Kabanata 1490
Nilisan ni James ang hukuman at bumalik na ng bahay.

Alas otso na ng umaga nung nakabalik siya ng bahay.

Hindi natulog si Thea ng buong gabi dahil nag-aabang siya sa bagong balita.

Mabuti na lang, wala naman nangyaring aksidente kagabi.

Nang makita niya na nakabalik na ng bahay si James, nakahinga siya ng maluwag at mabilis na nagtanong, “Mahal, may nakasalubong ka bang anumang problema kagabi?”

“Wala.”

Umupo si James at sinabi, “Naging maayos naman ang lahat. Sa sobrang ayos ng mga pangyayari ay umabot iro sa punto na pakiramdam ko ay parang may kakaiba.”

Nagtatakang tiningnan ni Thea si James.

Paliwanag ni James, “Kagabi, inaresto ko si Graydon, pero hindi nagpakita ang Orient Commerce o ang Gu Sect para pigilan ako. Pinatay ko si Graydon at ikinulong naman ang chief justice at ang mga tagapagpatupad ng batas sa hukuman. Subalit, nagpakita si Tobias kasama ang mga miyembro ng Phantom Army kaninang umaga. Sinabi niya na hindi siya naparoon para pigilan ako ngunit para tulungan
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP