Kabanata 1601
Nanghihinang sumagot si Maxine, “O-Okay lang ako… Kailangan ko bumalik ng headquarters para magorganisa ng meeting at ianunsyo ang pag pullout ng mga Caden mula sa Orient Commerce, pati na din ang pagsali ni James sa New Era Commerce.”

“Sa ganyan na estado mo?” kumunot ang noo ni Bennett.

“M-Magpasama ka na lang ng mga tao…”

“Sa tingin ko kailangan kita mismo dalhin doon,” sagot ni Bennett.

Paano siya makakampante na hayaan si Maxine na pumunta doon sa kasalukuyan niyang estado?

Bago pa tumungo si Maxine sa headquarters, nakipagkita na si James kay Quincy.

Nakasuot ng pulang business attire si Quincy at isang pares ng pulang high heels. Kahit ang buhok niyang nakalugay ay kinulayan din ng pula. Mukhang gusto niya ang kulay na ito.

“James,” malambing na bati niya pagpasok niya sa sasakyan.

“Sa mga Sullivan,” utos ni James sa driver.

Pagkatapos, tinignan niya si Quincy at nagtanong, “Anong sitwasyon sa New Era Commerce?”

“Hindi na rin masama,” sagot ni Quincy. “Simula ng mapunta sa atin
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP