Nataranta si Thea ng mga ilang segundo bago nakahinga ng maluwag. Ng may ngiti, sinabi niya, “Kung ganun ay sinusubukan mo ang aking lakas, Mahal. Sa mga oras na ito, hindi ako nag-aksaya ng panahon sa Capital at nag-pokus sa aking cultivation. Nasa fifth rank na ako ngayon.”Sinuri ni James ang lakas ng True Energy ni Thea. Nasa fifth rank na ito at halos nasa sixth rank na. Talaga ngang malakas ito.Subalit, kung ikukumpara sa Sect Leader ng Celestial Sect, malayo ito. Gamit ang lakas na ito, hindi niya magagawa na protektahan ang kanyang sarili kahit sa isang atake mula kay Lucjan, lalo na ay talunin si Lucjan at ang first Blood Emperor.“Hmm. Hindi na masama. Hindi ko inaasahan na isa kang cultivation genius,” sabi ni James, punong puno ng paghanga. “Maikling panahon ka pa lang na nagsasanay ng martial arts, ngunit nakarating ka na kaagad sa fifth rank.”Sigurado si James na ang Sect Leader ng Celestial Sect ay hindi si Thea base sa kanyang pagsisiyasat. Kahit lahat ng
Matapos malaman na hindi si Thea ang Secr Leader ng Celestial Secr, nakahinga ng maluwag si James. Subalit, medyo nakaramdam din siya ng pagkadismaya. Sa kanyang isipan, umaasa siya na ang Sect Leader ng Celestial Sect ay ang kanyang asawa. Gamit ng makapangyarihan niyang asawa, hindi na niya kailangan pang magtrabaho ng husto. Magagawa na niyang mabuhay sa tulong nito.Umiling-iling siya, saka tinapon ang magulong iniisip sa kanyang isipan.“Tama, may alam ka ba tungkol sa Valhalla Sect?” Tanong si James habang nakatingin kay Maxine.“Ang Valhalla Sect?” Bakas ang kalituhan sa mukha ni Maxine at tiningnan si James. Tanong niya, “Bakit mo natanong ang tungkol sa Valhalla Sect ng biglaan?”“Habang nasa Durandal ako, may mga nalaman ako. Meron silang koneksyon sa Valhalla Sect,” sabi ni James.Nag-isip si Maxine ng ilang sandali at saka sinabi, “Nabanggit na sa akin ito noon ni Lolo. mukhang isa itong organisasyon isang daang taon na ang nakakaraan. Ang kanilang presidente ay
Lalo naging seryoso ang ekspresyon ni James. Umupo siya, naglabas ng sigarilyo, at sinindihan ito. Umikot ang usok sa kanyang mga daliri.Nagpatuloy si Maxine, “Nagtanong na ako sa palgid at narinig ko na ang Phantom Army ay maraming kapangyarihan. Ayon sa bagong impormasyon, kahit ang commander ng military region ay kinakailangan na sundin ang utos ng Phantom Army kung kinakailangan.”“Ano pa?” Tanong ni James habang nananatiling mahinahon.“May iba pang nangyari sa military region. Si Halvor, na nakakulong sa underground prison, at pinakawalan matapos ibasura ang lahat ng kaso laban sa kanya. Ang Phantom Army ang responsable sa pagpapalaya sa kanya sa underground prison.” Nagpatuloy sa pagtatanong si James, “Gumawa ba ng kahit na anong hakbang kamakailan ang Hari?”“Hindi, wala nang nangyari, Pangkaraniwan pa rin naman ang lahat.”“Hmm, nauunawaan ko. Babalik na ako kung ganun.”Ng may seryosong ekspresyon, tumayo si James. “Sandali.”Kaagad siyang tinawag ni Maxine.
Tumayo si Thea at nilagyan ng pagkain ang plato ni James. Ng may mabait na mukha, inabot niya ang plato kay James at sinabi, “Mahal, heto o…”Tinanggap ito ni James. Nang makita niya ang mabait na mukha ni Thea, ngumiti siya, “Salamat, Mahal.”Nung tinawag siya nitong ‘Mahal’, natunaw ang puso ni Thea. Nagsimulang maamula ang kanyang ilong, at muntik na siyang humagulgol sa pag-iyak. Matagal na rin nung tinawag siya n James na ‘Mahal’. Sa mga sandaling ito, naisip niya na nagbunga din ang lahat ng pinaghirapan niya. Inabot ng ilang sandali bago niya napakalma ang kanyang mga emosyon. Ngumiti siya na kita ang kanyang mga ngipin at sinabi, “Pagkatapos natin malampasan ang magulong anim-na-buwan na ito, kahit na pa ang kalabasan, aalis tayo at mamumuhay ng malayo sa kabihasnan, tama ba?”“Oo.” Tumango si James. Sawang sawa na siya sa mga araw na kagaya nito.Sampung taon sa militar at sampung taon ng pakikipaglaban. Pagod na siya dito. Kung hindi lang dahil sa hindi inaa
Ngayon, ang gusto na lang ni James ay tapusin na ang lahat ng ito at bigyan ang Sol ng isang mapayapang Capital.Kahit na magtagumpay o mabigo ay nakadepende pa rin ito sa kung paano uusad ang kalahating yugto ng taon. Kapag hindi niya nagawang ayusin ang lahat ng ito bago mag-eleksyon, ito ay dahil sa kakulangan niya. Doon na siya titigil sa pangingialam sa tungkol dito. Ang pangako ni James ang nagpagaan ng kalooban ni Thea. “Tutulungan kita, Mahal. Kukunin kita para magakapgretiro ka kasama ko, makahinga ng maluwag, at iiwan ang Capital ng walang anumang pagsisisihan. Kapag dumating ang panahon na iyon, wala ka ng alalahanin, at mananatili ka na sa aking tabi.”Walang kaalam-alam si James sa nakatagong kahulugan sa kanyang mga salita. Wala siyang alam sa kung ano ang ibig sabihin ni Thea nung sinabi nito na tutulungan siya nito. Sa kanyang pananaw, gusto lang ni Thea na malayo mula sa ganitong klase ng buhay at hinihiling na magkaroon ng hindi komplikado at payak na pamumu
Pinapunta ni James si Quincy sa Capital. Dahil alam nito ang tungkol sa Orient Commerce, gusto niyang bumuo ng isang kamara ng komersyo para kalabanin ang Orient Commerce at mabawi ang kontrol ng ekonomiya ng Sol mula sa kanila. Sa panahon ngayon, ang lahat ay may katapat na salapi. Gamit ang sapat na halaga ng pera, pwede mo nang pamunuan ang lahat. Si Quincy ay napakaaktibo nitong mga nakaraan. Pagkatapos pakinggan si Gloom, nagsimulang mag-isip ang Hari. Hanggang sa punto na ito, lalo naging mahirap para sa kanya na basahin ang isipan ni James. Kahit na mukhang walang interes si James sa trono, ang lahat naman ng ginagawa niya ang gumagawa ng daan para maluklok siya dito. Hinimas niya ng dahan-dahan ang kanyang mga sentido. Ngayon, hindi na siya sigurado kung mapagkakatiwalaan pa niya si James.“Gloom, sabihin mo sa akin. Ano ba ang sinusubukang gawin ni James? Wala naman siyang pakialam sa pagiging Hari, at wala rin siyang interes na pamunuan ang Sol, pero ang dami niy
”Sino ang hinahanap nyo?” Nung tiningnan ni Thea ay kaakaibang lalaki sa harapan niya, napaatras siya. Ang kakaibang lalaki ay halos nasa edad kwareta, simple lang ang pananamit, at mukhang isang magsasaka. Naglabas siya ng isang eleganteng imbitasyon at inabot ito kay Thea. “Ano ito?” Tinanggap ito ni Thea, naguguluhan.“Para ito kay James Caden,” sabi ng kakaibang lalaki. Lumingon siya at umalis pagkatapos itong sabihin. Hindi ito binuksan ni Thea para tingnan. Sinara niya ang tarangkahan at bumalik sa loob ng bahay.At nung nakapasok siya, tanong ni James, “Thea, sino yun?”“Hindi ko alam. Dumating sila na may dalang imbitasyon para sayo.” Inabot ni Thea ang imbitasyon na hawak niya. “Para sa akin?”Tinitigan ni James ang imbitasyon sa kanyang kamay, na may naguguluhan na ekspresyon sa kanyang mukha, at sinimulan na suriin ito.Maganda ang pagkakagawa sa imbitasyon. Walang nakasulat sa pabalat nito. Habang nalilito, binuksan niya ito.‘Sulat ng Paghamon.’Ng mabu
Ang lakas ni James ay hindi na isang lihim. Subalit, meron pa ring nagpadala sa kanya ng sulat ng paghamaon.Merong dalawang posibleng paliwanag sa bagay na ito.Ang isa ay isang kalaban na sobrang lakas at malakas ang loob nito na kaya siya nitong talunin.Ang pangalawang posibilidad ay parte itong lahat ng isang panlalansi.Ayon sa hinuha ni James, ito ay ang pangalawa.Malakas ang kanyang kutob na meron masamang mangyayari sa Capital.Ang taong ito ay sinusubukan siyang papuntahin ng Mt. Thunder Pass sa Southern Plains, isang malayong lugar. Kahit na alam niya ito, wala siyang ibang magagawa kung hindi ang pumunta dahil hindi siya mangangahas na sumugal. “Thea, kakausapin ko si Maxine tungkol dito.”Hindi na alam ni James ang kanyang gagawin. Dahil nasa alanganin siya, hindi niya kayang suriin ang sitwasyon ng malinaw. Kailangan niyang makipag-usap sa isang tao na hindi sangkot dito.“Sige.”Hindi rin nagselos si Thea.Tumayo si James at mabilis na umalis at hindi na