Hindi siya sinagot ng First Blood Emperor. Totoong naabot na ng Grand Patriarch ng Blood Race ang ninth rank. Subalit, mula noong naabot niya ang realm na ito, hindi na siya nangialam sa mga pangyayari sa mundo. Maraming pagkakataon sa kasaysayan kung kailan muntik maubos ang Blood Race. Subalit, kailanman ay hindi na nangialam ang Grand Patriarch ng Blood Race. Imposibleng makumbinsi nila siya na patayin ang dragon kasama sila. “Hindi natin kailangang magmadali.”Kinumpas ni Ezekiel ang kanyang kamay at sinabing, “Pinili niya na huwag mangialam dahil hindi siya sigurado kung mananalo siya. Sa oras na makuha natin ang Dragonslayer, imposibleng hindi siya mangialam sa balak nating gawin.“Isang dragon ang pinag-uusapan natin dito! May mga kayamanan sa buong katawan nito. Kailangan lang natin ng kaunti para sa mga sarili natin. Sa pagkakataong iyon, ang Blood Race ang pinaka makikinabang dito. Kampante ako na sasama siya sa’tin sa paggawa ng isang bagong mundo.”Habang nagsasalit
Pinasok nila James at Callan ang Divine Sword Villa upang hanapin ang mga bihag. Base sa obserbasyon ni Callan, katatapos lang ng isang matinding labanan sa lugar. Ang lahat ay namatay maliban sa ilang mga tao na nakaligtas. Samantala, malaki ang posibilidad na nakakulong sa loob ng Divine Sword Villa ang mga nakaligtas at nasa ilalim ng kontrol ng Gu venom. Wala sa kanilang nakakaalam ng eksaktong lokasyon ng mga bihag. Pagkatapos nilang maghiwalay, mabilis na kumilos sila James at Callan. Sa isang kisapmata, sumulpot si James sa may bubong ng isang gusali, pinag-isipan niyang maigi ang susunod niyang gagawin. Naniniwala siya na imposibleng mahanap niya ang mga bihag sa Divine Sword Villa, na mahigpit na binabantayan. Noong umaga, pinagyabang sa kanya ni Nehemiah ang tungkol sa napakalakas na kapangyarihan ng Dragonslayer. Naniniwala si James na hindi mabuti para kay Nehemiah na ipagyabang ang tungkol sa paglitaw ng Dragonslayer sa ganitong kritikal na sandali. Marahil ay sinusubu
Noong narinig niya ito, nagdilim ang ekspresyon ni Nehemiah. Paglipas ng ilang oras, tumango siya, “Oo.” Nagtanong si James, “Anong nangyari?”Pinagmayabang ni Nehemiah ang tungkol sa Dragonslayer kaninang umaga upang kunin ang atensyon ni James. Kalkulado niya ang pagbabalik ni James. Alam niya na hindi nagpunta dito sila James at Callan para lang makita ang Dragonslayer kundi para sa ibang bagay. Dahil hindi siya makaalis sa Divine Sword Villa, wala siyang magawa para makahingi ng tulong mula sa labas. Kaya naman, sinagot niya ng maayos ang tanong ni James. "Isang linggo ang nakakaraan, may mga hindi kilalang lalaki na sumugod sa Divine Sword Villa at pinatay ang halos lahat ng mga disipulo sa loob. Sa kabilang banda, ang mga Sect Elder naman ay binihag nila. Ang pakay ng mga taong ito ay ang paparating na Dragonslayer. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging alam ko lang ay malakas sila. Maging ang may-ari ng Divine Sword Villa ay natalo nila agad."Pagkasabi niya nun, tu
Pagkatapos nilang magplano, nagdesisyon sila James at Callan na kumilos ngayong gabi. Maghihiwalay sila. Kukunin ni James ang atensyon ng mga bantay at ni Lucjan, habang pupuslit naman si Callan at ililigtas niya ang mga bihag.Sa katahimikan ng gabi, halos lahat ng ilaw sa Divine Sword Villa ay nakapatay.Sa may daan sa bundok…Fwoosh! Isang tao ang bumaba mula sa langit at lumapag sa lupa.Ito ay si James.Agad na nakuha ng pagsulpot ni James ang atensyon ng mga disipulo ng Gu Sect.“Sinong nandiyan?”Agad na nilabas ng karamihan ang kanilang mga espada at sinugod nila si James. Dahil lahat sila ay mga fourth-rank grandmaster, mabilis ang mga kilos nila. Sa isang kisapmata, sumulpot sila sa harap ni James.Kinumpas ni James ang kanyang kamay, at naipon ang malakas na enerhiya sa kanyang palad. Pagkatapos, tumama ang enerhiya sa mga disipulo ng Gu Sect, na agad namang tumilapon. Bumagsak sila sa lupa at namilipit sa sakit. “Intruder alert!” Ang sigaw ng isang disipulo
Kahit na ibalik niya ang mga pagmamay-ari ni James, walang kasiguraduhan na hindi siya papatayin ni James.Si Thomas na nagpapanggap na si Ezekiel ay tumingin kay Lucjan at sinabing, “Wala kang pagpipilian. Hindi mo ba nakita kung gaano kalakas si James? Maging si Tobias na humigop sa kapangyarihan ng napakaraming mga martial artist ay walang laban sa kanya. Iniisip mo ba talaga na matatalo natin siya?”Naging malagim ang ekspresyon ng First Blood Emperor.Alam niya kung gaano kalakas si James. Hindi lang niya maisip kung paano nagawa ni James na ibalik ang kanyang lakas sa loob ng napakaikling panahon.“Paano niya nagawang ibalik ang kanyang lakas…?”Rumble!Isang matinding labanan ang naganap sa labas ng kweba.“Lalaban ako hanggang sa huli.”Habang hawak ang Blade of Justice sa kanyang kamay, sumugod sa labas si Lucjan.Nang makita niya ito, sinubukan siyang sundan ng First Blood Emperor. Subalit, pinigilan siya agad ni Ezekiel ay sinabing, “Gusto mo na bang mamatay?”“Kun
Sumugod si Lucjan sa labas dala ang Blade of Justice. Subalit, si Thomas, na nagpapanggap na si Ezekiel, at ang First Blood Emperor ay piniling tumakas. Noong napansin nita na nawawala ang dalawa, nagdesisyon na din si Lucjan na tumakas. Kung sabagay, wala siyang laban kay James kung mag-isa lang siya. Sa may labasan ng bundok sa Divine Sword Villa… Lumabas si Ezekiel at ang First Blood Emperor. “Iiwan na lang ba talaga natin si Lucjan?” Lumingon ang First Blood Emperor at tumingin siya sa kweba sa likod nila. Ang sabi ni Ezekiel, “Ano pa bang magagawa natin? Sinabi ko sa kanya na wala tayong laban kay James kahit na magtulungan pa tayo. Mapapahamak lang tayo kapag bumalik pa tayo.”“Paano ang Dragonslayer?”Ang sabi ni Ezekiel, “Huwag kang matakot. Di magtatagal ay mabubuo na ang Dragonslayer. Pwede tayong bumalik at nakawin ang espada mula sa Divine Sword Villa.”Noong narinig niya ito, napanatag ang First Blood Emperor.Fwoosh!Noong sandaling iyon, may narinig silang
Bumaba si James mula sa langit at tinapakan niya ang dibdib ni Lucjan.Inangat ni Lucjan ang kanyang palad upang atakihin si James, na mabilis namang kumilos at sinalubong ang atake niya. Tumilapon sa ere si James sa lakas ng salpukan ng kanilang atake, habang lalo namang nadikdik sa lupa si Lucjan. Kahit na sugatan siya, may kakayahan pa siyang lumaban. Sinamantala niya ang pagkakataon, at nagmadali siyang tumakas.Nang makita niya ito, sumugod si James palapit sa kanya at hinablot ni James ang kanyang braso, at nahila ito ng malakas ni James dahil dito.Krak!Maririnig ang tunog ng mga nabaling buto.Pinunit ni James ang braso ni Lucjan.“Argh!!!”Isang napakalakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong lugar. Namilipit sa sakit ang mukha ni Lucjan. Sa kabila nito, binalewala niya ang sakit at nagmadali siyang tumakas.Fwoosh! Sa isang kisapmata, sumulpot si James sa harap niya at hinarangan ang kanyang daanan.Tumulo ang dugo mula sa naputol na braso ni Lucjan habang nakatin
”Hayy…”Bumuntong-hininga si Callan.Medyo nalungkot siya noong narinig niya ang balita tungkol sa pagkamatay ni Lucjan. Si Callan ang dating Sect Leader ng Gu Sect, at sumumpa siya na ipaghihiganti niya ang mga namatay niyang kasamahan noong panahon ng digmaan laban sa Gu Sect. Hanggang ngayon, may sama pa rin siya ng loob sa nangyari. Minsan, naiisip niyang ituloy ang kanyang paghihiganti. Subalit, naglaho na ang determinasyon niya. Pinagkatiwalaan niya si Lucjan. Kahit na trinaydor niya siya, naiintindihan ni Callan ang dahilan kung bakit iyon ginawa ni Lucjan.“Anong problema?” Nang makita niya ang malungkot na ekspresyon ni Callan, nagtanong si James.“Wala lang.”Umiling si Callan at sinabing, “Oo nga pala, ano na ang balak mong gawin?”Ang sabi ni James, “Ngayong nabawi ko na ang Crucifier, kailangan ko nang bumalik agad upang iligtas si Thea. Malubha rin ang mga sugat ni Maxine. Kailangan nila ang tulong ko.”“Mhm.” Tumango si Callan at sinabing, “Kung ganun, dapat bum