”Hayy…”Bumuntong-hininga si Callan.Medyo nalungkot siya noong narinig niya ang balita tungkol sa pagkamatay ni Lucjan. Si Callan ang dating Sect Leader ng Gu Sect, at sumumpa siya na ipaghihiganti niya ang mga namatay niyang kasamahan noong panahon ng digmaan laban sa Gu Sect. Hanggang ngayon, may sama pa rin siya ng loob sa nangyari. Minsan, naiisip niyang ituloy ang kanyang paghihiganti. Subalit, naglaho na ang determinasyon niya. Pinagkatiwalaan niya si Lucjan. Kahit na trinaydor niya siya, naiintindihan ni Callan ang dahilan kung bakit iyon ginawa ni Lucjan.“Anong problema?” Nang makita niya ang malungkot na ekspresyon ni Callan, nagtanong si James.“Wala lang.”Umiling si Callan at sinabing, “Oo nga pala, ano na ang balak mong gawin?”Ang sabi ni James, “Ngayong nabawi ko na ang Crucifier, kailangan ko nang bumalik agad upang iligtas si Thea. Malubha rin ang mga sugat ni Maxine. Kailangan nila ang tulong ko.”“Mhm.” Tumango si Callan at sinabing, “Kung ganun, dapat bum
Kapag napalabas na ang tunay na kakayahan nito, ang sinuman, kahit na gaano pa kalala ang kanyang mga sugat, ay maaaring buhayin nito. “Babalik ako sa loob ng ilang araw. Kailangan ko munang umuwi at tingnan ang kondisyon ni Thea.”Nag-aalala si James kay Thea. Kaya naman, pagkatapos magkaroon ng malay si Maxine, umalis na siya.Di nagtagal, nakauwi na siya. Pagdating sa bahay, agad niyang binuksan ang pinto at naglakad siya papasok. Subalit, wala si Thea sa sala.Umakyat siya sa taas at binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto. Doon, nakaupo si Thea sa kama ng naka lotus position. Noong sandaling iyon, nagmumula sa kanya ang isang nakakatakot na aura, at pulang-pula ang kanyang mga mata. Noong nakita niya ang itsura ni Thea, maging si James ay hindi mapigilang mangilabot.“Thea…”Tinawag niya si Thea.Doon lamang natauhan si Thea. Humupa ang nakakatakot niyang aura, at bumalik sa normal ang kanyang mga mata. Tumayo siya, tumingin siya kay James at ngumiti siya. “Nakabalik ka
Ngayong patay na si Lucjan, ito ang perpektong pagkakataon upang kumilos laban sa Gu Sect.Tumingin si James kay Thea at sinabing, “Kakausapin ko si Maxine tungkol sa sitwasyon sa Capital bago ako gumawa ng plano.”Kahit na posibleng sumama ang loob ni Thea kapag narinig niya siya na banggitin ang pangalan ni Maxine, si Maxine na ngayon ang may kontrol sa mga Caden at may taglay na malaking awtoridad sa Capital at maging sa Orient Commerce. Walang alam si James tungkol sa sitwasyon sa Capital. Kaya naman, kailangan niyang maging handa para sa kahit ano. “Kung ganun, umalis ka na.”Nakangiting sinabi ni Thea na, “Alam mo, mabuting babae si Maxine. Dapat maging malapit ka sa kanya.”Tumingin si James kay Thea. Noong sandaling iyon, hindi niya maintindihan kung anong sinasabi ni Thea.Tumayo si Thea at inayos niya ang damit ni James bago niya sinabi ng may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha na, “Sa kondisyon ko, hindi na ako magtatagal. Kapag wala na ako, kakailanganin mo ng tao
Nanghihinang sumagot si Maxine, “O-Okay lang ako… Kailangan ko bumalik ng headquarters para magorganisa ng meeting at ianunsyo ang pag pullout ng mga Caden mula sa Orient Commerce, pati na din ang pagsali ni James sa New Era Commerce.”“Sa ganyan na estado mo?” kumunot ang noo ni Bennett.“M-Magpasama ka na lang ng mga tao…”“Sa tingin ko kailangan kita mismo dalhin doon,” sagot ni Bennett.Paano siya makakampante na hayaan si Maxine na pumunta doon sa kasalukuyan niyang estado?Bago pa tumungo si Maxine sa headquarters, nakipagkita na si James kay Quincy.Nakasuot ng pulang business attire si Quincy at isang pares ng pulang high heels. Kahit ang buhok niyang nakalugay ay kinulayan din ng pula. Mukhang gusto niya ang kulay na ito.“James,” malambing na bati niya pagpasok niya sa sasakyan.“Sa mga Sullivan,” utos ni James sa driver.Pagkatapos, tinignan niya si Quincy at nagtanong, “Anong sitwasyon sa New Era Commerce?”“Hindi na rin masama,” sagot ni Quincy. “Simula ng mapunta sa atin
Naghintay ang dalawa sa courtyard bago may matabang lalake na nagmamadaling lumapit ang nagpakita.Tumayo sa harap ni James ang lalake at magalang siyang binati, “Dapat ipinaalam mo muna sa akin ang pagdating mo, Mr. Caden. At kayong mga tao! Bakit hindi ninyo sila pinapasok pagdating nila?”“Please, mauna kayo, Mr. Caden,” Si Zaiden, ang Patriarch ng mga Sullivan, ay inimbitahan sila na pumasok.Matapos nila pumasok, nakahinga siya ng maluwag.Napagalaman ni Zaiden kung anong kayang gawin ni James, lalo na ang matinding labanan nila ni Tobias sa Mount Thunder Sect. Walang kapantay na si James. Hindi niya kayang maargabyado ang ganitong klase na tao.Sa foyer ng mga Sullivan…Nakatayo si Zaiden sa tabi.Tinignan siya ni James at sinabi, “Maupo ka, Zaiden.”At dito lamang naupo si Zaiden bagi niya tinignan si James at magalang na nagtanong, “Maaari ko ba malaman kung bakit kayo naparito sa mga Sullivan?”Ngumiti si James at sinabi, “Bakit? Hindi ba puwede na naparito lang ako para bumis
Matapos umalis, nakahinga na din ng maluwag si James. Nagsalita siya habang nakangiti, “Hindi ko inaasahan na magiging ganito kadali sa mga Sullivan.”Tumango si Quincy at sinabi, “Ngayon, ang mga Johnston na lang ang natitira sa Ancient Four. Kung makukuha din natin ang mga Johnston, mas malayo ang mararating ng New Era.”“Sa tingin ko hindi.” Umiling-iling si James at sinabi, “Hindi kami magkasundo ng mga Johnston. Hinding-hindi ko sila makukumbinsi. Sa totoo lang, magiging maganda sana kung hindi sila magiging hadlang sa akin.”Hindi kinunsidera ni James na makipagkampihan sa mga Johnston. Pinatay nga naman niya ang nakaraang Emperor at si Yaakov Johnston, ang Patriarch ng mga Johnston. Si Thea din, pinatay niya si Kennedy Johnston. Masyadong malalim ang galit ng mga Johnston sa kanila.”Nagtanong si Quincy, “Anong sunod na gagawin natin?”“Hahanapin ko ang Kng at makikipagkita kay Xavion Zachary.”“Paano naman ako?”Inisip ito ni James at sinabi, “Ganito na lang kaya? Magorganisa k
Magulong panahon ito sa Capital. Noon, ang military lang ang puntirya ni James. Ngayon, kahit ang commericial world damay na din. Simula sa araw na ito, magkakagulo na sa Sol. Ang ilan sa mga matagal ng naitaguyod na pamilya ay matatanggal mula sa kapangyarihan nila, samantalang ang iba na nagsisimula pa lang ay kukunin ang pagkakataon na ito para lumakas at mamuno. Sa palapit na koronasyon ng bagong King, marami silang makakamit dito.Sa puntong ito, sa tahanan ng mga Callahan sa Cansington…Sa buong oras na ito, patulyo ang pag-unlad ng mga Callahan sa Cansington. Dahil sa koneksyon nila kay James, agad sila na naging rising star sa Cansington. Kahit ang mga pamilya sa Capital kailangan maging magalang sa kanila.Samantala, binantayan ng mgabuti ng mga Callahan ang sitwasyon sa Capital. Dahil sa anunsiyo ng mga Caden at mga Sullivan na pagwithdraw mula sa Orient Commerce at pagsali sa New Era Commerce, hindi na napigilan ng mga Callahan ang pagnanasa nila.“Ama, ito na ang perpektong
Kahit na maraming mga tsismis na kumakalat kailan lang tungkol kay James, walang alam ang King sa kung gaano siya kalakas.Ngumiti si James at sinabi, “Naabot ko na ang Sixth Stair. Ang pagiging ninth rank grandmaster ay kaunting panahon na lamang.”Matapos ito marinig ni Gloom, na nasa likod ng King, napasagot siya, “Ano? Ang Sixth Stair?”Sapagkat martial artist siya, alam kung anong ibig sabihin ng mga salitang iyon. Sa pag abot ng Sixth Stair, marami na siyang nahigitan na martial artist noon unang panahon.Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Nahihirapan siya maniwala na si James, isang pangkaraniwang tao, ay naging nakakakilabot na sa loob lamang ng maikling panahon. Hindi ito kapani-paniwala. Paano siyang nagcultivate?Ngumiti si James at sinabi, “Okay na ba na ako na ang umasikaso nito?”“Oo.” Matapos mag-isip ng ilang sandali, nagsalita ang King, “Malapit na akong magbitiw, pero may pamilya pa din ako na dapat pakainin. Ang hiling ko lang ay bigyan mo ako ng ilang mga bene