Nitong nakalipas na mga araw, ginamit ni Henry ang lahat ng koneksyon ng Dragonville kasama ang tulong ng Sol, at sa wakas ay nagawa niyang matunton ang kinaroroonan ni Winnie. Ngayon, kailangan na lang nila ng dalawang oras para iligtas si Winnie. Kailangan lang ni James na bigyan sila ng dalawang oras para magawa ito. Makalipas ang dalawang oras, ang buong gusot na ito ay matatapos na rin. Mahinahon na tinapos ni James ang tawag. Sa mga sandaling iyon, hinawakan ni Sky ang kanyang long sword sa loob ng bulwagan ng Floret Palace at tiningnan si Maxine. Ang mahabang buhok ni Maxine ay sumayaw sa hangin. Kaswal niyang kinumpas ang kanyang kamay, at isang itim na espada ang lumipad papunta sa kanya mula sa labas. Nasalo niya ang espada, at nanginig ito habang nakatutok ito kay Sky. “Layas!”Nakatitig pa rin si Sky kay Maxine. Nadurog ang kanyang puso. Sa lahat ng mga taon na nabuhay siya, hindi pa siya nagkagusto sa kahit na sinong babae.Noon ay tinulungan niya si
Guusto niya na sabihin sa kanya mismo ni Maxine ang kinaroroonan ni Winnie. Kung hindi, mapipilitan siyang harapin ito at gamitan ng dahas para pigilan ito na gumawa pa ng anumang gulo sa hinaharap. “Haha…”Tumawa na parang isang baliw si Maxine.“Isa lang ba itong palabas?”Ang mga bisitang nagtipon sa bulwagan ay nagulantang, nagtataka kung ano ang nangyari. “Anong nangyayari?”“Mukhang may pinagtatalunan sila.”“Paano nauwi sa ganito ang isang masayang wedding reception?”“Winnie? Bakit naman nabanggit nila si Winnie? Dinukot ba ni Maxine ang anak ni James at ginamit ito para pilitin si James na pakasalan siya?” Marami ang nagsimulang mag-diskusyon ng pabulong. Tiningnan ni James ang galit na Maxine at seryosong sinabi, “Tatanungin kita sa huling pagkakataon. Nasaan si Winnie?”Binigyan niya ito sa ng isa pang pagkakataon. Gusto niyang maniwala sa kanyang puso na hindi masama si Maxine at nabubulagan lang ito ng pag-ibig nito para sa kanya. “James..”Tiningna
Ang pangalan ng senior disciple ng Sacerdotal Sect ay Xain Judah.Makukunsiderang bata pa si Xain sa edad na tatlompung taong gulang. Ipinanganak siya sa Overworld, at sect leader ng Sacerdotal. Dagdag pa dito, ang isa sa top ten na powerhouse sa Overworld, ay guro niya. Kaya, madami siyang resources.Kasama ang pagiging talentado niya, nagkaroon siya ng malakas na cultivation base sa murang edad.Mas malakas siya kumpara kay Conrad.Sinuri ni Xain ang mga martial artist sa main hall ng Floret Palace at hindi napahanga. Ang inaasahan niya ay magpapakita ang mga malalakas na martial artist tulad ng Omniscient Deity at Prince of Orchid Mountain. Bigo siya sapagkat puro mahihinang mga martial artist ang nandito.Inaral niya ang impormasyon tungkol sa mga makapangyarihan sa Earth.Kabilang sa mga tao dito, isa lang ang may karapatdapat maging kalaban—ang groom, si James.Tinitigan niya si James at sinabi ng malagim, “Matapos kita patayin, magiging madali na ang lahat.”Humarap siya kay Con
Pakiramdam ni James may matinding pressure na dumadagan sa kanya na tila may bundok na inilagay sa likod niya.Itinaas ni Conrad si James at sinuntok.Agad na nasira ang mga meridian ni James at sumuka siya ng dugo.Sinipa ni Conrad si James kung saan tumilapon siya sa isang bundok sa malayo.Boom!Yumanig ang bundok.Bumagsak ang katawan ni James sa bundok at hindi na siya nakabangon.“A-Ano…?”Natanga ang mga tao sa malayo. Kahit na malakas si Conrad, hindi naman pipitsugin si James. Hindi nila inaasahan na walang laban si James kay Conrad.“Manatili kayo sa kinatatayuan ninyo.”Bigla nagsalita si Xain.Kalmado ang boses niya pero dumadagungdong ito sa mga tenga nila.Pagkatapos, nagpakita siya ere na tatlompung metro ang taas at sumenyas.Matinding enerhiya ang nagmula sa palad niya at pinalibutan ang paligid. Ang mga martial artist na lumikas ay natamaan ng enerhiyang ito at ibinalik sa gumuhong Floret Palace.“Argh!!!”Napuno ng mga sigawan ang paligid.Bumaba ang katawan ni Xain
Natanga si Xain.Sobrang kaunti ng Empyrean Spiritual Energy sa Earth, pero nakaramdam siya ng concentrated na dami sa malayo.Ibig sabihin nito ang tao na umiipon nito ay nageensayo gamit ang isang napaka advanced na cultivation method.Kumampay siya at isang puwersa ang lumabas sa palad niya.Si James, na ginamit ang Novenary Golden Body Siddhi na nasa gumuhong lupa, ay nahila at sapilitan na dinala sa harap ni Xain.“Hindi pa siya namamatay?” Ngayon si Conrad naman ang natanga.Sa puwersang ginamit niya, alam niya na walang mabubuhay dito liban sa isang Supernatural.Hindi inaasahan na nakaligtas si James.Bumagsak sa sahig ang katawan ni James at lalo nitong pinalala ang mga pinsala niya. Hindi na niya kayang pigilan ang nagwawalang Blood Energy sa katawan niya at sumuka siya ng dugo.“James…”Noong nakita niya na buhay pa si James, nagmamadaling lumapit si Maxine para itayo siya. Bago pa siya makalapit, umalsik siya at nagkaroon ng dagdag na pinsala.Nahirapan siyang bumangon at
Mas malakas si Xain kaysa kay Conrad.Sumobra sa inaasahan ni Xain ang pain tolerance ni James.“Kapuri-puri ang determinasyon mo, bata. Minaliit kita. Oo nga pala, wedding day mo dapat ngayon, hindi ba? Napagalaman ko na balak mo pakasalan ang tatlong babae ng sabay sabay. Tignan natin kung hanggang saan mo kakayanin.”Napangiti ng kaunti si Xain.Kumaway siya at si Maxine na tumalsik sa malayo ay nabuhat at ibinaba sa tabi ni James.Naglabas ng espada si Xain.Isang malisyosong ngiti ang bumalot sa mukha niya habang nakadikit ang espada sa leeg ni Maxine. “Napapaisip ako kung magdurusa ka kapag pinatay ko siya.”“Bakit kung ano ano pa ginagawa mo? Patayin mo na lang ako.”Namumutla si Maxine.Hindi siya takot mamatay. Sa totoo lang, natutuwa siyang mamatay kasama si James. Nahirapan si Maxine na gumapang palapit kay James para hawakan ng kamay niya.Wala na ang mga kamay at binti ni James at puro dugo. Ang kamay ni Maxine ay madugo ng hinawakan niya ang kamay ni James.“James…” umii
“Ibibigay mo na ba sa akin ang cultivation method ngayon at pinakawalan ko na silang lahat?”Tinakot siya ni Xain gamit ang mahinang boses, “Huwag mo akong subukan at lokohin. Kaya ko silang pakawalan pero kaya ko din sila ibalik dito agad ng ganoon kadali. Kapag nangyari iyon, hindi na sila makakaalis ng buhay.”Iminulat ni James ang mga mata niya at tinignan si Xain habang kalmadong sinasabi, “Matindi ang mga pinsala na tinamo ko at maaari ako mamatay bigla. Hayaan mo ako na gamutin ang sarili ko. Ibibigay ko sa iyo ang cultivation method kapag tapos na ako.”Matapos magsalita ni James, nanatili siyang tahimik.Hindi nagmamadali si Xain.Para sa kanya, langgam lang si James na madaling tapak tapakan at idispatsa.Maraming tao ang nagtipon sa paanan ng Floret Palace.“Anong gagawin natin?”“Kung sino may ang may contact sa Omniscient Deity, ipaalam ninyo sa kanya agad. Sa tingin ko siya na lang ang tao na kayang iligtas si James.”“Wala ako. Mayroon ba ang iba?”Nagtipon ang mga marti
“Sige. Magtanong ka.”Desperado si Xain na mapasakamay ang cultivation method ni James.Kaya willing siya na sagutin kahit dose-dosenang mga tanong ni James makuha lang ito. Madali lang ang sumagot sa mga tanong.Nagtanong si James, “May lamat ba sa seal ng Overworld? Lumulusot ba sa lamat ang mga taga Overworld para makapasok sa Earth?”Tumango si Xain, “Oo. May lamat sa seal ng Overworld. Ang pagpasok dito ay magdadala sa kanila patungo sa Earth.”Nagtanong muli si James, “Marami ba na mga tagalabas ang papasok sa Earth?”Tumango si Xain, “Tama. Sa kasamaang palad, hindi madali na pumasok sa lamat para makarating sa Earth. Marahil mga nasa isang daan lamang ang makakatawid, kung saan ang iba ay mamamatay sa proseso.”Nakahinga ng maluwag si James.Pagkatapos, nagtanong siya muli, “Anong cultivation rank mo?”Sumagot ng totoo si Xain, “Nasa Supernatural Consummation rank ako at malapit na maging Herculean.”Matapos ito marinig, nabigla si James.Hindi niya inaasahan kung anong pakiram