Bago pa matanong ni James si Thomas, naglaho na siya ng parang bula. Pag-alis ni Thomas, lumapit si Bennett kay James at tumingin siya sa pwesto kung nasaan si Thomas kanina habang bumubulong, "Lalo pa siyang lumakas ngayon."Si Bennett ay isang eighth-rank grandmaster. Sa kabila ng paggamit niya sa buong lakas niya, madaling nasalag ni Thomas ang atake niya. Hindi niya maisip kung gaano na ba talaga kalakas si Thomas sa kasalukuyan. "Mukhang totoo nga ang mga balita. Nakinabang ng husto si Thomas sa Spirit Turtle"Nagkibit-balikat si James.Wala talaga siyang masabi pagdating sa kanyang lolo na sandali lang nagpapakita bago magmadaling umalis. "Buti na lang dumating si Thomas." Bumuntong-hininga si Maxine. "Kung hindi siya dumating sa tamang oras, baka nabura na sa mapa ang mansyon ng mga Caden."Tumingin si James kay Bennett at nagtanong, "Ayos ka lang ba, Grand Patriarch?" Bahagyang kinumpas ni Bennett ang kanyang kamay at sinabing, "Bahagyang kumulo ang Blood Energy
Habang lumulutang at patuloy na umiikot sa ere, nagmula sa kanya ang isang nakakatakot na aura. Samantala, mayroon ding isang glamorosong babae na nasa underground basement. Siya si Yasmine Lee, ang kasalukuyang pinuno ng pamilya ng mga Lee.Ilang oras na niya siyang hinihintay. Subalit, nagpatuloy lamang si Xavi sa kanyang ginagawa at tila hindi niya siya napapansin. Kaya naman, wala siyang magawa kundi ang tumayo doon at tahimik na maghintay kay Xavi.Paglipas ng halos kalahating oras, naglaho ang enerhiyang bumabalot kay Xavi, at dahan-dahan siyang bumaba sa lupa. Noong sandaling iyon, mukhang mas bumata siya kaysa sa itsura niya noong kasagsagan ng Mount Thunder Conference.Pagmulat niya ng kanyang mga mata, tumayo siya at tumingin siya kay Yasmine na nasa harap niya, at sinabing, “Sinabi ko sa’yo na huwag mo akong aabalahin habang nasa closed-door meditation ako maliban na lang kung hindi na maganda ang sitwasyon.”“Grand Patriarch…”Niyuko ni Yasmine ang kanyang ulo.“Hin
Walang halaga ang makilala bilang pinakamalakas na tao sa mundo. Subalit, mula pa noong sinaunang panahon, hindi mabilang ang mga tao na nagbuwis ng mga buhay nila para sa titulong ito.Nais ni Xavi na maging pinakamahusay sa buong mundo. Gusto niyang tumayo sa pinakataas at tingalain siya ng iba. Subalit, napakaraming mga malalakas na mga martial artist sa mundo. Kaya naman, wala siyang magawa kundi ang manahimik at maghintay ng tamang oras sa ngayon.Samantala, pagkatapos niyang marinig ang utos ni Xavi, agad na inasikaso ni Yasmine ang mga bagay na kailangan niyang gawin. Agad niyang tinawagan si Maxine at sinabi niya sa kanya na balak ng mga Lee na ibenta ang lahat ng kanilang mga negosyo sa labas.“Ano?! Ibebenta niyo ang lahat?”Noong marinig niya ito, nagulat si Maxine.Ang Lee family ay isa sa Ancient Four. Sa nagdaang siglo, nakaipon sila ng napakalaking kayamanan sa pamamagitan ng kanilang mga negosyo. Isa pa, ang ekonomiya ng Sol ay nasa mga kamay ng Orient Commerce, na
“James…” Noong nakita niya si James, malambing siyang binati ni Delilah at tinanong, “Anong gusto mong inumin? Kape o tsaa?”“Tubig lang.”Umupo si James.Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Maxine at sinabing, “Kanina lang, pinuntahan ako ng pinuno ng mga Lee, na si Yasmine Lee. Sinabi niya sa’kin na balak ng Lee family na ibenta ang lahat ng mga negosyo nila sa mga Caden. Tsaka, balak nilang lisanin ang Capital at humanap ng liblib na lugar kung saan sila maaaring mamuhay ng tahimik.”Nagtatakang nagtanong si James, “Ano? Magtatago sila sa panahon ngayon?”Ang sabi ni Maxine, "Sa tingin ko natatakot silang madamay sa gulo. Kung sabagay, isa silang malaking pamilya na may daan-daang miyembro. Kapag nagkamali sila ng piniling panig, malaki ang magiging kapalit nito. Baka nga maubos pa sila. Iyon ang dahilan kung bakit balak nilang lisanin ang Capital." Nagtanong si James, "Anong klaseng mga negosyo ba ang mayroon ang mga Lee?" Ang sabi ni Maxine, "Hindi ko alam ang mga detalye,
”Sila nga ‘yun.” Tumango si Maxine at sumagot. “Maganda ‘yun!” Tuwang-tuwa si Quincy.Dahil nakikihalubilo siya sa maraming mga maimpluwensyang tao sa Capital, alam niya ang tungkol sa Orient Commerce at sa taglay nilang awtoridad. Ang haligi ng ekonomiya ng Sol ay nasa kamay ng Orient Commerce, na pinamumunuan ng pamilya ng mga Lee.“James kailangan mong makuha ang mga negosyo ng mga Lee anuman ang mangyari!”Masayang nagsalita si Quincy, “Ngayong naitatag na ang Chamber of Commerce, ang Dawn family ng hilaga at marami pang ibang mga negosyo ang sumali sa’tin. Kaso, bilang founder, kailangan nating magpakita ng lakas. Kapag nakuha natin ang mga negosyo ng mga Lee, makikilala tayo saan mang sulok ng mundo.”Sinimulang timbangin ni Quincy ang mga mabuti at masamang idudulot nito.Kaunti lang ang alam ni James tungkol dito. Malalim ang kanyang iniisip tungkol sa kung paano niya matagumpay na makukuha ang mga negosyo ng mga Lee.Di nagtagal, nakarating sila sa kanilang destinasyon
Tumango ng kaunti si James.Hindi na nanatili pa si Yasmine at nagmamadaling tumungo sa underground basement sa hardin para hanapin si Xavi.“Grand Patriarch.”Matapos dumating sa basement, yumuko siya.“May problema ba?” malamig na tanong ni Xavi.Sumagot si Yasmine, “Ganito kasi, Grand Patriarch. Inutusan mo ako na ibenta ang business ng pamilya, pero naniniwala ako na walang saysay ang pera na iyon sa atin. Kaya, kinontak ko si James at ipinaalam sa kanya na gusto ko ibenta ang business natin sa kanya. Ganito ang iniisip ko—puwede natin ibigay sa kanya ang business natin kapalit ang lihim ng four paintings na iniwan ng Prince of Orchid Mountain.”Matapos ito marinig, tumingala s Xavi.Ang four paintings na iniwan ng Prince of Orchid Mountain…Ipinaasa ito isang libong taon na ang nakararaan. Ang alamat tungkol dito ay naglalaman ito ng sikreto para maging immortal.Ngunit, ninakaw ang painting ng Lee family ng walang iba kung hindi si Thomas. Matagal na sana na sumugod si Xavi sa mg
Tinimbang ni James ang mga pagpipilian niya. Naniniwala siya na kapag sinabi niya kay Xavi ang lihim ng Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge at ang martial arts na nakatago dito kapalit ang yaman ng mga Lee ay isang magandang deal.Wala siyang pakielam kung matutunan ni Xavi ang martial arts na nakarecord sa Moonlit on Cliffside’s Edge sapagkat matinding True Energy ang kailangan dito. Bukod pa dito, kailangan ng lalake at babae na may True Yin at True Yang Energy para macultivate ito.Ngumiti ng mapait si Xavi at sinabi, “James, alam mo ba kung gaano kalaki ang yaman na naipon ng Lee family sa loob ng isang daang taon? Ang gusto ko lang ay ibalik mo ang sa amin at sabihin ang sikreto ng apat na painting. Hindi naman ito masyadong demanding?”“Hindi naman…” nagpatuloy si James, “Pero sapagkat wala sa akin ang painting, wala akong magagawa.”Matapos ito marinig, natahimik si Xavi.Naging tense ang paligid.Nanatiling tahimik si James at hinintay si Xavi na sabihin ang iniisip niya.Matap
Nagsalita si James, “Kailangan ko ipalit ang lihim ng Four Ancient Paintings para sa yaman ng mga Lee.”“Ako na ang bahala dito. Tutungo ako sa mga Lee dala ang Four Ancient Paintings at makipagkasundo kay Xavi. Kailangan mo lang naman kunin ang yaman nila para sa kanila.” Matapos niya ito sabihin, tumayo si Thomas at umalis.“Lolo, sandali lang!” sigaw ni James.Pero, naglaho na si Thomas na parang bula.Bumuntong hininga si James.“Oo nga pala…”Nagtanong si Quincy, “Makukuha ba natin si Xiomara para maging kakampi?”“Huh?”Tinignan ni James si Quincy.Nagsalita si Quincy, “Kailangan ko talaga ng mga assistant. Magaling si Xiomara. Mas magiging manageable ang workload ko kung mananatili siya. Bukod pa doon, mas alam niya ang sitwasyon sa Capital kaysa sa akin, kaya naniniwala ako na mas maganda na siya ang umasikaso nito kaysa sa akin.”Matapos ito marinig, tinignan ni James si Maxine at sinabi, “Tawagan mo si Yasmine at ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon.”“Okay.”Inilabas ni Maxine