Kabanata 1491
"Hindi lang sa ibang bansa."

Nagsalita si Delainey, "Nakatanggap ako ng balita mula sa ama ko kaninang umaga. Kagabi, maraming mga ancient martial family sa Sol ang inatake. Pinatay ang mga matatanda, habang naglaho maman ng parang bula ang mga kabataan."

Dahil si Thea ang Sect Leader ng Celestial Sect, alam niya ang tungkol sa nangyayari. Maraming mas maliliit na sect na kabilang sa mga sinalakay na sect ang sinuko ang mga sarili nila sa Celestial Sect. Subalit, nagkunwari siyang walang alam.

"Mapagkakatiwalaan ba ang pinagmulan ng impormasyon na 'yan?" Tumingin si Maxine kay Delainey.

Kahit na kabilang ang mga Caden sa Ancient Four at mataas ang awtoridad na taglay nila sa ancient martial world, wala pa siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa pangyayaring ito.

"Siguradong-sigurado."

Tumango si Delainey at sinabing, “Nakakalat sa buong Sol ang intelligence web ng Mount Thunder Sect. Iyon ang dahilan kung bakit mabilis akong nakatanggap ng balita.”

Nagging seryoso
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP