Ang kasalukuyang lakas ni Tobias ay inaasahan na ni James.Noon, isa na siyang seventh-ranked grandmaster.Pagkatapos tambangan si Bennett at nakawin ang core ng Spirit Turtle, naglaho siya ng halos dalawang buwan.Dahil nagpakita na siya ngayon, marahil ay nalinang na niya ang core at ngayon ay isa na siyang eighth rank. At para naman kung nakalagpas na ito sa Skyward Stairway, hindi pa sigurado si James.Hindi inaasahan ni James na tatakbo si Tobias sa Orient Commerce. Siya ang dating magiting at malakas na pinuno ng pamilya ng mga Caden.Ngunit, naglilingkod na siya para sa iba ngayon.Tiningnan ni James si Tobias, na lumitaw sa tarangkahan ng hukuman kasama ang mga miyembro ng Phantom Army. Lumapit siya at malamig na sinabi, “Ikaw pala, Tobias. Nagtataka ako kung sino ang dumating. May lakas ka na ba ng loob para muling ipakita ang sarili mo? Hindi ka ba natatakot na baka hanapin ka ni Bennett para maghiganti sayo?”Ngumiti si Tobias at sagot nito, “Nagbibiro ka ata, Emper
Bilang pagsunod sa utos ni Henry, ang mga sundalong nakapalibot sa hukuman ay kaagad na umalis. Bumalik na rin si Henry sa military region.Sila James, Tobias, at ilang miyembro ng Phantom Army ang naiwan sa may hukuman. Sa loob ng isang opisina sa hukuman, sila James at Tobias ay nakaupo ng magkatapat sa isa’t isa. Nakatingin sila sa isa’t isa, at medyo tensyonado ang paligid. “Ano ang susunod mong gagawin, James?”Si Tobias ang unang nagsalita at bumasag sa katahimikan.Napaisip si James. Ang susunod niyang hakbang at ang magtalaga ng bagong chief justice para tuluyang makontrol ang hukuman at maghanda para sa susunod na mga paglilitis ng iba pang prominenteng tao.Kailangan niya ang pagsang-ayon ng ilang partido kung gusto niyang maluklok ang kanyang kandidato.Magiging epektibo lang ito kung sasang-ayunan ito ng Hari.Tumingin siya sa paligid bago niya tiningnan si Tobias. Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya, “Ang susunod, gusto kong makontrol ang hukuman. Kai
Pinaalis ni Lance ang lahat mula sa kwarto.Tanging sila Lance at Tobias na lang ang naiwan sa kwarto.Tiningnan niya si Tobias at sinabi, “Anong problema? Pwede ka nang magsalita.“Sir, tungkol ito…”Nilapitan ni Tobias si Lance at binulong, “Naaalala mo pa ba nitong huli…”Habang nagsasalita, palihim na inipon ni Tobias ang kanyang buong True Energy sa kanyang palad na nasa kanyang likod. Pagkatapos, bigla niya itong hinampas sa dibdib ni Lance.Si Tobias ay isang eighth-ranked grandmaster.Ang atake ng isang eighth-ranked grandmaster na buong pwersa ay mapaminsala.Bumaluktot ang buong katawan ni Lance at tumalsik palayo.Bang!Ang kanyang katawan ay humampas sa pader kaya nabasag ito.Pagkatapos ay patuloy na tumalsik ang kanyang katawan palayo. Pagkatapos humampas sa ilang mga pader, ang kanyang katawan ay bumagsak din sa wakas,at sumuka siya ng maraming dugo.Maraming tao sa paligid.Ang biglaang pagalaw ang kumuha sa atensyon nila, at kaagad nilang binunot ang
”Ang matandang ito ay kinokontrol ang lahat mula sa likod ng mga eksena sa loob ng isang daang taon. Matagal na akong hindi natutuwa sa kanya.” Tiningnan ni Sky ang katawan ni Lance na wala nang buhay sa lupa.“Natulungan na kitang patayin siya. Nasaan na ang bagay na ipinangako mo?”“Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko sayo kung ano ang para sayo.” Sinulyapan ni Sky si Tobias.“Hindi pwede yan. Nangako ka na ibibigay mo ito sa akin kaagad pagkatapos natin siyang patayin. Hindi ka ba tutupad sa iyong pangako?”Ng may masamang ekspresyon, binunot ni Tobias ang kanyang espada at tinutok ito kay Sky. Malamig niyang sinabi, “Huwag mo kong pilitin an atakihin ka.”Mahinahon na sinabi ni sky, “Sumunod ka sa akin.”Tinabi ni Tobias ang kanyang espada at sinundan si Sky. Dinala ni sky si Tobias sa isang underground basement sa may bakuran.Merong mekanismo sa lihim na underground basement. Binuksan ito ni Sky at inilabas ang isang kahon. Binuksan niya ang ahon, at mayroong isang bukol
Nilisan ni James ang hukuman at bumalik na ng bahay.Alas otso na ng umaga nung nakabalik siya ng bahay.Hindi natulog si Thea ng buong gabi dahil nag-aabang siya sa bagong balita.Mabuti na lang, wala naman nangyaring aksidente kagabi.Nang makita niya na nakabalik na ng bahay si James, nakahinga siya ng maluwag at mabilis na nagtanong, “Mahal, may nakasalubong ka bang anumang problema kagabi?”“Wala.”Umupo si James at sinabi, “Naging maayos naman ang lahat. Sa sobrang ayos ng mga pangyayari ay umabot iro sa punto na pakiramdam ko ay parang may kakaiba.”Nagtatakang tiningnan ni Thea si James.Paliwanag ni James, “Kagabi, inaresto ko si Graydon, pero hindi nagpakita ang Orient Commerce o ang Gu Sect para pigilan ako. Pinatay ko si Graydon at ikinulong naman ang chief justice at ang mga tagapagpatupad ng batas sa hukuman. Subalit, nagpakita si Tobias kasama ang mga miyembro ng Phantom Army kaninang umaga. Sinabi niya na hindi siya naparoon para pigilan ako ngunit para tulungan
"Hindi lang sa ibang bansa." Nagsalita si Delainey, "Nakatanggap ako ng balita mula sa ama ko kaninang umaga. Kagabi, maraming mga ancient martial family sa Sol ang inatake. Pinatay ang mga matatanda, habang naglaho maman ng parang bula ang mga kabataan." Dahil si Thea ang Sect Leader ng Celestial Sect, alam niya ang tungkol sa nangyayari. Maraming mas maliliit na sect na kabilang sa mga sinalakay na sect ang sinuko ang mga sarili nila sa Celestial Sect. Subalit, nagkunwari siyang walang alam. "Mapagkakatiwalaan ba ang pinagmulan ng impormasyon na 'yan?" Tumingin si Maxine kay Delainey. Kahit na kabilang ang mga Caden sa Ancient Four at mataas ang awtoridad na taglay nila sa ancient martial world, wala pa siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa pangyayaring ito. "Siguradong-sigurado." Tumango si Delainey at sinabing, “Nakakalat sa buong Sol ang intelligence web ng Mount Thunder Sect. Iyon ang dahilan kung bakit mabilis akong nakatanggap ng balita.”Nagging seryoso
Noong marinig niya na bumalik si Tobias sa tahanan ng mga Caden, nagmadaling bumalik si Maxine. Sumunod si James sa kanya. Di nagtagal, nakarating sila sa mansyon ng mga Caden. Maraming matataas na miyembro ng pamilya ang nagtipon sa bulwagan ng mansyon ng mga Caden. Nakaupo si Tobias sa gitna, sa pwestong nakalaan para sa pinuno ng pamilya.Sa may bulwagan, isang matandang lumpo ang nakaupo sa isang wheelchair. Siya si Lorenzo Caden, ang anak ni Bennett at tatay nila Tobias at Thomas. Maliban kay Thea, napasakamay ni Maxine ang posisyon bilang pinuno ng pamilya dahil sa tulong niya.Nakakabingi ang katahimikan sa bulwagan.“Anong nangyayari dito?”Isang boses ang nagmula sa labas. Pagkatapos, pumasok si Maxine kasama si James.Pagpasok nila sa bulwagan, nakita ni Maxine si Tobias, na nakaupo sa kanyang upuan. Noong sandaling iyon, nagsimulang mamugto ang kanyang mga mata. Si Tobias ang kumupkop at nagpalaki sa kanya.“T-Tobias…”Pagkatapos niyang mapahinto sandali, dumilim
Sa ilalim ng nakakadurog na bigat ng aura ni Tobias, nahirapang huminga ang lahat. Tanging si James lamang ang kayang tiisin ang nakakasakal na aura ni Tobias. Subalit, hindi kinaya ni Maxine ang bigat nito. Naramdaman niya na bibigay ang kanyang mga tuhod. Blag!Noong hindi na niya matiis ang bigat ng aura ni Tobias, bumagsak ang mga tuhod niya sa lupa. Maging ang sahig ay nasira sa bigat nito.Namutla ang mukha ni Maxine, at nagbutil-butil ang pawis sa kanyang noo. Nahirapan siyang bigkasin ang kanyang mga sasabihin, “A-Anong sa tingin mo ang ginagawa mo, Tobias? Sa tingin mo ba mapapasunod mo kami sa pamamagitan lang ng dahas? Hinding-hindi susuko ang mga Caden sa taong gaya mo!”“Hmph!” Ngumisi si Tobias. “Ako ang pinuno ng pamilya ng mga Caden. Bakit ko naman sasaktan ang sarili kong pamilya? Mukhang nagkamali ako sa’yo, Maxine. Kahit na trinato kita ng maayos, sinaktan mo pa rin si Lolo at gumawa ka pa ng kwento habang nasa closed-door meditation ako. Binintang mo pa sa’