”Sila nga ‘yun.” Tumango si Maxine at sumagot. “Maganda ‘yun!” Tuwang-tuwa si Quincy.Dahil nakikihalubilo siya sa maraming mga maimpluwensyang tao sa Capital, alam niya ang tungkol sa Orient Commerce at sa taglay nilang awtoridad. Ang haligi ng ekonomiya ng Sol ay nasa kamay ng Orient Commerce, na pinamumunuan ng pamilya ng mga Lee.“James kailangan mong makuha ang mga negosyo ng mga Lee anuman ang mangyari!”Masayang nagsalita si Quincy, “Ngayong naitatag na ang Chamber of Commerce, ang Dawn family ng hilaga at marami pang ibang mga negosyo ang sumali sa’tin. Kaso, bilang founder, kailangan nating magpakita ng lakas. Kapag nakuha natin ang mga negosyo ng mga Lee, makikilala tayo saan mang sulok ng mundo.”Sinimulang timbangin ni Quincy ang mga mabuti at masamang idudulot nito.Kaunti lang ang alam ni James tungkol dito. Malalim ang kanyang iniisip tungkol sa kung paano niya matagumpay na makukuha ang mga negosyo ng mga Lee.Di nagtagal, nakarating sila sa kanilang destinasyon
Tumango ng kaunti si James.Hindi na nanatili pa si Yasmine at nagmamadaling tumungo sa underground basement sa hardin para hanapin si Xavi.“Grand Patriarch.”Matapos dumating sa basement, yumuko siya.“May problema ba?” malamig na tanong ni Xavi.Sumagot si Yasmine, “Ganito kasi, Grand Patriarch. Inutusan mo ako na ibenta ang business ng pamilya, pero naniniwala ako na walang saysay ang pera na iyon sa atin. Kaya, kinontak ko si James at ipinaalam sa kanya na gusto ko ibenta ang business natin sa kanya. Ganito ang iniisip ko—puwede natin ibigay sa kanya ang business natin kapalit ang lihim ng four paintings na iniwan ng Prince of Orchid Mountain.”Matapos ito marinig, tumingala s Xavi.Ang four paintings na iniwan ng Prince of Orchid Mountain…Ipinaasa ito isang libong taon na ang nakararaan. Ang alamat tungkol dito ay naglalaman ito ng sikreto para maging immortal.Ngunit, ninakaw ang painting ng Lee family ng walang iba kung hindi si Thomas. Matagal na sana na sumugod si Xavi sa mg
Tinimbang ni James ang mga pagpipilian niya. Naniniwala siya na kapag sinabi niya kay Xavi ang lihim ng Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge at ang martial arts na nakatago dito kapalit ang yaman ng mga Lee ay isang magandang deal.Wala siyang pakielam kung matutunan ni Xavi ang martial arts na nakarecord sa Moonlit on Cliffside’s Edge sapagkat matinding True Energy ang kailangan dito. Bukod pa dito, kailangan ng lalake at babae na may True Yin at True Yang Energy para macultivate ito.Ngumiti ng mapait si Xavi at sinabi, “James, alam mo ba kung gaano kalaki ang yaman na naipon ng Lee family sa loob ng isang daang taon? Ang gusto ko lang ay ibalik mo ang sa amin at sabihin ang sikreto ng apat na painting. Hindi naman ito masyadong demanding?”“Hindi naman…” nagpatuloy si James, “Pero sapagkat wala sa akin ang painting, wala akong magagawa.”Matapos ito marinig, natahimik si Xavi.Naging tense ang paligid.Nanatiling tahimik si James at hinintay si Xavi na sabihin ang iniisip niya.Matap
Nagsalita si James, “Kailangan ko ipalit ang lihim ng Four Ancient Paintings para sa yaman ng mga Lee.”“Ako na ang bahala dito. Tutungo ako sa mga Lee dala ang Four Ancient Paintings at makipagkasundo kay Xavi. Kailangan mo lang naman kunin ang yaman nila para sa kanila.” Matapos niya ito sabihin, tumayo si Thomas at umalis.“Lolo, sandali lang!” sigaw ni James.Pero, naglaho na si Thomas na parang bula.Bumuntong hininga si James.“Oo nga pala…”Nagtanong si Quincy, “Makukuha ba natin si Xiomara para maging kakampi?”“Huh?”Tinignan ni James si Quincy.Nagsalita si Quincy, “Kailangan ko talaga ng mga assistant. Magaling si Xiomara. Mas magiging manageable ang workload ko kung mananatili siya. Bukod pa doon, mas alam niya ang sitwasyon sa Capital kaysa sa akin, kaya naniniwala ako na mas maganda na siya ang umasikaso nito kaysa sa akin.”Matapos ito marinig, tinignan ni James si Maxine at sinabi, “Tawagan mo si Yasmine at ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon.”“Okay.”Inilabas ni Maxine
Si Thea, na nasa tabi ni James, ay sinubukan pigilan ang pagngisi niya.Paano magkakaroon ang Mount Thunder Sect ng ganito na intelligence-gathering skills? Ang Celestial Sect ang nakatuklas nito. Hindi niya alam kung paano ipapaalam kay James ang tungkol dito kaya isiniwalat niya ito sa Mount Thunder Sect, na magdadala ng balita kay James.“Mhm, tatawagan ko si Ama agad.”Agad na tinawagan ni Delainey si Jackson. Sinabi niya sa kanya na handa na si James para kumilos. Ipinaalam din niya na gusto ni James makontak ng Mount Thunder Sect ang iba’t ibang mga pamilya at sect sa ancient martial world para lihim na magtipon sa Malgudi.Matapos ito marinig, naghanda na si Jackson.“James, sabi ng Ama ko na maghahanda na siya agad. Lahat ng ancient martial artist ng Sol ay magtitipon sa loob ng tatlong araw. Ngunit, hindi natin maaaring hindi isama ang Celestial Sect. Hindi ba at kilala mo ang White Eagle ng Celestial Sect? Sa tingin ko dapat mo ipaalam sa Celestial Sect at imbitahan din ang S
Nagpapasalamat si James.Matapos kumbinsihin si Bennett, tinawagan niya si Callan. Simula ng mamaalam sila sa isa’t isa sa Durandal, hindi pa nakikita ulti ni James si Callan. Hindi niya alam kung nasa Capital siya sa mga oras na ito.Hindi nagtagal, nakarating ang tawag.“Anong problema, James? Bakit ka tumatawag ng ganitong oras? May nangyari ba?”“Nasaan ka ngayon, Callan?”Sumagot si Callan, “Nasa Divine Sword Villa ako sa ngayon.”“Anong ginagawa mo dyan?”“Sinusubukan ko ayusin ang Excalibur, siyempre. Ang Divine Sword Villa lang nag may kakayahan na ayusin ang espadang ito sa buong mundo. Pumayag lang ang may-ari ng lugar na ayusin ang Excalibur kung matatalo ko siya sa isang duwelo. Ngunit, natatakot na baka matagalan pa bago ito maayos. Hindi ito matatapos sa loob lang ng ilang taon.”“Ganito kasi, balak ko kumilos laban sa Gu Sect…”Ikinuwento ni James kay Callan ang mga naganap.Matapos ito marinig, natahimik ang kabilang linya.Matapos ang ilang sandali, nagsalita si Callan
Matapos sabihin sa kanya ni Callan na huwag magpadalos-dalos, wala ng tinawagan pa si James. Matapos bumalik sa bahay, nagpahinga siya.Sa kuwarto niya noong gabi…Yakap ni Thea si James at nagtanong, “Darling, kailan tayo pupunta sa Malgudi?”Nagsalita si James, “Maghihintay tayo ng balita sa Mount Thunder Sect. Sa oras na matapos ang diskusyon namin ni Callan bukas, tutungo ako sa Mount Thunder Sect at makikipagkita kay Jackson Cabral.”Nagsalita si Thea, “Pakiramdam ko may mali.”Nagtanong si James, “Bakit? Anong problema?”Ang Celestial Sect ang nakatuklas nito. Ngunit, nag-aalala si Thea tungkol sa paraan ng pag-iimbestiga nila. Ang impormasyon na ito ay natuklasan ng disipulo ni ng Celestial Sect na pinasok ang Gu Sect. Ang bagay na ito ay isa sa mga matinding lihim ng Gu Sect, na mga high-ranking members lang ang dapat na nakakaalam. Pero, nalaman ng Celestial Sect ang tungkol sa impormasyon na ito ng walang kahirap-hirap. Marahil ang balak nila ay palabasin si James at mga anci
Gayunpaman, si Callan pa din ang isa sa pinakamakapangyarihan sa buong mundo.“Nasaan si Thomas?” tanong ni Callan.Umiling-iling si James at sinabi, “Hindi ko siya makontak. Mahirap siyang hanapin. Hindi mo malalaman kung nasaan siya sa mga oras na ito. Sa tuwing aalis siya, hindi ko siya makita kahit paano ko siya hanapin.”“Hahaha!”Isang tawa ang maririnig mula sa labas.Pagkatapos, bumukas ang pinto.Isang lalake na nakaputi na robe ang pumasok.Matapos makita ang lalake, umirap si James at nagtanong, “Lolo, nasa tabi lang ba kita palagi? Paano mo nagagawang magpakita sa tuwing binabanggit ko ang pangalan mo?”Lumapit si Thomas sa tabi ni James at umupo, nagsalita siya habang nakangiti, “Kung hindi dahil sa akin na pumoprotekta sa iyo mula sa dilim, matagal ka ng patay.”Lolo, narinig mo na siguro ang plano ko papunta sa Malgudi.”Matapos ito marinig, naging malagim ang itsura ni Thomas. Pagkatapos, tumango siya at sumagot, “Oo.”“Anong opinyon mo tungkol dito?” tanong ni James.“