Kumaway si Polaris ng kaunti at isang dokumento sa lamesa ang lumipad patungo kay James.“James, ito ang detalyadong impormasyon tungkol kay Rodent. Tignan mo.”Natanggap ito ni James at binuksan ang dokumento.Isang litrato ang nakadikit sa tuktok ng dokumento, at medyo malabo ito. Sapagkat nakasuot ng maskara ang tao at kalahati ng mukha ay natatakpan ng maskara, hindi makita ni James kung anong itsura niya.Nagsalita si Polaris, “Sapagkat wala tayong oras masyado, ito na ang pinaka kumpletong impormasyon na mayroon kami. Maingat na tao si Rodent. Nakasuot siya lagi ng maskara kahit sa mga pampublikong lugar. Ito lang nag litrato na nakuha namin.”“Mhm.” Sagot ni James habang sinusuri ang litrato.Pangalan: Yasser LeonardPalayaw: RodentEdad: Halos 146 taong gulangIpinanganak sa Westborough City ng Sol. Naulila sa murang edad, nagkataon na nakuha niya ang Internal Martial Arts cultivation method at naging martial artist. Noong mga panahon ng defensive war kalaban ang mga foreginer,
“Oo nga pala, tulungan mo ako hanapin ang isa pang tao.”“Ang stepfather ni Delilah?” tanong ni Archbishop Polaris.Matapos imbestigahan ang tungkol dito, napagalaman niya ang tungkol sa pagkatao ni Delilahat James. Mayroon siyang insider information.“Mhm.” Tumango si James at sinabi, “Ang stepfather ni Delilah, si Xavion Zachary. Gusto ko siya makita, patay o buhay. Kung hindi mo siya mahanap, subukan mo hanapin ang mga dokumento sa mga kamay niya.”“Susubukan ko.”Hindi kayang masiguro ni Archbishop Polaris kung may mahahanap siya. Sapagkat alam niyang marami na ang sumubok at nabigo.“Hindi ko maintindihan, James. Ganoon ba talaga kahanga-hanga ang technology na nasa kamay ni Xavion? Bakit siya hinahanap ng lahat?”Nagkibit balikat si James at sinabi, “Hindi ko din alam. Hindi ako nagtatrabaho doon. Pero, base sa impormasyon na nakuha ko, isa itong ground-breaking technological breakthrough. Kung mangyayari ito, napakalaking hakbang nito patungo sa bagong panahon.”“Huwag natin mad
Sa ilalim ng gabay ni Archbishop Polaris, nagpunta si James sa tuktok ng bundok sa likod ng Polaris Sect. Maraming Sect Elders ang sumunod sa likuran. Sa ibaba ng bangin sa likod ng bundok, may isang natural na kweba. Kahit na maliit ang lagusan papasok dito, malawak ito sa loob. "Mauna ka, James." Sinabihan ni Archbishop Polaris si James na pumasok. Pagkatapos lakbayin ang mahabang daan, dumating sila sa isang bahay na bato. Artipisyal na binuo ang bahay na bato at malawak ito sa loob. Nasa 500 square meters ang lugar at nasa dalawampung metro ang taas ng pader na bato. Samantala, may mga nakaukit na pattern at sulat sa nakapalibot na pader. Ilang ay mga cultivation methods habang ang iba ay martial art techniques. Ngunit karamihan sa mga ito ay tungkol sa mga sword technique. "Nakarating na tayo, James. Dito pumasok sa isang closed-door meditation ang founder ng sect namin. Sa meditation niya, isinulat niya ang lahat ng natutunan niya sa pader na bato. Gayunpaman, l
Nakarating ba ang Prince of Orchid Mountain sa ninth rank? Nang makita ito, napaisip si James. "James, anong meron? Anong nakasulat dito?" Nagtanong si Archbishop Polaris at nasasabik na tumingin kay James. Natauhan si James at tumingin sa kanya, sabay nagtanong, "Hindi mo ba nababasa ang mga salitang to?" "Paano ko malalaman ang mga salitang ito?" Mapait na ngumiti si Archbishop Polaris. Tumingin si James sa Sect Elders. Nang nakita niyang nakatingin sila sa pader na bato nang may naguguluhang ekspresyon sa mukha nila, nagtanong siya, "Nababasa ba ng kahit na sino sa inyo ang ancient text na'to?" Umiling ang lahat. Pinigilan ni James ang tawa niya at nagsabi, "Kayong lahat, ito na ang panahon ng impormasyon. Hindi ba kayong pwedeng maghanap ng ekspresyon para alamin ang kahulugan ng ancient text na'to? Sinisiguro ko sa inyo na bihasa ang mga taong yun. Magdala ka lang ng ilang sa kanila dito at matatapos ang lahat nang wala sa oras." Nang narinig nila ito, n
"Ang Nine Ordeals… Anong ibig sabihin nito? Ang Nine Destructions… "Para ma-cultivate ang martial art na'to, kailangang magdusa ng isang tao sa ilalim ng Nine Destructions." … Nagpatuloy na magbasa si James. Nakasulat ang cultivation method ng Nine Scriptures of Ordeals sa likuran. Pagkatapos niyang basahing ito, kumunot ang noo ni James. Kahit na nakakainteres ang martial art na ito, masyadong masaklap ang mga kondisyon nito. Kailangan mo munang sirain ang sarili mong cultivation. Wala dapat matitirang kahit kaunting bakas ng True Energy. Kailangang masira ang limang organs, maputol ang meridians, mapatay ang Elixir Field, tuluyang matanggal ang True Energy, at nasa bingit ka na ng kamatayan. Ito ay tinatawag na Nine Destructions, o ang Nine Ordeals. Masasabing macu-cultivate mo lang ang martial art na ito kung nasa bingit ka na ng kamatayan. Nang makita ito, bahagyang umiling si James. Imposible ito. Walang ordinaryong tao ang gagawang sirain ang sarili ni
Nang nakita ni Archbishop Polaris na lumabas si James mula sa kweba, lumapit siya sa kanya at nginitian siya, sabay nagtanong, "Kumusta, James?" Umiling si James at nagsabing, "Masyado itong malalim para sa'kin. Hindi ako makakuha ng kaalaman sa ngayon. Wala akong magagawa kundi i-record ang mga ito. Balak kong umuwi muna sa ngayon. Kapag nagkaoras ako, icu-cultivate ko to." "Aalis ka na?" "Mhm." Tumango si James at nagtanong, "Siya nga pala, gaano karaming araw akong nagtagal sa Sacred Fire Cavern?" Sabi ni Archbishop, "Mga tatlong araw. Dahil balak mo nang umalis, bakit di ka muna kumain? Dapat kahit papaano maghanda ako ng handaan para sa pag-alis mo." Ngumiti si James at nagsabing, "Ayos lang ako." "Sige pala." Hindi pinilit ni Archbishop Polaris ang isyu. "Siya nga pala, kumusta na ang imbestigasyon?" Sabi ni Archbishop Polaris, "Nagpapatuloy pa rin ito, pero naniniwala ako na parating na ang balita. Bakit di ka muna manatili rito nang mas matagal? Pwede kang
Sa Royal Military Region ng Durandal… Nakatayo si James sa harapan ng isang helicopter. Nasa harapan niya ang Reyna ng Durandal. Kahit na sa panlabas ay nagpunta rito si James para sa isang military exchange sa pagitan ng dalawang bansa, umalis siya para ayusin ang mga problema niya. Sa oras na makabalik siya, tapos na ang military exchange. "Talaga bang uuwi ka na?" Tumingin ang Reyna ng Durandal kay James. Kahit na nasa Durandal siya, alam niya ang tungkol sa mga nangyari sa Mount Olympus. Iyon ay dahil binanggit sa kanya ng Knights of the Louis family na sumali conference ang sunod-sunod na pangyayari. Alam niyang tinalo ni James si Archbishop Polaris, ang pangatlo sa Elysian Ranking, at iniligtas ang martial artists na dinukot. “Mhm.” Tumango si James at nagsabing, "Ang totoo, nagpunta ako rito para ayusin ang isang bagay. Ngayong naayos na ito, babalik na ako sa Sol." Nag-aalangan ang Reyna ng Durandal na hayaang umalis si James. Balak niyang patatagin ang rel
Patuloy niyang iniisip ang tungkol sa pagkatao ng Sect Leader ng Celestial Sect. Ilang beses na siyang iniligtas ng Sect Leader ng Celestial Sect at napakapamilyar ng amoy ng taong iyon. Kapareho ito ng kay Thea. Dagdag pa rito ang Malevolent Sword. Pakiramdam niyang ang Sect Leader ng Celestial Sect ay si Thea. Kung hindi iisipin ang lakas ng Sect Leader ng Celestial Sect, malamang ay si Thea iyon. Ang humahadlang lang sa pagiging sigurado niya ay ang katotohanang walang ganitong lakas si Thea. Mag-isa siyang lumalaban sa dalawang kalaban. Mag-isa niyang nilabanan sina Lucjan at ang unang Blood Emperor. Anong meron dun? Kahit si Callan sa kalakasan niya ay hindi kayang talunin ang kasalukuyang si Lucjan at ang unang Blood Emperor kung haharapin niya sila. Gayunpaman, ganun ang ginawa ng Sect Leader ng Celestial Sect. "James, anong iniisip mo?" Narinig ang boses ni Henry mula sa tabi niya. Nahimasmasan si James at bahagyang umiling. "Wala, wala lang," sabi n