Matapos umalis, nakahinga na din ng maluwag si James. Nagsalita siya habang nakangiti, “Hindi ko inaasahan na magiging ganito kadali sa mga Sullivan.”Tumango si Quincy at sinabi, “Ngayon, ang mga Johnston na lang ang natitira sa Ancient Four. Kung makukuha din natin ang mga Johnston, mas malayo ang mararating ng New Era.”“Sa tingin ko hindi.” Umiling-iling si James at sinabi, “Hindi kami magkasundo ng mga Johnston. Hinding-hindi ko sila makukumbinsi. Sa totoo lang, magiging maganda sana kung hindi sila magiging hadlang sa akin.”Hindi kinunsidera ni James na makipagkampihan sa mga Johnston. Pinatay nga naman niya ang nakaraang Emperor at si Yaakov Johnston, ang Patriarch ng mga Johnston. Si Thea din, pinatay niya si Kennedy Johnston. Masyadong malalim ang galit ng mga Johnston sa kanila.”Nagtanong si Quincy, “Anong sunod na gagawin natin?”“Hahanapin ko ang Kng at makikipagkita kay Xavion Zachary.”“Paano naman ako?”Inisip ito ni James at sinabi, “Ganito na lang kaya? Magorganisa k
Magulong panahon ito sa Capital. Noon, ang military lang ang puntirya ni James. Ngayon, kahit ang commericial world damay na din. Simula sa araw na ito, magkakagulo na sa Sol. Ang ilan sa mga matagal ng naitaguyod na pamilya ay matatanggal mula sa kapangyarihan nila, samantalang ang iba na nagsisimula pa lang ay kukunin ang pagkakataon na ito para lumakas at mamuno. Sa palapit na koronasyon ng bagong King, marami silang makakamit dito.Sa puntong ito, sa tahanan ng mga Callahan sa Cansington…Sa buong oras na ito, patulyo ang pag-unlad ng mga Callahan sa Cansington. Dahil sa koneksyon nila kay James, agad sila na naging rising star sa Cansington. Kahit ang mga pamilya sa Capital kailangan maging magalang sa kanila.Samantala, binantayan ng mgabuti ng mga Callahan ang sitwasyon sa Capital. Dahil sa anunsiyo ng mga Caden at mga Sullivan na pagwithdraw mula sa Orient Commerce at pagsali sa New Era Commerce, hindi na napigilan ng mga Callahan ang pagnanasa nila.“Ama, ito na ang perpektong
Kahit na maraming mga tsismis na kumakalat kailan lang tungkol kay James, walang alam ang King sa kung gaano siya kalakas.Ngumiti si James at sinabi, “Naabot ko na ang Sixth Stair. Ang pagiging ninth rank grandmaster ay kaunting panahon na lamang.”Matapos ito marinig ni Gloom, na nasa likod ng King, napasagot siya, “Ano? Ang Sixth Stair?”Sapagkat martial artist siya, alam kung anong ibig sabihin ng mga salitang iyon. Sa pag abot ng Sixth Stair, marami na siyang nahigitan na martial artist noon unang panahon.Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Nahihirapan siya maniwala na si James, isang pangkaraniwang tao, ay naging nakakakilabot na sa loob lamang ng maikling panahon. Hindi ito kapani-paniwala. Paano siyang nagcultivate?Ngumiti si James at sinabi, “Okay na ba na ako na ang umasikaso nito?”“Oo.” Matapos mag-isip ng ilang sandali, nagsalita ang King, “Malapit na akong magbitiw, pero may pamilya pa din ako na dapat pakainin. Ang hiling ko lang ay bigyan mo ako ng ilang mga bene
Under house arrest si Xavion sapagkat ang impormasyon tungkol sa kanya ay may kinalaman sa next generation communications technology. Sinoman ang makakuha ng impormasyon ukol dito ay tiyak na makalalamang sa kanyang kakumpetensiya.Kahit na confined siya sa isang lugar, may kasiguraduhan ang kaligtasan niya. Bukod pa dito, kumportable ang buhay niya sa loob ng villa.“Ito ang lugar.”Itinuro ni Gloom ang villa sa harap nila at sinabi, “Naka isolate si Xavion mula sa mundo dito. Bukod pa doon, lihim siyang ipinadala ng King dito at walang interaction sa kahit na kanino sa mundong labas. Kahit na magugunaw na ang mundo, hinding hindi niya malalaman.”“Mhm, titignan ko.”Tumango si James at tumungo sa lokasyon ng villa.Mukhang walang bantay ang villa, kaya pumasok lang siya sa pinto sa harap. Pagkapasok sa villa, isang dulo ng espada ang agad na nakatutok sa kanya. Sa sobrang bilis niya kumilos, hindi agad nakaiwas si James.“Legend, si James ito.”Agad na lumapit si Gloom at sinabi, “Ip
