“Ibibigay mo na ba sa akin ang cultivation method ngayon at pinakawalan ko na silang lahat?”Tinakot siya ni Xain gamit ang mahinang boses, “Huwag mo akong subukan at lokohin. Kaya ko silang pakawalan pero kaya ko din sila ibalik dito agad ng ganoon kadali. Kapag nangyari iyon, hindi na sila makakaalis ng buhay.”Iminulat ni James ang mga mata niya at tinignan si Xain habang kalmadong sinasabi, “Matindi ang mga pinsala na tinamo ko at maaari ako mamatay bigla. Hayaan mo ako na gamutin ang sarili ko. Ibibigay ko sa iyo ang cultivation method kapag tapos na ako.”Matapos magsalita ni James, nanatili siyang tahimik.Hindi nagmamadali si Xain.Para sa kanya, langgam lang si James na madaling tapak tapakan at idispatsa.Maraming tao ang nagtipon sa paanan ng Floret Palace.“Anong gagawin natin?”“Kung sino may ang may contact sa Omniscient Deity, ipaalam ninyo sa kanya agad. Sa tingin ko siya na lang ang tao na kayang iligtas si James.”“Wala ako. Mayroon ba ang iba?”Nagtipon ang mga marti
“Sige. Magtanong ka.”Desperado si Xain na mapasakamay ang cultivation method ni James.Kaya willing siya na sagutin kahit dose-dosenang mga tanong ni James makuha lang ito. Madali lang ang sumagot sa mga tanong.Nagtanong si James, “May lamat ba sa seal ng Overworld? Lumulusot ba sa lamat ang mga taga Overworld para makapasok sa Earth?”Tumango si Xain, “Oo. May lamat sa seal ng Overworld. Ang pagpasok dito ay magdadala sa kanila patungo sa Earth.”Nagtanong muli si James, “Marami ba na mga tagalabas ang papasok sa Earth?”Tumango si Xain, “Tama. Sa kasamaang palad, hindi madali na pumasok sa lamat para makarating sa Earth. Marahil mga nasa isang daan lamang ang makakatawid, kung saan ang iba ay mamamatay sa proseso.”Nakahinga ng maluwag si James.Pagkatapos, nagtanong siya muli, “Anong cultivation rank mo?”Sumagot ng totoo si Xain, “Nasa Supernatural Consummation rank ako at malapit na maging Herculean.”Matapos ito marinig, nabigla si James.Hindi niya inaasahan kung anong pakiram
Gusto matutunan ni Xain ang cultivation method ni James.Alam niya na maraming ninuno ang Earth na nag-iwan ng makapangyarihang mga martial arts. Ang suspetya niya ay nakakuha si James ng isa dito.Seryoso ang ekspresyon ni James.Hindi pa siya nakakapagdesisyon.Matapos makita ang alinlangan ni James, nagsalita si Xain, “Huwag ka mag-alala. Sinisigurado ko sa iyo na tutuparin ko ang pangako ko. Matapos mo ibigay ang martial arts cultivation method sa akin, sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo simula sa puntong ito. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo kahit na magbukas ang seal ng Earth.”Habang sinusubukan kumbinsihin ni Xain si James, nag-iisip si James kung papatayin ba niya si Xain gamit ang signature martial arts niya kaysa tanggapin ang pasakit na siya ang magtuturo ng ganitong klaseng cultivation method sa kanya.Napakalakas ni Xain.Kung paghihinalaan siya ni Xain kahit na kaunti, siguradong hindi magtatagumpay ang mga plano niya.Para magtagumpay ang pagpatay kay Xain, kailangan
“Anong nangyayari? Bakit may makapangyarihan na enerhiya?”Naramdaman ng lahat ang enerhiya na nagmumula sa rurok ng bundok at nakaramdam ng takot.Creak!Ang bundok kung saan matatagpuan ang Floret Palace ay nagpakita ng senyales na guguho ito dahil sa lakas ng pressure mula sa enerhiya, at ang mga tao sa paanan ng bundok ay nagsimulang magpanic.“Masama ito! Takbo!”Nataranta sila at tumakbo.Pinagsanib ni James ang dalawang True Energy sa rurok ng bundok at guamwa ng bagong puwersa. Sinubukan niya itong kontrolin, pero masyado itong malakas at malaki para kontrolin niya.Hindi niya halos makontrol ang puwersang ito.“Haha!” tumawa ng parang baliw si Xain.Napakalakas ng enerhiya!Walang kapantay ang puwersang ito!Ang isang martial artist na hindi pa nagiging Supernatural ay kayang gamitin ang lakas na ito para mapalakas ng husto ang sarili niya.“Kahanga-hanga! Bilisan mo na at sabihin sa akin kung anong tawag dito, James.”Nanginig ang katawan niya sa sabik.Si Conrad at ibang mga
Gumuho ang bundok kung saan nakatayo noon ang Floret Palace.Lahat ng nasa dose-dosenang kilometro ay naglaho.Walang bakas ng buhay sa paligid kung saan nakatayo noon ang Floret Palace.“Patay na ba si James?”“Ginamit ba ni James ang signature martial art para patayin ang mga tagalabas?”Marami ang naguluhan sa nangyari.Matapos kumalma ang paligid, bumalik ang mga tumakas na martial artist para hanapin si James.Bigla, gumalaw ang isang parte ng bundok at isang duguan na katawan ang lumabas.Naupo ito at huminga ng malalim.“Itong g*go na to, halos mapatay niya ako.”Galit si Xain.Hindi niya inaasahan na aatakihin siya bigla ni James.Sapagkat harap harapan ang atake, hindi siya handa. Kahit na malakas siya, halos mamatay siya sa lapit niya.Sa oras na ito, puro dugo at pinsala siya.Sinuri niya ang paligid.Nasira ang lahat.Si Conrad at ibang mga martial artist ay naglaho ng parang bula.Sumingkit ang mga mata niya.Sa oras na ito, nilapitan siya ng mga martial artist.Matapos ma
Ang tao na ito ay ang custodian ng Chamber of Scriptures.Nasaksihan niya ang lahat ng nangyari sa Floret Palace.Isang nahihirapan na ekspresyon ang bumalot sa mukha niya habang pinapanood ang pagkaguho ng bundok.“Ginawa mo ang lahat para sa bansa mo at mga tao dito. Ikaw ang kumakatawan sa espirito ng mga ninuno ng Earth, at kailangan ng mundo ng mga kagaya mo. Kung takot ang lahat sa kamatayan, hindi sana maseseal ang Earth noon at masisira lamang.”Nagsalita ang custodian sa lakas na siya lamang ang nakaririnig.“Maipon kayo, soul fragments.”Gumalaw ang kamay niya at isang misteryosong marka ang napunta sa ere.Pagkatapos, isang hindi nakikitang puwersa ang umikot mula sa kamay niya.Ang puwersang ito ay naipon sa paligid at naipon sa lokasyon Floret Palace.Puti na mga ilaw ang nagpakita sa gumuhong lugar at lumutang sa ere, na lumikha ng mala multong itsura. Ang pigurang ito ay mabilis na nawala at lumipad patungo sa Mount Tai.Mabilis ang kilos ng pigurang ito at nagpakita sa
Si James ay isang sundalo.Ang tungkulin ng isang sundalo ay protektahan ang mga tao sa bansa.Nadevelop niya ang pakiramdam ng responsibilidad pagkatapos maglingkod sa militar nang higit sa sampung taon. Magwawakas ang mundo kung ang lahat ay umiwas sa panganib at tumanggi na humakbang."Tama ang sinabi mo." Malumanay na tumango ang custodian.Sumang-ayon siya sa sinabi ni James.Noong unang panahon, mayroong isang grupo ng mga tao na may parehong kaisipan. Sila ang dahilan kung bakit naligtas ang Earth."Ms.Custodian, may pagkakataon bang mabuhay ulit ako?"Tumingin si James sa custodian gamit ang maaninag niyang mga mata. Ayaw niyang tanggapin ang kanyang kapalaran. Marami pa siyang gustong gawin, at mas marami pa ang hindi pa niya nagagawa.Malumanay na sagot ng custodian, “Posible. ngunit, mas mabigat ang responsibilidad at pasanin na ipapataw sa iyo.”Desididong sumagot si James, “Gagawin ko ang lahat.”Ikinaway ng custodian ang kanyang kamay, at ang ilusyon na katawan
Saglit na nag-isip si James at sinabing, "Ang mga Outsiders ba mula sa Sealed Realm?"Marahang umiling ang custodian. “Kalimutan mo na. Hindi mo maiintindihan kahit sabihin ko sayo ng diretso. I-save namin ito para sa hinaharap. Dinala kita dito dahil plano kong gamitin ang Demonic Lotus para muling buuin ang iyong pisikal na katawan.""Ano?" Nakanganga ang incorporeal na bibig ni James.Tumingin siya sa madilim na kumikinang na lotus sa kanyang harapan at nagtanong, "Gagamitin mo ba itong lotus para gawing muli ang aking pisikal na katawan?"Tumango ang custodian at sinabing, “Tama. Nakuha ng mga ninuno ng Earth ang lotus na ito pagkatapos ng maraming paghihirap. Ito ay bahagi ng isang mas malaking plano, ngunit hindi ko masasabi sa iyo ang tungkol dito sa ngayon. Kung sasabihin ko sa iyo nang labis sa puntong ito, mas mapapabigat nito ang iyong pag-iisip. Ang masasabi ko sa iyo ay malapit ka nang makatanggap ng magandang pagkakataon kasama ng magandang kapalaran."Lumingon siya