”Ang matandang ito ay kinokontrol ang lahat mula sa likod ng mga eksena sa loob ng isang daang taon. Matagal na akong hindi natutuwa sa kanya.” Tiningnan ni Sky ang katawan ni Lance na wala nang buhay sa lupa.“Natulungan na kitang patayin siya. Nasaan na ang bagay na ipinangako mo?”“Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko sayo kung ano ang para sayo.” Sinulyapan ni Sky si Tobias.“Hindi pwede yan. Nangako ka na ibibigay mo ito sa akin kaagad pagkatapos natin siyang patayin. Hindi ka ba tutupad sa iyong pangako?”Ng may masamang ekspresyon, binunot ni Tobias ang kanyang espada at tinutok ito kay Sky. Malamig niyang sinabi, “Huwag mo kong pilitin an atakihin ka.”Mahinahon na sinabi ni sky, “Sumunod ka sa akin.”Tinabi ni Tobias ang kanyang espada at sinundan si Sky. Dinala ni sky si Tobias sa isang underground basement sa may bakuran.Merong mekanismo sa lihim na underground basement. Binuksan ito ni Sky at inilabas ang isang kahon. Binuksan niya ang ahon, at mayroong isang bukol
Nilisan ni James ang hukuman at bumalik na ng bahay.Alas otso na ng umaga nung nakabalik siya ng bahay.Hindi natulog si Thea ng buong gabi dahil nag-aabang siya sa bagong balita.Mabuti na lang, wala naman nangyaring aksidente kagabi.Nang makita niya na nakabalik na ng bahay si James, nakahinga siya ng maluwag at mabilis na nagtanong, “Mahal, may nakasalubong ka bang anumang problema kagabi?”“Wala.”Umupo si James at sinabi, “Naging maayos naman ang lahat. Sa sobrang ayos ng mga pangyayari ay umabot iro sa punto na pakiramdam ko ay parang may kakaiba.”Nagtatakang tiningnan ni Thea si James.Paliwanag ni James, “Kagabi, inaresto ko si Graydon, pero hindi nagpakita ang Orient Commerce o ang Gu Sect para pigilan ako. Pinatay ko si Graydon at ikinulong naman ang chief justice at ang mga tagapagpatupad ng batas sa hukuman. Subalit, nagpakita si Tobias kasama ang mga miyembro ng Phantom Army kaninang umaga. Sinabi niya na hindi siya naparoon para pigilan ako ngunit para tulungan
"Hindi lang sa ibang bansa." Nagsalita si Delainey, "Nakatanggap ako ng balita mula sa ama ko kaninang umaga. Kagabi, maraming mga ancient martial family sa Sol ang inatake. Pinatay ang mga matatanda, habang naglaho maman ng parang bula ang mga kabataan." Dahil si Thea ang Sect Leader ng Celestial Sect, alam niya ang tungkol sa nangyayari. Maraming mas maliliit na sect na kabilang sa mga sinalakay na sect ang sinuko ang mga sarili nila sa Celestial Sect. Subalit, nagkunwari siyang walang alam. "Mapagkakatiwalaan ba ang pinagmulan ng impormasyon na 'yan?" Tumingin si Maxine kay Delainey. Kahit na kabilang ang mga Caden sa Ancient Four at mataas ang awtoridad na taglay nila sa ancient martial world, wala pa siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa pangyayaring ito. "Siguradong-sigurado." Tumango si Delainey at sinabing, “Nakakalat sa buong Sol ang intelligence web ng Mount Thunder Sect. Iyon ang dahilan kung bakit mabilis akong nakatanggap ng balita.”Nagging seryoso
Noong marinig niya na bumalik si Tobias sa tahanan ng mga Caden, nagmadaling bumalik si Maxine. Sumunod si James sa kanya. Di nagtagal, nakarating sila sa mansyon ng mga Caden. Maraming matataas na miyembro ng pamilya ang nagtipon sa bulwagan ng mansyon ng mga Caden. Nakaupo si Tobias sa gitna, sa pwestong nakalaan para sa pinuno ng pamilya.Sa may bulwagan, isang matandang lumpo ang nakaupo sa isang wheelchair. Siya si Lorenzo Caden, ang anak ni Bennett at tatay nila Tobias at Thomas. Maliban kay Thea, napasakamay ni Maxine ang posisyon bilang pinuno ng pamilya dahil sa tulong niya.Nakakabingi ang katahimikan sa bulwagan.“Anong nangyayari dito?”Isang boses ang nagmula sa labas. Pagkatapos, pumasok si Maxine kasama si James.Pagpasok nila sa bulwagan, nakita ni Maxine si Tobias, na nakaupo sa kanyang upuan. Noong sandaling iyon, nagsimulang mamugto ang kanyang mga mata. Si Tobias ang kumupkop at nagpalaki sa kanya.“T-Tobias…”Pagkatapos niyang mapahinto sandali, dumilim
Sa ilalim ng nakakadurog na bigat ng aura ni Tobias, nahirapang huminga ang lahat. Tanging si James lamang ang kayang tiisin ang nakakasakal na aura ni Tobias. Subalit, hindi kinaya ni Maxine ang bigat nito. Naramdaman niya na bibigay ang kanyang mga tuhod. Blag!Noong hindi na niya matiis ang bigat ng aura ni Tobias, bumagsak ang mga tuhod niya sa lupa. Maging ang sahig ay nasira sa bigat nito.Namutla ang mukha ni Maxine, at nagbutil-butil ang pawis sa kanyang noo. Nahirapan siyang bigkasin ang kanyang mga sasabihin, “A-Anong sa tingin mo ang ginagawa mo, Tobias? Sa tingin mo ba mapapasunod mo kami sa pamamagitan lang ng dahas? Hinding-hindi susuko ang mga Caden sa taong gaya mo!”“Hmph!” Ngumisi si Tobias. “Ako ang pinuno ng pamilya ng mga Caden. Bakit ko naman sasaktan ang sarili kong pamilya? Mukhang nagkamali ako sa’yo, Maxine. Kahit na trinato kita ng maayos, sinaktan mo pa rin si Lolo at gumawa ka pa ng kwento habang nasa closed-door meditation ako. Binintang mo pa sa’
Walang takot pumatay si Tobias. Papatayin niya ang sinumang humadlang sa daraanan niya, maging ang sarili niyang ama. Kahit na medyo wala na siya sa katinuan, rasyonal pa rin siyang mag-isip. Binalaan niya si Lorenzo na huwag nang mangialam sa problema ng pamilya.“Kinalulungkot ko na hindi ko magagawa ‘yun.”Hindi natakot si Lorenzo. Nakaupo siya sa kanyang wheelchair at tinuro niya si Maxine, at sinabing, “Pinili ko si Maxine bilang pinuno ng pamilya\, kaya siya ang magiging pinuno ng pamilya. Tobias, itinakwil ka na ng pamilya. Hindi ka na isang Caden. Lumayas ka sa paningin ko ngayon din.”“Binalaan kita…”Sa isang kisapmata, sumulpot si Tobias sa harap ni Lorenzo.Subalit, noong sandaling iyon, isang tao ang sumulpot sa may pinto. Noong nakita niya ang tao sa pinto, namutla ang mukha ni Tobias na para bang nakakita siya ng multo. Napaatras siya, at nautal, “I-Ikaw…! P-Paanong nangyari ‘to?”Hindi makapaniwala si Tobias sa kanyang nakikita.Isang matandang lalaki ang dahan-d
Samantala, lumutang sa ere ang wheelchair ni Lorenzo. Nagsimulang makipaglaban si Bennett kay Tobias. "Hahaha… Ang ganda ng palabas!" Noong sandaling iyon, isang boses ang kanilang narinig, at isang matandang lalaki ang sumulpot sa pinakatuktok ng courtyard ng mga Caden. Ito ay si Thomas Caden. Noong sandaling iyon, hindi na puti ang kanyang buhok, at mukhang mas bata na ang itsura niya ngayon. Tila bumalik ang itsura niya noong kabataan niya. Umupo si Thomas sa pinakatuktok ng courtyard ng mga Caden at pinanood niya ang laban sa pagitan nila Tobias at Bennett, at sinabi niya na, "Akala ko mas matino na sila ngayong matatanda na sila. Bakit kailangan nilang gumamit ng dahas? Hindi ba sila pwedeng umupo at pag-usapan ang mga bagay sa maayos na paraan?”“Lolo!”Noong nakita niya si Thomas, nagkaroon ng ngiti sa mukha ni James.Matagal na hindi nagpakita ang kanyang lolo. Isang beses lang siyang nagpakita noong nasa Durandal sila. Subalit, nagmadali siyang umalis pagkatap
Bago pa matanong ni James si Thomas, naglaho na siya ng parang bula. Pag-alis ni Thomas, lumapit si Bennett kay James at tumingin siya sa pwesto kung nasaan si Thomas kanina habang bumubulong, "Lalo pa siyang lumakas ngayon."Si Bennett ay isang eighth-rank grandmaster. Sa kabila ng paggamit niya sa buong lakas niya, madaling nasalag ni Thomas ang atake niya. Hindi niya maisip kung gaano na ba talaga kalakas si Thomas sa kasalukuyan. "Mukhang totoo nga ang mga balita. Nakinabang ng husto si Thomas sa Spirit Turtle"Nagkibit-balikat si James.Wala talaga siyang masabi pagdating sa kanyang lolo na sandali lang nagpapakita bago magmadaling umalis. "Buti na lang dumating si Thomas." Bumuntong-hininga si Maxine. "Kung hindi siya dumating sa tamang oras, baka nabura na sa mapa ang mansyon ng mga Caden."Tumingin si James kay Bennett at nagtanong, "Ayos ka lang ba, Grand Patriarch?" Bahagyang kinumpas ni Bennett ang kanyang kamay at sinabing, "Bahagyang kumulo ang Blood Energy