Pumunta si James sa Ancient Realm noong tumatakas siya. Hindi niya gusto ibigay ang Sacrilegious Ascension at hindi rin niya gusto gamitin ang Infinity Stele sapagkat magdudulot ito ng problema.Gusto lang niya magcultivate ng hindi iniistorbo at palakasin ang sarili sa lalong madaling panahon.Pagkatapos nito, babalik siya sa Earth at papatayin ang elder ng Divinity Sect.Swoosh!Matapos ang maraming bagay na sumagi sa isip niya, huminga ng malalim si James. Tinignan niya si Harold at sinabi ng kalmado, “Sige.”Walang pakielam na sumagot si Harold, “Bunutin mo ang espada mo. Magiging madali masyado para sa akin ang durugin ka kung wala kang armas.”“Kung ganoon, susuko na ako.”Matapos timbangin ang mabuti at masamang epekto nito, isinuko ni James ang laban.“…”Nabigla ang mga manonood sa pagsuko ni James.Walang umaasa na susuko si James bago pa man magsimula ang laban.Kahit si Harold nagulat.Alam niya kung gaano kalakas si James kung saan ang pisikal na lakas niya ay nasa Immorta
”Sige.”Sapagkat alam niya na may pagkakataon pa siya, natuwa si James.Matapos mapili ang pito, ang ibang mga kalahok ay siguradong mas mahina. Kaya, kumpiyansa si James na mananalo siya sa pagkakataon na ito.“Mauuna na ako at magpapahinga, Sir.”Sapagkat walang nakatalaga na laban si James ngayon, hindi niya gusto na magpakalat kalat lang.Sumimangot si Yoan at sinabi, “Bakit ka babalik para magpahinga? Panoorin mo ang mga laban at alamin ang tungkol sa mga makakalaban mo sa suusnod na round.”“Sige.” Sagot ni James.Nagpatuloy ang natitirang mga laban.Ang mga laban ngayon ay mas mabili kumpara sa kahaon.Sa ilang sandali lang, natapos agad ang ikalawang round. Ang mga nanalo sa ikalawang round ay pumili ng bagong mga kalaban at nagpatuloy.Noong kinagabihan, napili na ang top 13.Natapos na ang mga labanan ngayon.Ang qualifier matches ay magaganap sa susunod na araw.Ang mga mananalo ay direktang magkakaroon ng puwesto para makapasok sa Pagoda of Flames, kung saan ang mga matatal
Hindi itinago ni Quintina ang katotohanan mula kay Yohan.“Sir Yoan, sigurado akong alam mo na kahit nilisan na ng mga Demons ang Earth noong unang panahon, nag-iwan sila ng mga alalay nila—Ang Demon Race Fangs.“Ang mga Fangs na ito ay nakakalat sa Three Thousand Worlds. Nakaengkuwentro ng ama ko ang isang Fang at napinsalaan ng Demonic Art, kung saan nagdurusa siya dahil sa Demonic Energy.“Simula noon, pinapahirapan ang ama ko ng Demonic Energy at nagmemeditate ng tago. Nagkataon na ngayon, kailangan pigilan ang Demonic Energy sa katawan niya. Kapag hindi ito napigilan sa tamang oras…”Nabalot ng pag-aalala ang mukha ni Quintina.Naging malungkot ang mukha ni Yoan. Hindi niya inaasahan na may ganito katindi na pinsala ang pinuno ng Ancient Clan.Nakikinig din si James sa usapan nila.Matapos marinig na may kinalaman ito sa Demonic Energy, natukso si James na kumilos.Mayroon siyang Demonic Body at hindi takot sa Demonic Energy. May abilidad siya na alisin at higupin ang Demonic Ener
Nanghihinang nagsalita si Farley.“Hindi na ako makakaligtas. Ikaw ang nag-iisang pag-asa ng Ancient Clan, Quintina. Kailangan mo pamunuan ang Clan sa hinaharap. Ipinadala kita sa Welkin Academy para magkaroon ng mabuting ugnayan sa kanila at mapigilan ang Divinity Sect sa pagdurog sa clan natin kapag kumalat ang balita na patay na ako.”Alam ni Farley na matagal ng nakatakda ang kamatayan niya. Kaya, nag-organisa na siya ng mga bagay-bagay noon pa.Ipinadala niya si Quintina sa Welkin Academy sapagkat gusto niyang magkaroon ng ugnayan ang Ancient Clan sa kanila. Kung magkakaroon ng krisis ang Ancient Clan, tutulungan sila ng Welkin Academy.“Ama, wala na ba talagang pag-asa?”Hindi gusto sumuko ni Quintina.Nanghihinang sumagot si Farley, “Hindi na ako maliligtas. Matagal ko ng pinipigilan ang Demonic Energy. Paubos na ang True Energy ko. Kakainin ako ng Demonic Energy sa oras na maubos ang True Energy ko.”“Kailangan mo maging malakas, Quintina. Isa kang Grand Supernatural at mayroon
