Walang takot pumatay si Tobias. Papatayin niya ang sinumang humadlang sa daraanan niya, maging ang sarili niyang ama. Kahit na medyo wala na siya sa katinuan, rasyonal pa rin siyang mag-isip. Binalaan niya si Lorenzo na huwag nang mangialam sa problema ng pamilya.“Kinalulungkot ko na hindi ko magagawa ‘yun.”Hindi natakot si Lorenzo. Nakaupo siya sa kanyang wheelchair at tinuro niya si Maxine, at sinabing, “Pinili ko si Maxine bilang pinuno ng pamilya\, kaya siya ang magiging pinuno ng pamilya. Tobias, itinakwil ka na ng pamilya. Hindi ka na isang Caden. Lumayas ka sa paningin ko ngayon din.”“Binalaan kita…”Sa isang kisapmata, sumulpot si Tobias sa harap ni Lorenzo.Subalit, noong sandaling iyon, isang tao ang sumulpot sa may pinto. Noong nakita niya ang tao sa pinto, namutla ang mukha ni Tobias na para bang nakakita siya ng multo. Napaatras siya, at nautal, “I-Ikaw…! P-Paanong nangyari ‘to?”Hindi makapaniwala si Tobias sa kanyang nakikita.Isang matandang lalaki ang dahan-d
Samantala, lumutang sa ere ang wheelchair ni Lorenzo. Nagsimulang makipaglaban si Bennett kay Tobias. "Hahaha… Ang ganda ng palabas!" Noong sandaling iyon, isang boses ang kanilang narinig, at isang matandang lalaki ang sumulpot sa pinakatuktok ng courtyard ng mga Caden. Ito ay si Thomas Caden. Noong sandaling iyon, hindi na puti ang kanyang buhok, at mukhang mas bata na ang itsura niya ngayon. Tila bumalik ang itsura niya noong kabataan niya. Umupo si Thomas sa pinakatuktok ng courtyard ng mga Caden at pinanood niya ang laban sa pagitan nila Tobias at Bennett, at sinabi niya na, "Akala ko mas matino na sila ngayong matatanda na sila. Bakit kailangan nilang gumamit ng dahas? Hindi ba sila pwedeng umupo at pag-usapan ang mga bagay sa maayos na paraan?”“Lolo!”Noong nakita niya si Thomas, nagkaroon ng ngiti sa mukha ni James.Matagal na hindi nagpakita ang kanyang lolo. Isang beses lang siyang nagpakita noong nasa Durandal sila. Subalit, nagmadali siyang umalis pagkatap
Bago pa matanong ni James si Thomas, naglaho na siya ng parang bula. Pag-alis ni Thomas, lumapit si Bennett kay James at tumingin siya sa pwesto kung nasaan si Thomas kanina habang bumubulong, "Lalo pa siyang lumakas ngayon."Si Bennett ay isang eighth-rank grandmaster. Sa kabila ng paggamit niya sa buong lakas niya, madaling nasalag ni Thomas ang atake niya. Hindi niya maisip kung gaano na ba talaga kalakas si Thomas sa kasalukuyan. "Mukhang totoo nga ang mga balita. Nakinabang ng husto si Thomas sa Spirit Turtle"Nagkibit-balikat si James.Wala talaga siyang masabi pagdating sa kanyang lolo na sandali lang nagpapakita bago magmadaling umalis. "Buti na lang dumating si Thomas." Bumuntong-hininga si Maxine. "Kung hindi siya dumating sa tamang oras, baka nabura na sa mapa ang mansyon ng mga Caden."Tumingin si James kay Bennett at nagtanong, "Ayos ka lang ba, Grand Patriarch?" Bahagyang kinumpas ni Bennett ang kanyang kamay at sinabing, "Bahagyang kumulo ang Blood Energy
Habang lumulutang at patuloy na umiikot sa ere, nagmula sa kanya ang isang nakakatakot na aura. Samantala, mayroon ding isang glamorosong babae na nasa underground basement. Siya si Yasmine Lee, ang kasalukuyang pinuno ng pamilya ng mga Lee.Ilang oras na niya siyang hinihintay. Subalit, nagpatuloy lamang si Xavi sa kanyang ginagawa at tila hindi niya siya napapansin. Kaya naman, wala siyang magawa kundi ang tumayo doon at tahimik na maghintay kay Xavi.Paglipas ng halos kalahating oras, naglaho ang enerhiyang bumabalot kay Xavi, at dahan-dahan siyang bumaba sa lupa. Noong sandaling iyon, mukhang mas bumata siya kaysa sa itsura niya noong kasagsagan ng Mount Thunder Conference.Pagmulat niya ng kanyang mga mata, tumayo siya at tumingin siya kay Yasmine na nasa harap niya, at sinabing, “Sinabi ko sa’yo na huwag mo akong aabalahin habang nasa closed-door meditation ako maliban na lang kung hindi na maganda ang sitwasyon.”“Grand Patriarch…”Niyuko ni Yasmine ang kanyang ulo.“Hin
Walang halaga ang makilala bilang pinakamalakas na tao sa mundo. Subalit, mula pa noong sinaunang panahon, hindi mabilang ang mga tao na nagbuwis ng mga buhay nila para sa titulong ito.Nais ni Xavi na maging pinakamahusay sa buong mundo. Gusto niyang tumayo sa pinakataas at tingalain siya ng iba. Subalit, napakaraming mga malalakas na mga martial artist sa mundo. Kaya naman, wala siyang magawa kundi ang manahimik at maghintay ng tamang oras sa ngayon.Samantala, pagkatapos niyang marinig ang utos ni Xavi, agad na inasikaso ni Yasmine ang mga bagay na kailangan niyang gawin. Agad niyang tinawagan si Maxine at sinabi niya sa kanya na balak ng mga Lee na ibenta ang lahat ng kanilang mga negosyo sa labas.“Ano?! Ibebenta niyo ang lahat?”Noong marinig niya ito, nagulat si Maxine.Ang Lee family ay isa sa Ancient Four. Sa nagdaang siglo, nakaipon sila ng napakalaking kayamanan sa pamamagitan ng kanilang mga negosyo. Isa pa, ang ekonomiya ng Sol ay nasa mga kamay ng Orient Commerce, na
“James…” Noong nakita niya si James, malambing siyang binati ni Delilah at tinanong, “Anong gusto mong inumin? Kape o tsaa?”“Tubig lang.”Umupo si James.Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Maxine at sinabing, “Kanina lang, pinuntahan ako ng pinuno ng mga Lee, na si Yasmine Lee. Sinabi niya sa’kin na balak ng Lee family na ibenta ang lahat ng mga negosyo nila sa mga Caden. Tsaka, balak nilang lisanin ang Capital at humanap ng liblib na lugar kung saan sila maaaring mamuhay ng tahimik.”Nagtatakang nagtanong si James, “Ano? Magtatago sila sa panahon ngayon?”Ang sabi ni Maxine, "Sa tingin ko natatakot silang madamay sa gulo. Kung sabagay, isa silang malaking pamilya na may daan-daang miyembro. Kapag nagkamali sila ng piniling panig, malaki ang magiging kapalit nito. Baka nga maubos pa sila. Iyon ang dahilan kung bakit balak nilang lisanin ang Capital." Nagtanong si James, "Anong klaseng mga negosyo ba ang mayroon ang mga Lee?" Ang sabi ni Maxine, "Hindi ko alam ang mga detalye,
”Sila nga ‘yun.” Tumango si Maxine at sumagot. “Maganda ‘yun!” Tuwang-tuwa si Quincy.Dahil nakikihalubilo siya sa maraming mga maimpluwensyang tao sa Capital, alam niya ang tungkol sa Orient Commerce at sa taglay nilang awtoridad. Ang haligi ng ekonomiya ng Sol ay nasa kamay ng Orient Commerce, na pinamumunuan ng pamilya ng mga Lee.“James kailangan mong makuha ang mga negosyo ng mga Lee anuman ang mangyari!”Masayang nagsalita si Quincy, “Ngayong naitatag na ang Chamber of Commerce, ang Dawn family ng hilaga at marami pang ibang mga negosyo ang sumali sa’tin. Kaso, bilang founder, kailangan nating magpakita ng lakas. Kapag nakuha natin ang mga negosyo ng mga Lee, makikilala tayo saan mang sulok ng mundo.”Sinimulang timbangin ni Quincy ang mga mabuti at masamang idudulot nito.Kaunti lang ang alam ni James tungkol dito. Malalim ang kanyang iniisip tungkol sa kung paano niya matagumpay na makukuha ang mga negosyo ng mga Lee.Di nagtagal, nakarating sila sa kanilang destinasyon
Tumango ng kaunti si James.Hindi na nanatili pa si Yasmine at nagmamadaling tumungo sa underground basement sa hardin para hanapin si Xavi.“Grand Patriarch.”Matapos dumating sa basement, yumuko siya.“May problema ba?” malamig na tanong ni Xavi.Sumagot si Yasmine, “Ganito kasi, Grand Patriarch. Inutusan mo ako na ibenta ang business ng pamilya, pero naniniwala ako na walang saysay ang pera na iyon sa atin. Kaya, kinontak ko si James at ipinaalam sa kanya na gusto ko ibenta ang business natin sa kanya. Ganito ang iniisip ko—puwede natin ibigay sa kanya ang business natin kapalit ang lihim ng four paintings na iniwan ng Prince of Orchid Mountain.”Matapos ito marinig, tumingala s Xavi.Ang four paintings na iniwan ng Prince of Orchid Mountain…Ipinaasa ito isang libong taon na ang nakararaan. Ang alamat tungkol dito ay naglalaman ito ng sikreto para maging immortal.Ngunit, ninakaw ang painting ng Lee family ng walang iba kung hindi si Thomas. Matagal na sana na sumugod si Xavi sa mg