Sa Royal Military Region ng Durandal… Nakatayo si James sa harapan ng isang helicopter. Nasa harapan niya ang Reyna ng Durandal. Kahit na sa panlabas ay nagpunta rito si James para sa isang military exchange sa pagitan ng dalawang bansa, umalis siya para ayusin ang mga problema niya. Sa oras na makabalik siya, tapos na ang military exchange. "Talaga bang uuwi ka na?" Tumingin ang Reyna ng Durandal kay James. Kahit na nasa Durandal siya, alam niya ang tungkol sa mga nangyari sa Mount Olympus. Iyon ay dahil binanggit sa kanya ng Knights of the Louis family na sumali conference ang sunod-sunod na pangyayari. Alam niyang tinalo ni James si Archbishop Polaris, ang pangatlo sa Elysian Ranking, at iniligtas ang martial artists na dinukot. “Mhm.” Tumango si James at nagsabing, "Ang totoo, nagpunta ako rito para ayusin ang isang bagay. Ngayong naayos na ito, babalik na ako sa Sol." Nag-aalangan ang Reyna ng Durandal na hayaang umalis si James. Balak niyang patatagin ang rel
Patuloy niyang iniisip ang tungkol sa pagkatao ng Sect Leader ng Celestial Sect. Ilang beses na siyang iniligtas ng Sect Leader ng Celestial Sect at napakapamilyar ng amoy ng taong iyon. Kapareho ito ng kay Thea. Dagdag pa rito ang Malevolent Sword. Pakiramdam niyang ang Sect Leader ng Celestial Sect ay si Thea. Kung hindi iisipin ang lakas ng Sect Leader ng Celestial Sect, malamang ay si Thea iyon. Ang humahadlang lang sa pagiging sigurado niya ay ang katotohanang walang ganitong lakas si Thea. Mag-isa siyang lumalaban sa dalawang kalaban. Mag-isa niyang nilabanan sina Lucjan at ang unang Blood Emperor. Anong meron dun? Kahit si Callan sa kalakasan niya ay hindi kayang talunin ang kasalukuyang si Lucjan at ang unang Blood Emperor kung haharapin niya sila. Gayunpaman, ganun ang ginawa ng Sect Leader ng Celestial Sect. "James, anong iniisip mo?" Narinig ang boses ni Henry mula sa tabi niya. Nahimasmasan si James at bahagyang umiling. "Wala, wala lang," sabi n
Pagkatapos ng sampung oras na biyahe, nakabalik na si James sa Capital sa Sol. Umaga na nang dumating siya sa Capital. May meeting siya sa military region pagkatapos niyang bumalik sa Sol ayon sa schedule niya. Kailangang niyang magsalita sa meeting at magbigay ng buod sa kung anong natutunan niya sa military exchange conference sa pagitan ng dalawang bansa. Gayunpaman, wala siyang oras para roon. Kaagad siyang umalis at iniwan ito kay Henry para siya ang humawak nito. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa biyahe niya papunta sa bahay ni Thea nang walang hinto. Nasulat na rin ni Thea ang eksaktong oras at alam niya kung kailan makakauwi si James. Nang dumating si James sa bahay ni Thea, hindi nakasara ang gate papunta sa courtyard. Dumiretso siya sa loob. Sa courtyard, isang matangkad at magandang babaeng nakahapit na bistida ang naroon. Naggugupit siya ng mga bulaklak at halaman sa courtyard gamit ng hawak niyang gunting. Si Thea nga iyon. Nang napansin ni Thea na nakapas
Nataranta si Thea ng mga ilang segundo bago nakahinga ng maluwag. Ng may ngiti, sinabi niya, “Kung ganun ay sinusubukan mo ang aking lakas, Mahal. Sa mga oras na ito, hindi ako nag-aksaya ng panahon sa Capital at nag-pokus sa aking cultivation. Nasa fifth rank na ako ngayon.”Sinuri ni James ang lakas ng True Energy ni Thea. Nasa fifth rank na ito at halos nasa sixth rank na. Talaga ngang malakas ito.Subalit, kung ikukumpara sa Sect Leader ng Celestial Sect, malayo ito. Gamit ang lakas na ito, hindi niya magagawa na protektahan ang kanyang sarili kahit sa isang atake mula kay Lucjan, lalo na ay talunin si Lucjan at ang first Blood Emperor.“Hmm. Hindi na masama. Hindi ko inaasahan na isa kang cultivation genius,” sabi ni James, punong puno ng paghanga. “Maikling panahon ka pa lang na nagsasanay ng martial arts, ngunit nakarating ka na kaagad sa fifth rank.”Sigurado si James na ang Sect Leader ng Celestial Sect ay hindi si Thea base sa kanyang pagsisiyasat. Kahit lahat ng
Matapos malaman na hindi si Thea ang Secr Leader ng Celestial Secr, nakahinga ng maluwag si James. Subalit, medyo nakaramdam din siya ng pagkadismaya. Sa kanyang isipan, umaasa siya na ang Sect Leader ng Celestial Sect ay ang kanyang asawa. Gamit ng makapangyarihan niyang asawa, hindi na niya kailangan pang magtrabaho ng husto. Magagawa na niyang mabuhay sa tulong nito.Umiling-iling siya, saka tinapon ang magulong iniisip sa kanyang isipan.“Tama, may alam ka ba tungkol sa Valhalla Sect?” Tanong si James habang nakatingin kay Maxine.“Ang Valhalla Sect?” Bakas ang kalituhan sa mukha ni Maxine at tiningnan si James. Tanong niya, “Bakit mo natanong ang tungkol sa Valhalla Sect ng biglaan?”“Habang nasa Durandal ako, may mga nalaman ako. Meron silang koneksyon sa Valhalla Sect,” sabi ni James.Nag-isip si Maxine ng ilang sandali at saka sinabi, “Nabanggit na sa akin ito noon ni Lolo. mukhang isa itong organisasyon isang daang taon na ang nakakaraan. Ang kanilang presidente ay
Lalo naging seryoso ang ekspresyon ni James. Umupo siya, naglabas ng sigarilyo, at sinindihan ito. Umikot ang usok sa kanyang mga daliri.Nagpatuloy si Maxine, “Nagtanong na ako sa palgid at narinig ko na ang Phantom Army ay maraming kapangyarihan. Ayon sa bagong impormasyon, kahit ang commander ng military region ay kinakailangan na sundin ang utos ng Phantom Army kung kinakailangan.”“Ano pa?” Tanong ni James habang nananatiling mahinahon.“May iba pang nangyari sa military region. Si Halvor, na nakakulong sa underground prison, at pinakawalan matapos ibasura ang lahat ng kaso laban sa kanya. Ang Phantom Army ang responsable sa pagpapalaya sa kanya sa underground prison.” Nagpatuloy sa pagtatanong si James, “Gumawa ba ng kahit na anong hakbang kamakailan ang Hari?”“Hindi, wala nang nangyari, Pangkaraniwan pa rin naman ang lahat.”“Hmm, nauunawaan ko. Babalik na ako kung ganun.”Ng may seryosong ekspresyon, tumayo si James. “Sandali.”Kaagad siyang tinawag ni Maxine.
Tumayo si Thea at nilagyan ng pagkain ang plato ni James. Ng may mabait na mukha, inabot niya ang plato kay James at sinabi, “Mahal, heto o…”Tinanggap ito ni James. Nang makita niya ang mabait na mukha ni Thea, ngumiti siya, “Salamat, Mahal.”Nung tinawag siya nitong ‘Mahal’, natunaw ang puso ni Thea. Nagsimulang maamula ang kanyang ilong, at muntik na siyang humagulgol sa pag-iyak. Matagal na rin nung tinawag siya n James na ‘Mahal’. Sa mga sandaling ito, naisip niya na nagbunga din ang lahat ng pinaghirapan niya. Inabot ng ilang sandali bago niya napakalma ang kanyang mga emosyon. Ngumiti siya na kita ang kanyang mga ngipin at sinabi, “Pagkatapos natin malampasan ang magulong anim-na-buwan na ito, kahit na pa ang kalabasan, aalis tayo at mamumuhay ng malayo sa kabihasnan, tama ba?”“Oo.” Tumango si James. Sawang sawa na siya sa mga araw na kagaya nito.Sampung taon sa militar at sampung taon ng pakikipaglaban. Pagod na siya dito. Kung hindi lang dahil sa hindi inaa
Ngayon, ang gusto na lang ni James ay tapusin na ang lahat ng ito at bigyan ang Sol ng isang mapayapang Capital.Kahit na magtagumpay o mabigo ay nakadepende pa rin ito sa kung paano uusad ang kalahating yugto ng taon. Kapag hindi niya nagawang ayusin ang lahat ng ito bago mag-eleksyon, ito ay dahil sa kakulangan niya. Doon na siya titigil sa pangingialam sa tungkol dito. Ang pangako ni James ang nagpagaan ng kalooban ni Thea. “Tutulungan kita, Mahal. Kukunin kita para magakapgretiro ka kasama ko, makahinga ng maluwag, at iiwan ang Capital ng walang anumang pagsisisihan. Kapag dumating ang panahon na iyon, wala ka ng alalahanin, at mananatili ka na sa aking tabi.”Walang kaalam-alam si James sa nakatagong kahulugan sa kanyang mga salita. Wala siyang alam sa kung ano ang ibig sabihin ni Thea nung sinabi nito na tutulungan siya nito. Sa kanyang pananaw, gusto lang ni Thea na malayo mula sa ganitong klase ng buhay at hinihiling na magkaroon ng hindi komplikado at payak na pamumu