Kabanata 1424
Kumaway si Polaris ng kaunti at isang dokumento sa lamesa ang lumipad patungo kay James.

“James, ito ang detalyadong impormasyon tungkol kay Rodent. Tignan mo.”

Natanggap ito ni James at binuksan ang dokumento.

Isang litrato ang nakadikit sa tuktok ng dokumento, at medyo malabo ito. Sapagkat nakasuot ng maskara ang tao at kalahati ng mukha ay natatakpan ng maskara, hindi makita ni James kung anong itsura niya.

Nagsalita si Polaris, “Sapagkat wala tayong oras masyado, ito na ang pinaka kumpletong impormasyon na mayroon kami. Maingat na tao si Rodent. Nakasuot siya lagi ng maskara kahit sa mga pampublikong lugar. Ito lang nag litrato na nakuha namin.”

“Mhm.” Sagot ni James habang sinusuri ang litrato.

Pangalan: Yasser Leonard

Palayaw: Rodent

Edad: Halos 146 taong gulang

Ipinanganak sa Westborough City ng Sol. Naulila sa murang edad, nagkataon na nakuha niya ang Internal Martial Arts cultivation method at naging martial artist. Noong mga panahon ng defensive war kalaban ang mga foreginer,
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP