Kabanata 1946
At nung iniisip pa lang ni James ang tungkol dito, nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Maxine.

“Maghanda ka na. Magpapadala ako ng tao para samahan kayo nila Cynthia, at Tiara sa Floret Palace.”

Pagkatapos magsalita ni Maxine, binaba na niya ang tawag ng hindi man lang binigyan si James ng pagkakataon na magsalita.

Bakas ang pagod sa mukha ni James. Ngayon na humantong na ang lahat sa ganito, ang tanging magagawa na lang niya ay magpatuloy ng unti-unti.

Subalit, ayaw niyang sumuko.

Tinawagan niya si Delainey at sinabihan ito na gamitin ang mga koneksyon ng Mount Thunder Sect para hanapin si Winnie.

Hindi nagtagal, dumating ang mga tao mula sa sekta ni Maxine.

Sumunod si James at sumama ng walang gulo.

Ang mga disipulo ng Floret Palace ay sinamahan ang tatlo sa sasakyan at hinatid ang mga ito sa airport. Doon, sumakay sila ng eroplano at nagtungo sa siyudad na kung nasaan ang Floret Palace.

Ang Floret Palace ay isang sekta na itinatag ni Maxine sa loob ng hangganan
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP