Kabanata 2237
"James isa itong Celestial Tiger. Ito ang hari ng gubat na ito. Ang lakas nito ay maikukumpara sa isang cultivator na nasa Fifth Stair nf Immortal Ascension. Ang paggamit dito ang pinakamabisang paraan upang mapalakas mo ang iyong katawan."

Nagmula sa malayo ang boses ni Yoan.

Mayroong malagim na ekspresyon sa mukha ni James.

Hindi gaanong malakas ang Fifth Stair ng Immortal Ascension. Kapag ginamit niya ang Sacrilegious Ascension, kaya niyang patayin ang Celestial Tiger na 'to sa loob ng ilang minuto.

Subalit, napakalaki ng Celestial Tiger. Napakaliit niya sa harap nito.

Bago pa siya makakilos, nagsimula nang umatake ang Celestial Tiger. Binuka nito ang bibig nito at bumuga ito ng itim na liwanag.

Naisip ni James na iwasan ito. Subalit, hindi niya mapapalakas ang katawan niya kapag iniwasan niya ito. Sa halip na iwasan ito, nagdesisyon siya na harapin at saluhin ito.

Tumama sa kanya ang itim na liwanag, at agad na lumubog ang kanyang dibdib sa lakas ng pwersa nito.

Gina
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP