Gaya ng inaasahan niya, pagkatapos niyang banggitin ang mga bagay na ito, lumambot ang ekspresyon ni Maxine.Sinimulan niyang utuin si Maxine para magsalita. Nagsimula siyang magtanong tungkol sa bata."Maxine, pinuntahan ka ba ni Thea? Inisip ba ni Thea na may namamagitan sa'ting dalawa kaya nag-away kayong dalawa, at 'yun ang dahilan kung bakit mo kinuha ang anak ko?" Ang tanong ni James."Hindi." Umiling si Maxine. "Kung ganun, bakit mo ginawa 'yun?" Nagtanong si James, at nagtaka. "Malapit tayo sa isa't isa. Magkasama nating hinarap ang mga pagsubok. Naging magkaibigan tayo sa mga pinagdaanan nating hirap. Bakit mo dinukot ang anak ko?" "Ano sa tingin mo?" Nakangiting tumingin si Maxine kay James.Sinusubukang alamin ni James kung ano ang iniisip ni Maxine. May hula na siya kung bakit iyon ginawa ni Maxine. Subalit, hindi niya ito pinaalam. "Maxine, hindi ko talaga alam. Tinuring kitang nakababata kong kapatid. Bakit mo ginagawa 'to?" "Kapatid?" Ngumisi si Maxine. "Hu
Hindi inasahan ni James na ganito kakaiba ang hihilingin ni Maxine. Huminto si Maxine sa tapat ng pinto at lumingon siya kay James na nanigas sa gulat at sinabi niya na, "Sa totoo lang, mas gusto ko na wala si Thea."Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at naglakad palayo. Pag-alis niya, tumingin si Cynthia kay James at nagtanong, "James, anong balak gawin ni Maxine?”Naglabas si James ng sigarilyo at sinindihan niya ito.Hinithit niya ang sigarilyo at umiling siya, at sinabing, “Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.”Hindi malaman ni James kung ano ang iniisip ni Maxine.Naiintindihan ni James na hilingin ni Maxine na pakasalan niya siya.Subalit, nakakapagtaka na sinusubukan din niyang hilahin sila Tiara at Cynthia sa gulong ito.Tumingin si Cynthia kay Tiara na nakaupo sa tabi nila at pinagalitan niya siya. “Ano bang iniisip mo, Tiara?! Bakit iniinis mo si Maxine? Kalokohan ang hilingin kay James na magpakasal sa tatlong babae.”“K-Kasi…”Agad na namula ang ma
Paglipas ng kalahating araw, nakarating si James sa Mount Tai.Inalala niya kung saan siya dumaan, at nagtungo siya sa bangin kung saan matatagpuan ang Chamber of Scriptures. Lumusong siya sa tubig, pumasok siya sa kweba sa ilalim, at nakarating siya sa labas ng Chamber of Scriptures. Binuksan niya ang pinto na gawa sa bato at pumasok siya sa unang palapag ng tore.Walang laman ang unang palapag ng tore.Sumigaw si James habang nakatingin siya sa paligid, “Ms. Custodian! Nandito ka ba, Ms. Custodian? Si James ‘to. Kailangan kitang makausap.”Swoosh!Noong sandaling iyon, mayroong puting liwanag na dahan-dahang bumaba sa lupa, at nakita niya ang imahe ng isang babae na nakasuot ng puting damit.Matangkad at maganda siya, at nagmumula sa kanya ang isang mala-diyosang aura.“Anong kailangan mo?”Malamig at kaaya-aya sa pandinig ang kanyang boses.Nagtanong si James, “Nasaan si Thea? Gusto ko siyang makita.”“Nililinis ni Thea ang kanyang Demonic Energy sa ilalim at hindi siya ma
Ipinitik ng custodian ng Chamber of Scriptures ang kanyang kamay, at isang malakas na pwersa ang bumugso mula sa kanyang kamay at bumalot kay James. Lumabo ang kanyang paningin at noong muli niyang minulat ang kanyang mga mata, nakabalik na siya sa unang palapag ng Chamber of Scriptures. Litong-lito si James. Hindi niya kayang pakasalan ang tatlong babae. Ang tanging magagawa niya ay ang hanapin si Winnie sa lalong madaling panahon. Pagkatapos niyang iligtas si Winnie, hindi na niya kailangang alalahanin ang mga pagbabanta sa kanya ni Maxine. Bigla niyang naalala ang Omniscient Deity. Malamang ang Omniscient Deity lang ang tanging tao na nakakaalam sa kinaroroonan ni Winnie maliban kay Maxine. Umalis si James sa Chamber of Scriptures at sumakay siya sa kanyang private plane papunta sa Mount Jade. Pagkalipas ng kalahating araw, nakarating ang private plane sa Mount Jade. Nakita ni James ang Omniscient Deity sa likod ng bundok. Suot niya ang puting damit na lagi niyan