Hindi matatalo ang Six Streams Blade niya. Napaisip si Gloom kung gaano kalakas ang Six Stream Blade ng mga Yada kumpara sa Thirteen Heavenly Swords ng mga Caden.Inobserbahan niya ang sitwasyon.Nakatayo si James sa isang sanga ng puno at nakatingin kay Legend na hindi kalayuan sa kanya. Pagkatapos, sumenyas siya na tila pinapauna siya at sinabi, “Tara na, umatake ka na hanggat may pagkakataon ka pa.”“Hmph! Walang galang!”Kahit marami ng nakita si Legend na aroganteng mga tao noon, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng katulad ni James.Ngumiti siya ng malamig.Pagkatapos, sa isang kisap mata, nagpakita siya sa harap ni James at humiwa siya gamit ang espada. Nanatili si James sa kinatatayuan niya. Sa oras na humiwa si Legend, inilabas niya ang Blade of Justice. Sa isang iglap, isang ginintuang kislap ang lumiwanag.Itinaas niya ang kamay niya at madaling naharangan ang atake ni Legend. Ngunit, sapagkat malakas ang puwersa ng atake niya, nasira ang sanga na kinatatayuan niya
Tinalo ng buong buo ni Tyrus si James. Matapos na alalahanin ang laban nila, napagtanto ni James na napakalalim ng martial arts niya.Sapagkat hindi na niya gusto aksayahan ng laway ang bagay na ito, dumiretso na siya sa pakay niya, “Nasaan si Xavion? Gusto ko siya makita.”Itinuro ni Legend ang hagdan at sinabi, “Nasa taas siya. Dito, sundan mo ako.”Matapos ito sabihin, tumayo siya at sinabi, “Dito.”Sinundan siya ni James pataas ng hagdan.Pagdatin sa second floor, napansin ni James na maraming research equipment na makikita lamang madalas sa research laboratory. Samantala, may lalake na abala sa pagpindot sa computer.“Xavion, may naparito para makilala ka,” sagot ni Legend.“Sandali lang, okay?”Hindi man lang lumingon si Xavion.Ngumiti si Legend, “Abala siya simula ng dumating siya dito. Minsan, hindi pa siya kumakain dahil sa trabaho niya.”Sinulyapan ni James si Xavion at nakita ang nasa screen ng monitor. Ngunit, sapagkat may data doon na hindi alam ni James, hindi niya ito n
Kahit na hindi siya makapag interact sa mundo sa labas ng walang phone, may computer siya para tignan ang balita. Bukod pa doon, kinakausap siya ni Legend paminsan minsan tungkol sa mga nagaganap sa mundo sa labas.Tinignan niya si James at nagtanong, “Naparito ka ba para sa nasyon o para sa sarili mo?”“Para sa nasyon.” Tinignan siya sa mata ni James at sinabi, “Kung hindi para sa Sol, wala akong interest sa teknolohiya na nasa kamay mo.”Nagtanong si Xavion, “Paano mo balak makipagtulungan?”Nagsalita si James, “Scientist ka at businessman, kaya hindi mo masyadong alam ang sitwasyon sa Capital. Ikuwento ko muna kaya sa iyo ang tungkol dito?”Ipinaliwanag ni James ang mga nangyari—simula sa Orient Commerce, na itinalaga isang daang taon na ang nakararaan, hanggang sa kasalukuyan na mga koneksyon nito.Matapos ito, inulit niya muli, “Itinaguyod ko ang New Era Commerce para kalabanin ang Orient Commerce. Ngayon, malaki na ang narating nito, kailangan namin ng common interest para hindi
Mabilis na kumilos si Xavion. Gumawa agad siya ng backup ng data, sinira ang computer system ng research laboratory ng second floor, at sinira din ang minotr at mga hard drive ng pira piraso.Pagkatapos, sumakay ng eroplano si James patungo sa Sol kasama si Xavion at nilisan ang Mascuoyae.Hindi nagtagal, dumating sila ng Sol. Sapagkat mahalaga si Xavion sa mga plano nila, isinama siya ni James sa residence ng mga Caden para makasama niya agad ang stepdaugher niya. Kahit na inampon lang niya si Delilah, maganda ang trato niya dito.Matapos ihatid si Xavion sa tahanan ng mga Caden, bumalik si James sa kanila at tinignan ang lagay ni Thea. Sa kabutihang palad, hindi ito lumala.“Okay lang ako, Darling,” sagot ni Thea habang nakangiti. “Oo nga pala, hindi ba at pumunta ka ng Mascuoyae? Naisama mo ba pabalik ang lalake?”“Oo, nasama ko. Kailangan ko hanapin si Quincy para pag-usapan namin ang sunod na parte ng plano.”“Oo nga pala, may kailangan ako sabihin sa iyo,” nag-aalinlangan na sago