon para sa karapatan upang makapasok sa Pagoda of Flames ay magsisimula ngayong araw. Inutusan ako ng Young Lady na dalhin kayo sa Mount Trinvard.""Sige, salamat." Lumabas ng kanyang kwarto si James. Paglabas niya, lumabas din ng kanyang kwarto si Yoan. "Sir." Binati ni James si Yoan. Pagkatapos, dinala ng disipulo ng Ancient Clan ang dalawa sa labas ng nayon papunta sa isang bundok. Ang Mount Trinvard ang pinakamataas na bundok sa teritoryo ng Ancient Clan. Ito rin ang tahanan ng pinuno ng Ancient Clan. Sa karaniwang sitwasyon, pinagbabawal ang pag-akyat ng mga disipulo sa bundok. Subalit, iba ang araw na ito, dahil isa itong mahalagang kaganapan para sa clan na idinaraos kada limampung taon. Nagsanay ng maraming taon
Di nagtagal, mas marami pang tao ang dumating sa Mount Trinvard ng Ancient Clan kasama ang kanilang mga disipulo. Walang kilala si James na kahit isa sa kanila. Sinabi ni Yoan kay James ang lahat ng tungkol sa kanila.“Nakita mo ba yung taong kausap ni Elder Thoryn kanina? Siya ang Infernal Emperor. Isa siyang transcendent powerhouse at isa siya sa top ten sa Ancient Realm.”“Ang lalaking nakasuot ng kulay abong damit doon ay si Emperor Tamerlan.”Inobserbahan sila ni James mula sa malayo at naghintay.Umalis na ang ilan sa mga elder ng Ancient Clan at nagtipon sila sa bulwagan sa may Mount Trinvard.Ang taong namumuno sa pagtitipon ay si Thoryn.Narinig sa buong bulwagan ang boses ni Thoryn, “Maraming tagalabas ang sasali sa kompetisyon sa pagkakataong ito. Kailangan nating gumawa ng ilang pagbabago sa mga patakaran ng kompetisyon. Ang naisip ko ay padaanin muna sa Mound of Sabers ang mga kalahok. Papayagan natin ang mga makakapasa na lumahok sa kompetisyon, at matatanggal n
Isang sigaw ang nagmula sa malayo, at isang binata na mula sa Ancient Clan ang tumakbo.Lumingon si James at nakita niya ang isang binata na nasugatan ng malakas na Sword Intent. Duguan ang buong katawan niya, at kasing putla ng papel ang kanyang mukha. Halatang hindi maganda ang lagay ng isip niya.Binalewala ni James ang binata.Kahit na malakas ang Sword Intent sa lugar, kaya pa niya itong tiisin.“James.”Bigla niyang narinig ang isang boses mula sa Celestial Abode.Pagkatapos niyang marinig ang boses ni Sophie, sinagot ni James si Sophie, “Bakit? Anong problema?”Ang sabi ni Sophie, “Maraming mga espada at mga sword technique dito. Hindi gaanong espesyal ang mga ito, ngunit magagamit mo ang mga ito. Nararamdaman ko na ang bawat isa sa mga espadang ito ay may taglay na sarili nilang sword technique. Dahil nais mong palakasin ang iyong swordsmanship, dapat mong kunin at pag-aralan ang mga sword technique na ito.”“Paano ko makukuha ang mga ito?” Ang tanong ni James.“Magpat
Habang nakatingin sa kanya si Quintina, muling pumasok sa kweba si James.Pagpasok niya sa kweba, tumayo siya dalawang metro ang layo mula sa divine sword. Napakalakas ng aura ng espada, at mabagsik ang Sword Energy nito. Pakiramdam ni James ay parang sinisilaban ng apoy ang kanyang katawan. Muli siyang sinundan ni Quintina pabalik sa loob ng kweba. Noong nakita niya na kaya ni James na tumayo ng malapit sa espada ng hindi nasasaktan, nasabi niya na, "Mukhang hindi naman pala ganun kahina ang lalaking ito. Kaya niyang tiisin ang Sword Intent sa loob ng kwebang 'to."Nanatiling nakatayo si James, at isang malakas na Spiritual Power ang nagmula sa loob ng Celestial Abode. Nakipag-usap ito sa divine sword at pwersahan nitong kinuha ang sword technique na nakatago sa loob nito. Isang nagbabagang pulang ilaw ang pumasok sa noo ni James. Noong sandaling iyon, napuno ng napakaraming impormasyon ang ulo ni James. Isa itong kumpletong set ng swordsmanship skills, kasama dito ang culti
Tinuro ni James ang isa sa mga disipulo ng Ancient Clan.“Siya ang napili ko.”Pagkatapos piliin ni James ang kanyang kalaban, nagsimula na ring pumili ang mga nasa likod niya ng magkakasunod.Pagkatapos, nagsimula ang kompetisyon.Dahil si James ang unang pumili ng makakalaban niya, nagsimula ang kompetisyon sa kanya laban sa napili niyang kalaban.Ang kalaban niya ay isang disipulo mula sa Ancient Clan. Sa labas ng arena, tumingin si Quintina kay Yoan ng may malaking ngiti sa kanyang mukha at sinabing, "Sir Yoan, hindi magaling pumili ng kalaban ang disipulo mo. Ang taong pinili niya ay hindi isang ordinaryong tao. Siya ang panganay na apo ng isa sa aming mga elder at personal siyang tinuruan ng elder mula noong bata siya. Kahit na bata pa siya, hindi siya mahina. Nasa Fourth Stair na siya ng Immortal Ascension."Ngumiti si Yoan at sinabing, "Kung ganun, umupo ka na lang at maghintay. May tiwala ako kay James."Noong sandaling iyon, binunot ng disipulo ng Ancient Clan ang ka
Nanalo si James sa una niyang laban ng walang kahirap-hirap.Tinalo niya ang kanyang kalaban gamit lamang ng kanyang pisikal na lakas.Nagulat ang mga manonood sa pambihira niyang lakas.Pagkatapos, naghintay siya.Sunud-sunod na dinaos ang mga sumunod na laban ng walang problema.Mabilis na dumaan ang araw.Buong araw, nilabanan ng higit sa isang daang mga kalahok ang isa’t isa. Sa pagtatapos ng araw, tapos nang lumaban ang lahat.Gaya ng inaasahan, si Quintina, ang Grand Supernatural ng Divinity Sect, ang disipulo ng Infernal Emperor, at ang disipulo ni Emperor Tamerlan, ay nanalo lahat sa kanilang mga laban.Pagkatapos ng mga laban sa unang araw, pinapagpahinga ang mga kalahok buong gabi dahil gaganapin ang susunod na round kinabukasan.Bumalik si James sa kwarto niya upang magpahinga.Kinagabihan, nagkita si James at si Yoan sa courtyard.Ang sabi ni Yoan, “Ngayong araw, dalawang grupo ang binuo. Dahil ang grupo mo ang pumili ng mga makakalaban niyo ngayong araw, kayo na
Napaatras ang ibang mga tao mula sa grupo ni Harold. Alam nila kung sino si Harold at ayaw nila siyang labanan. Parang sumuko na rin sila sa laban nila kapag pinili nilang labanan si Harold.“Siya pa rin ang pipiliin ko.”Tinuro ni Harold si James.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Medyo nainis siya sa desisyon ni Harold.‘Marami pang ibang tao. Bakit ako ang gusto niyang piliin?’Ang naiinis na sinabi ni James, “Iniisip mo ba na madali akong kalaban?”Sumagot si Harold, “Hindi. Ikaw ang pinili ko dahil malakas ka. Gusto kong lumaban sa mga malalakas na tao. Higit sa lahat, mula ka sa Welkin Academy.”Tumango si James at sinabing, “Sige. Dahil ako ang pinili mo, ibubuhos ko ang lahat sa laban natin. Ganun ba talaga katindi ang lakas ng Seventh Stair ng Immortal Ascension? Panoorin mo kung paano kita ilalagay sa dapat mong kalagyan.”Galit na galit si James sa loob niya.Nagdesisyon siya na palihim na gamitin ang Sacrilegious Ascension sa susunod niyang laban kung sakaling ma