Kabilang sa mga tao sa listahan ang Omniscient Deity, ang Prince of Orchid Mountain, si Tyrus, si James, at si Thea. Pagkatapos niyang basahin ang impormasyon, sumagot ang lalaking nakasuot ng kulay cyan na damit, "Sige. Isa-isa ko silang ididispatya. Tutal nandito na ako, mabuti pang makita ko ng maigi ang Earth."Hindi alam ni James na isa pang malakas na tao mula sa Overworld ang dumating sa Earth. Kumpara kay Conrad, higit na mas nakakatakot ang taong ito. Sa sobrang lakas niya, maging si Conrad ay kailangan siyang galangin dahil sa takot at pangamba. Noong mga sandaling iyon, dumating si James sa Cansington. Hindi siya agad bumalik sa villa ng mga Callahan pagdating niya. Sa halip, nagtungo siya sa bahay ni Cynthia.Pansamantala siyang nakituloy sa bahay niya at hindi niya tinawagan si Maxine.Naghintay si James ng balita mula kay Henry at sa Omniscient Deity.Paglipas ng tatlong araw, dumating ang Omniscient Deity sa Cansington.“Lord Omniscient, kamusta? May balit
Ang orihinal na plano ni James ay lokohin si Maxine upang makuha niya si Winnie. Magagawa niyang agawin si Winnie kay Maxine gamit ang lakas niya, at wala nang magagamit si Maxine laban sa kanya. Subalit, tumanggi si Maxine na pag-usapan ang tungkol dito at papayag lamang siyang makita ni James si Winnie pagkatapos ng tatlong taon. Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang phone, umupo si James sa sofa at nag-isip ng malalim. 'Anong dapat kong gawin? 'Kailangan ko ba talaga silang pakasalan? 'Hindi ko gagawin 'yun. 'Asawa ko si Thea. Hindi ako magpapakasal sa ibang babae.'“James.” Narinig niya ang boses ni Cynthia. Natauhan si James, lumingon siya kay Cynthia, at nagtanong, "Mhm? Anong problema?" "Anong sinabi ni Maxine?" Ang tanong ni Cynthia. Bumuntong hininga si James at sinabing, "Ayaw niyang makipagnegosasyon sa'kin at sinabi niya na ibabalik niya lang si Winnie pagkatapos ng tatlong taon na kasal kami. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Winnie, at nag-aalala ak
At nung iniisip pa lang ni James ang tungkol dito, nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Maxine. “Maghanda ka na. Magpapadala ako ng tao para samahan kayo nila Cynthia, at Tiara sa Floret Palace.”Pagkatapos magsalita ni Maxine, binaba na niya ang tawag ng hindi man lang binigyan si James ng pagkakataon na magsalita. Bakas ang pagod sa mukha ni James. Ngayon na humantong na ang lahat sa ganito, ang tanging magagawa na lang niya ay magpatuloy ng unti-unti. Subalit, ayaw niyang sumuko. Tinawagan niya si Delainey at sinabihan ito na gamitin ang mga koneksyon ng Mount Thunder Sect para hanapin si Winnie. Hindi nagtagal, dumating ang mga tao mula sa sekta ni Maxine. Sumunod si James at sumama ng walang gulo. Ang mga disipulo ng Floret Palace ay sinamahan ang tatlo sa sasakyan at hinatid ang mga ito sa airport. Doon, sumakay sila ng eroplano at nagtungo sa siyudad na kung nasaan ang Floret Palace. Ang Floret Palace ay isang sekta na itinatag ni Maxine sa loob ng hangganan
Hindi pinansin ni James si Maxine. “O siya, hindi na kita gagambalain pa. Maghanda ka na para sa kasal natin bukas. Kailangan mong maging masigla sa araw na iyon. Maraming mga martial artists ang dadalo, at mas makakabuti kung hindi ka magsusungit. Kung hindi, baka pagtawanan ka nila.” Ngumiti si Maxine at saka umalis. Parang walang katapusan ang gabi na iyon. Hindi makatulog si James at naghihintay sa anumang balita. Hindi siya nakatanggap ng anumang balit at lumipas ang gabi ng walang nangyayari. Umaga ng kinabukasan, isang disipulo ng Floret Palace ay pumunta kay James na may dalang puting damit. Gusto ni Maxine na magkaroon ng isang tradisyunal na kasal. Hindi sila tinaboy ni James at sinuot ang suit. Pagkatapos magbihis, sinamahan siya ng mga disipulo sa bulwagan ng Floret Hall. Marami nang mga tao sa bulwagan nung nakarating siya doon. Karamihan sa mga ito ay mga pamilyar na mukha. At nang magpakita si James, si Callan, na umiinom kasama ng ilang mga ta