Naayos ni Quintina ang sarili niya matapos mabigla, at nagdilim ang mukhan niya.“Sa tingin mo ba nakakatuwa ka, James? Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ikaw ang pinakamalakas na tao sa buong mundo?”“Hindi ako nagsisinunganling, matutulungan ko talaga ang ama mo.”“Tama na. Tumigil ka na sa paggamit sa problema ko para sa ikatutuwa mo. Ikaw ang disipulo ni Sir Yoan, kaya kakalimutan ko na ito, pero huwag mong isipan na hahayaan lang kita kapag ipinagpatuloy mo ito.”Hindi naniwala si Quintina kay James.Paano nga naman malalaman ng bata na katulad ni James ang tungkol sa Demonic Energy na naging problema ng ama niya kung siya mismo hindi ito masolusyunan?“Gabi na, huwag ka ng magpagala gala. Maraming guwardiya sa Mount Trinvard. Maaari ka mapagkamalan na assassin. Huwag mo sabihin na hindi kita binalaan.”Matapos magsalita, tumalikod si Quintina at umalis.“Seryoso ako sa pagtulong sa kanya.”Iniabot ni James ang kamay niya para hawakan ang kamay ni Quintina.Pero, tinamaan s
“Quintina, maghintay ka sa labas,” udyok ni James sa kanya.Ipinaliwanag ni Quintina, “Ama, ito ang disipulo ni Sir Yoan. Sabi niya kaya ka niya iligtas, kaya isinama ko siya para makita kung anong kaya niyang gawin.”Napansin ni Farley ang ekspresyon ni Quintina matapos niya ito marinig.Naiintindihan niya kung anong nararamdaman ni Quintina noong narinig niya ito.Hindi niya gusto mabigo si Quintina. Sinabihan niya si Quintina, “Manatili ka muna sa labas, Quintina. Kakausapin ko siya.”“Okay.” Tumango si Quintina at umalis.Matapos umalis, tinignan ni Farley si James. At ngumiti ng kaunti, “Bata, ipinadala ka siguro ng Divinity Sect? Ang Divine Holy Emperor ay hindi isinama ang mga disipulo niya sa teritoryo namin para lang magkaroon ng puwesto makapasok sa Pagoda of Flames, tama? Sinusubukan niyang alamin kung buhay pa ako.”Ang kala ni Farley isang espiya si James na ipinadala ng Divine Holy Emperor mula sa Divine Sect.Kumunot ang noo ni James at sumagot siya, “Anong sinasabi mo?
Ang Demonic Energy sa katawan ni Farley ay napakalakas at nakakagimbal.Ganadong hinigop ni James ang Demonic Energy gamit ang palad niya at hinayaan ito na balutin ang kanyang katawan.Sa oras na ito, pakiramdam ng katawan niya gutom na gutom nitong hinigop ang Demonic Energy. Agad na lumakas ang pisikal na katawan niya.Sa loob ng isang minuto, umabot ang pisikal na lakas niya sa Immortal Ascension’s Sixth Stair.Tulad ng plano niya, lumakas ng husto ang pisikal niyang katawan.Hindi mapigilan ni James na magsalita, “Napakalakas ng enerhiyang ito.”Ngunit, umabot ang pisikal na lakas ng katawan niya sa hangganan nito, at hindi na niya mahigop ang Demonic Energy sa katawan ni Farley.Sa oras na ito, nagsimula ang Demonic Lotus sa katawan ni James na higupin ang Demonic Energy. Hindi nagtagal, lalong naging kagimbal gimbal ang Demonic Lotus.Hindi nagtagal, kahit ang Demonic Lotus ay umabot sa limitasyon nito.Ngunit, hindi tumigil si James sa paghigop ng Demonic Energy sa katawan ni F
Tumango si James. Hindi siya sigurado sa plano ni Farley pero sa tingin niya gagawa siya ng kilos para mapilitan humakbang ang Divinity Sect. Pagkatapos, uubusin na niya ang Divinity Sect.Matapos magsalita, umupo ng lotus position si Farley sa sahig at ipinikit ang mga mata niya.“Sir Gideon?” tinawag siya ni James matapos magalinlangan.Iminulat ni Farley ang mga mata niya at tinignan si James para sabihin, “Simula sa puntong ito, itatago ko ang lahat ng bakas na buhay pa ako. Pagmumukhain ko na patay na ako, at siguradong kakalat ang balitang ito sa Ancient Clan. Maaaring maging balita ito para sa buong mundo. Ikaw lang ang nakakaalam na nasa state of suspended animation ako. Umaaasa ako na ililihim mo ito.”Tumango si James at sumagot, “Sige. Hindi ko sasabihin kahit na kanino.”Samantala, si Quintina ay naghihintay pa din sa labas ng kuweba.Makalipas ang dalawang oras, hindi pa din lumalabas si James.Nababalisa siyang nagpalakad lakad, habang hinihintay si James.Lumabas si Jame