Kahit na ibalik niya ang mga pagmamay-ari ni James, walang kasiguraduhan na hindi siya papatayin ni James.Si Thomas na nagpapanggap na si Ezekiel ay tumingin kay Lucjan at sinabing, “Wala kang pagpipilian. Hindi mo ba nakita kung gaano kalakas si James? Maging si Tobias na humigop sa kapangyarihan ng napakaraming mga martial artist ay walang laban sa kanya. Iniisip mo ba talaga na matatalo natin siya?”Naging malagim ang ekspresyon ng First Blood Emperor.Alam niya kung gaano kalakas si James. Hindi lang niya maisip kung paano nagawa ni James na ibalik ang kanyang lakas sa loob ng napakaikling panahon.“Paano niya nagawang ibalik ang kanyang lakas…?”Rumble!Isang matinding labanan ang naganap sa labas ng kweba.“Lalaban ako hanggang sa huli.”Habang hawak ang Blade of Justice sa kanyang kamay, sumugod sa labas si Lucjan.Nang makita niya ito, sinubukan siyang sundan ng First Blood Emperor. Subalit, pinigilan siya agad ni Ezekiel ay sinabing, “Gusto mo na bang mamatay?”“Kun
Sumugod si Lucjan sa labas dala ang Blade of Justice. Subalit, si Thomas, na nagpapanggap na si Ezekiel, at ang First Blood Emperor ay piniling tumakas. Noong napansin nita na nawawala ang dalawa, nagdesisyon na din si Lucjan na tumakas. Kung sabagay, wala siyang laban kay James kung mag-isa lang siya. Sa may labasan ng bundok sa Divine Sword Villa… Lumabas si Ezekiel at ang First Blood Emperor. “Iiwan na lang ba talaga natin si Lucjan?” Lumingon ang First Blood Emperor at tumingin siya sa kweba sa likod nila. Ang sabi ni Ezekiel, “Ano pa bang magagawa natin? Sinabi ko sa kanya na wala tayong laban kay James kahit na magtulungan pa tayo. Mapapahamak lang tayo kapag bumalik pa tayo.”“Paano ang Dragonslayer?”Ang sabi ni Ezekiel, “Huwag kang matakot. Di magtatagal ay mabubuo na ang Dragonslayer. Pwede tayong bumalik at nakawin ang espada mula sa Divine Sword Villa.”Noong narinig niya ito, napanatag ang First Blood Emperor.Fwoosh!Noong sandaling iyon, may narinig silang
Bumaba si James mula sa langit at tinapakan niya ang dibdib ni Lucjan.Inangat ni Lucjan ang kanyang palad upang atakihin si James, na mabilis namang kumilos at sinalubong ang atake niya. Tumilapon sa ere si James sa lakas ng salpukan ng kanilang atake, habang lalo namang nadikdik sa lupa si Lucjan. Kahit na sugatan siya, may kakayahan pa siyang lumaban. Sinamantala niya ang pagkakataon, at nagmadali siyang tumakas.Nang makita niya ito, sumugod si James palapit sa kanya at hinablot ni James ang kanyang braso, at nahila ito ng malakas ni James dahil dito.Krak!Maririnig ang tunog ng mga nabaling buto.Pinunit ni James ang braso ni Lucjan.“Argh!!!”Isang napakalakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong lugar. Namilipit sa sakit ang mukha ni Lucjan. Sa kabila nito, binalewala niya ang sakit at nagmadali siyang tumakas.Fwoosh! Sa isang kisapmata, sumulpot si James sa harap niya at hinarangan ang kanyang daanan.Tumulo ang dugo mula sa naputol na braso ni Lucjan habang nakatin
”Hayy…”Bumuntong-hininga si Callan.Medyo nalungkot siya noong narinig niya ang balita tungkol sa pagkamatay ni Lucjan. Si Callan ang dating Sect Leader ng Gu Sect, at sumumpa siya na ipaghihiganti niya ang mga namatay niyang kasamahan noong panahon ng digmaan laban sa Gu Sect. Hanggang ngayon, may sama pa rin siya ng loob sa nangyari. Minsan, naiisip niyang ituloy ang kanyang paghihiganti. Subalit, naglaho na ang determinasyon niya. Pinagkatiwalaan niya si Lucjan. Kahit na trinaydor niya siya, naiintindihan ni Callan ang dahilan kung bakit iyon ginawa ni Lucjan.“Anong problema?” Nang makita niya ang malungkot na ekspresyon ni Callan, nagtanong si James.“Wala lang.”Umiling si Callan at sinabing, “Oo nga pala, ano na ang balak mong gawin?”Ang sabi ni James, “Ngayong nabawi ko na ang Crucifier, kailangan ko nang bumalik agad upang iligtas si Thea. Malubha rin ang mga sugat ni Maxine. Kailangan nila ang tulong ko.”“Mhm.” Tumango si Callan at sinabing, “Kung ganun, dapat bum
Kapag napalabas na ang tunay na kakayahan nito, ang sinuman, kahit na gaano pa kalala ang kanyang mga sugat, ay maaaring buhayin nito. “Babalik ako sa loob ng ilang araw. Kailangan ko munang umuwi at tingnan ang kondisyon ni Thea.”Nag-aalala si James kay Thea. Kaya naman, pagkatapos magkaroon ng malay si Maxine, umalis na siya.Di nagtagal, nakauwi na siya. Pagdating sa bahay, agad niyang binuksan ang pinto at naglakad siya papasok. Subalit, wala si Thea sa sala.Umakyat siya sa taas at binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto. Doon, nakaupo si Thea sa kama ng naka lotus position. Noong sandaling iyon, nagmumula sa kanya ang isang nakakatakot na aura, at pulang-pula ang kanyang mga mata. Noong nakita niya ang itsura ni Thea, maging si James ay hindi mapigilang mangilabot.“Thea…”Tinawag niya si Thea.Doon lamang natauhan si Thea. Humupa ang nakakatakot niyang aura, at bumalik sa normal ang kanyang mga mata. Tumayo siya, tumingin siya kay James at ngumiti siya. “Nakabalik ka
Ngayong patay na si Lucjan, ito ang perpektong pagkakataon upang kumilos laban sa Gu Sect.Tumingin si James kay Thea at sinabing, “Kakausapin ko si Maxine tungkol sa sitwasyon sa Capital bago ako gumawa ng plano.”Kahit na posibleng sumama ang loob ni Thea kapag narinig niya siya na banggitin ang pangalan ni Maxine, si Maxine na ngayon ang may kontrol sa mga Caden at may taglay na malaking awtoridad sa Capital at maging sa Orient Commerce. Walang alam si James tungkol sa sitwasyon sa Capital. Kaya naman, kailangan niyang maging handa para sa kahit ano. “Kung ganun, umalis ka na.”Nakangiting sinabi ni Thea na, “Alam mo, mabuting babae si Maxine. Dapat maging malapit ka sa kanya.”Tumingin si James kay Thea. Noong sandaling iyon, hindi niya maintindihan kung anong sinasabi ni Thea.Tumayo si Thea at inayos niya ang damit ni James bago niya sinabi ng may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha na, “Sa kondisyon ko, hindi na ako magtatagal. Kapag wala na ako, kakailanganin mo ng tao
Nanghihinang sumagot si Maxine, “O-Okay lang ako… Kailangan ko bumalik ng headquarters para magorganisa ng meeting at ianunsyo ang pag pullout ng mga Caden mula sa Orient Commerce, pati na din ang pagsali ni James sa New Era Commerce.”“Sa ganyan na estado mo?” kumunot ang noo ni Bennett.“M-Magpasama ka na lang ng mga tao…”“Sa tingin ko kailangan kita mismo dalhin doon,” sagot ni Bennett.Paano siya makakampante na hayaan si Maxine na pumunta doon sa kasalukuyan niyang estado?Bago pa tumungo si Maxine sa headquarters, nakipagkita na si James kay Quincy.Nakasuot ng pulang business attire si Quincy at isang pares ng pulang high heels. Kahit ang buhok niyang nakalugay ay kinulayan din ng pula. Mukhang gusto niya ang kulay na ito.“James,” malambing na bati niya pagpasok niya sa sasakyan.“Sa mga Sullivan,” utos ni James sa driver.Pagkatapos, tinignan niya si Quincy at nagtanong, “Anong sitwasyon sa New Era Commerce?”“Hindi na rin masama,” sagot ni Quincy. “Simula ng mapunta sa atin
Naghintay ang dalawa sa courtyard bago may matabang lalake na nagmamadaling lumapit ang nagpakita.Tumayo sa harap ni James ang lalake at magalang siyang binati, “Dapat ipinaalam mo muna sa akin ang pagdating mo, Mr. Caden. At kayong mga tao! Bakit hindi ninyo sila pinapasok pagdating nila?”“Please, mauna kayo, Mr. Caden,” Si Zaiden, ang Patriarch ng mga Sullivan, ay inimbitahan sila na pumasok.Matapos nila pumasok, nakahinga siya ng maluwag.Napagalaman ni Zaiden kung anong kayang gawin ni James, lalo na ang matinding labanan nila ni Tobias sa Mount Thunder Sect. Walang kapantay na si James. Hindi niya kayang maargabyado ang ganitong klase na tao.Sa foyer ng mga Sullivan…Nakatayo si Zaiden sa tabi.Tinignan siya ni James at sinabi, “Maupo ka, Zaiden.”At dito lamang naupo si Zaiden bagi niya tinignan si James at magalang na nagtanong, “Maaari ko ba malaman kung bakit kayo naparito sa mga Sullivan?”Ngumiti si James at sinabi, “Bakit? Hindi ba puwede na naparito lang ako para bumis