Kabanata 1940
Gaya ng inaasahan niya, pagkatapos niyang banggitin ang mga bagay na ito, lumambot ang ekspresyon ni Maxine.

Sinimulan niyang utuin si Maxine para magsalita. Nagsimula siyang magtanong tungkol sa bata.

"Maxine, pinuntahan ka ba ni Thea? Inisip ba ni Thea na may namamagitan sa'ting dalawa kaya nag-away kayong dalawa, at 'yun ang dahilan kung bakit mo kinuha ang anak ko?" Ang tanong ni James.

"Hindi." Umiling si Maxine.

"Kung ganun, bakit mo ginawa 'yun?" Nagtanong si James, at nagtaka. "Malapit tayo sa isa't isa. Magkasama nating hinarap ang mga pagsubok. Naging magkaibigan tayo sa mga pinagdaanan nating hirap. Bakit mo dinukot ang anak ko?"

"Ano sa tingin mo?" Nakangiting tumingin si Maxine kay James.

Sinusubukang alamin ni James kung ano ang iniisip ni Maxine.

May hula na siya kung bakit iyon ginawa ni Maxine. Subalit, hindi niya ito pinaalam.

"Maxine, hindi ko talaga alam. Tinuring kitang nakababata kong kapatid. Bakit mo ginagawa 'to?"

"Kapatid?" Ngumisi si Maxine. "Hu
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP