Ipinitik ng custodian ng Chamber of Scriptures ang kanyang kamay, at isang malakas na pwersa ang bumugso mula sa kanyang kamay at bumalot kay James. Lumabo ang kanyang paningin at noong muli niyang minulat ang kanyang mga mata, nakabalik na siya sa unang palapag ng Chamber of Scriptures. Litong-lito si James. Hindi niya kayang pakasalan ang tatlong babae. Ang tanging magagawa niya ay ang hanapin si Winnie sa lalong madaling panahon. Pagkatapos niyang iligtas si Winnie, hindi na niya kailangang alalahanin ang mga pagbabanta sa kanya ni Maxine. Bigla niyang naalala ang Omniscient Deity. Malamang ang Omniscient Deity lang ang tanging tao na nakakaalam sa kinaroroonan ni Winnie maliban kay Maxine. Umalis si James sa Chamber of Scriptures at sumakay siya sa kanyang private plane papunta sa Mount Jade. Pagkalipas ng kalahating araw, nakarating ang private plane sa Mount Jade. Nakita ni James ang Omniscient Deity sa likod ng bundok. Suot niya ang puting damit na lagi niyan
Kabilang sa mga tao sa listahan ang Omniscient Deity, ang Prince of Orchid Mountain, si Tyrus, si James, at si Thea. Pagkatapos niyang basahin ang impormasyon, sumagot ang lalaking nakasuot ng kulay cyan na damit, "Sige. Isa-isa ko silang ididispatya. Tutal nandito na ako, mabuti pang makita ko ng maigi ang Earth."Hindi alam ni James na isa pang malakas na tao mula sa Overworld ang dumating sa Earth. Kumpara kay Conrad, higit na mas nakakatakot ang taong ito. Sa sobrang lakas niya, maging si Conrad ay kailangan siyang galangin dahil sa takot at pangamba. Noong mga sandaling iyon, dumating si James sa Cansington. Hindi siya agad bumalik sa villa ng mga Callahan pagdating niya. Sa halip, nagtungo siya sa bahay ni Cynthia.Pansamantala siyang nakituloy sa bahay niya at hindi niya tinawagan si Maxine.Naghintay si James ng balita mula kay Henry at sa Omniscient Deity.Paglipas ng tatlong araw, dumating ang Omniscient Deity sa Cansington.“Lord Omniscient, kamusta? May balit
Ang orihinal na plano ni James ay lokohin si Maxine upang makuha niya si Winnie. Magagawa niyang agawin si Winnie kay Maxine gamit ang lakas niya, at wala nang magagamit si Maxine laban sa kanya. Subalit, tumanggi si Maxine na pag-usapan ang tungkol dito at papayag lamang siyang makita ni James si Winnie pagkatapos ng tatlong taon. Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang phone, umupo si James sa sofa at nag-isip ng malalim. 'Anong dapat kong gawin? 'Kailangan ko ba talaga silang pakasalan? 'Hindi ko gagawin 'yun. 'Asawa ko si Thea. Hindi ako magpapakasal sa ibang babae.'“James.” Narinig niya ang boses ni Cynthia. Natauhan si James, lumingon siya kay Cynthia, at nagtanong, "Mhm? Anong problema?" "Anong sinabi ni Maxine?" Ang tanong ni Cynthia. Bumuntong hininga si James at sinabing, "Ayaw niyang makipagnegosasyon sa'kin at sinabi niya na ibabalik niya lang si Winnie pagkatapos ng tatlong taon na kasal kami. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Winnie, at nag-aalala ak
At nung iniisip pa lang ni James ang tungkol dito, nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Maxine. “Maghanda ka na. Magpapadala ako ng tao para samahan kayo nila Cynthia, at Tiara sa Floret Palace.”Pagkatapos magsalita ni Maxine, binaba na niya ang tawag ng hindi man lang binigyan si James ng pagkakataon na magsalita. Bakas ang pagod sa mukha ni James. Ngayon na humantong na ang lahat sa ganito, ang tanging magagawa na lang niya ay magpatuloy ng unti-unti. Subalit, ayaw niyang sumuko. Tinawagan niya si Delainey at sinabihan ito na gamitin ang mga koneksyon ng Mount Thunder Sect para hanapin si Winnie. Hindi nagtagal, dumating ang mga tao mula sa sekta ni Maxine. Sumunod si James at sumama ng walang gulo. Ang mga disipulo ng Floret Palace ay sinamahan ang tatlo sa sasakyan at hinatid ang mga ito sa airport. Doon, sumakay sila ng eroplano at nagtungo sa siyudad na kung nasaan ang Floret Palace. Ang Floret Palace ay isang sekta na itinatag ni Maxine sa loob ng hangganan
Hindi pinansin ni James si Maxine. “O siya, hindi na kita gagambalain pa. Maghanda ka na para sa kasal natin bukas. Kailangan mong maging masigla sa araw na iyon. Maraming mga martial artists ang dadalo, at mas makakabuti kung hindi ka magsusungit. Kung hindi, baka pagtawanan ka nila.” Ngumiti si Maxine at saka umalis. Parang walang katapusan ang gabi na iyon. Hindi makatulog si James at naghihintay sa anumang balita. Hindi siya nakatanggap ng anumang balit at lumipas ang gabi ng walang nangyayari. Umaga ng kinabukasan, isang disipulo ng Floret Palace ay pumunta kay James na may dalang puting damit. Gusto ni Maxine na magkaroon ng isang tradisyunal na kasal. Hindi sila tinaboy ni James at sinuot ang suit. Pagkatapos magbihis, sinamahan siya ng mga disipulo sa bulwagan ng Floret Hall. Marami nang mga tao sa bulwagan nung nakarating siya doon. Karamihan sa mga ito ay mga pamilyar na mukha. At nang magpakita si James, si Callan, na umiinom kasama ng ilang mga ta
”Tigil!”Sa mga sandaling iyon, isang boses ang umalingawngaw sa buong bulwagan.Ang lahat ay napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang tunog at nakita nila ang isang binata na pumasok sa bulwagan. Nakasuot siya ng isang pangkaraniwang coat at may hawak na ling sword. “Hindi ba’t siya si Sky mula Tacriyrus?”“Bakit siya nandito?”Maraming tao ang biglang nagbulungan tungkol sa biglaang paglitaw ni Sky. Napasimangot si Maxine nung nakita niya si Sky. Samantala, sumigla naman ang mukha ni James. May dumating para pigilan ang kasal. Tiningnan ni Maxine ang malungkot na Sky ng walang emosyon at malamig na tinanong, “Ano ang ibig sabihin nito, Sky?”Naglakad papasok si Sky ng bulwagan. Tiningnan niya si James, at saka tiningnan si Maxine, at tinanong, “Bakit?”Mahinahon na binalik ni Maxine ang tanong, “Ano ang ibig mong sabihin sa bakit?”Nagsimulang maiyak si Sky. “Hindi ba’t maayos naman kitang trinato nitong nakalipas na mga taon? Ngunit, balak mong pakasalan si
Nitong nakalipas na mga araw, ginamit ni Henry ang lahat ng koneksyon ng Dragonville kasama ang tulong ng Sol, at sa wakas ay nagawa niyang matunton ang kinaroroonan ni Winnie. Ngayon, kailangan na lang nila ng dalawang oras para iligtas si Winnie. Kailangan lang ni James na bigyan sila ng dalawang oras para magawa ito. Makalipas ang dalawang oras, ang buong gusot na ito ay matatapos na rin. Mahinahon na tinapos ni James ang tawag. Sa mga sandaling iyon, hinawakan ni Sky ang kanyang long sword sa loob ng bulwagan ng Floret Palace at tiningnan si Maxine. Ang mahabang buhok ni Maxine ay sumayaw sa hangin. Kaswal niyang kinumpas ang kanyang kamay, at isang itim na espada ang lumipad papunta sa kanya mula sa labas. Nasalo niya ang espada, at nanginig ito habang nakatutok ito kay Sky. “Layas!”Nakatitig pa rin si Sky kay Maxine. Nadurog ang kanyang puso. Sa lahat ng mga taon na nabuhay siya, hindi pa siya nagkagusto sa kahit na sinong babae.Noon ay tinulungan niya si
Guusto niya na sabihin sa kanya mismo ni Maxine ang kinaroroonan ni Winnie. Kung hindi, mapipilitan siyang harapin ito at gamitan ng dahas para pigilan ito na gumawa pa ng anumang gulo sa hinaharap. “Haha…”Tumawa na parang isang baliw si Maxine.“Isa lang ba itong palabas?”Ang mga bisitang nagtipon sa bulwagan ay nagulantang, nagtataka kung ano ang nangyari. “Anong nangyayari?”“Mukhang may pinagtatalunan sila.”“Paano nauwi sa ganito ang isang masayang wedding reception?”“Winnie? Bakit naman nabanggit nila si Winnie? Dinukot ba ni Maxine ang anak ni James at ginamit ito para pilitin si James na pakasalan siya?” Marami ang nagsimulang mag-diskusyon ng pabulong. Tiningnan ni James ang galit na Maxine at seryosong sinabi, “Tatanungin kita sa huling pagkakataon. Nasaan si Winnie?”Binigyan niya ito sa ng isa pang pagkakataon. Gusto niyang maniwala sa kanyang puso na hindi masama si Maxine at nabubulagan lang ito ng pag-ibig nito para sa kanya. “James..”Tiningna