Kabanata 1591
Hindi siya sinagot ng First Blood Emperor.

Totoong naabot na ng Grand Patriarch ng Blood Race ang ninth rank. Subalit, mula noong naabot niya ang realm na ito, hindi na siya nangialam sa mga pangyayari sa mundo. Maraming pagkakataon sa kasaysayan kung kailan muntik maubos ang Blood Race. Subalit, kailanman ay hindi na nangialam ang Grand Patriarch ng Blood Race. Imposibleng makumbinsi nila siya na patayin ang dragon kasama sila.

“Hindi natin kailangang magmadali.”

Kinumpas ni Ezekiel ang kanyang kamay at sinabing, “Pinili niya na huwag mangialam dahil hindi siya sigurado kung mananalo siya. Sa oras na makuha natin ang Dragonslayer, imposibleng hindi siya mangialam sa balak nating gawin.

“Isang dragon ang pinag-uusapan natin dito! May mga kayamanan sa buong katawan nito. Kailangan lang natin ng kaunti para sa mga sarili natin. Sa pagkakataong iyon, ang Blood Race ang pinaka makikinabang dito. Kampante ako na sasama siya sa’tin sa paggawa ng isang bagong mundo.”

Habang nagsasalit
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP