Hindi nangahas ang Arsobispo na tanggihan si James. Personal niyang sinamahan si James sa underground basement ng St. Anne’s Castle.Ang lagusan ng dungeon ay hindi halata at mahahanap lamang kapag may nangunguna sayo.Maraming tao ang nakabantay sa bukana ng dungeon.Nararamdaman ni James ang malakas na aura mula sa mga guwardiya, at halata naman na hindi sila mga pangkaraniwang tao. “Arsobispo.”Lumuhod ang mga guwardiya at sabay na bumati matapos nilang makita ang Arsobispo.Malungkot ang ekspresyon ng Arsobispo, at hindi siya nangahas na magsalita sa kanyang mga tauhan. Wala siyang magawa kung hindi ang lingunin si James at sinabi, “Mahal kong panauhin, wala naman talaga itong kinalaman sa akin. Pansamantala ko lang silang tinago dito…”“Tumigil ka na sa pagsasalita ng kalokohan at ipagpatuloy mo na ang pagpapakita sa akin ng daan.”“Oo, syempre. Pakiusap at sumunod lang kayo sa akin.”Hindi nagtagal, si James ay sinamahan ng Arsobispo sa loob ng underground basement.
Nagtungo ang tatlo sa airport at nagmadali silang bumili ng mga ticket papunta sa isang siyudad na malapit sa Mount Olympus. Pagsikat ng araw, nakarating sila sa Olympia, isang kilalang cosmopolitan city sa Durandal. Sa Olympia, sa isang presidential suite sa isang five-star hotel…Nakaupo si James ng naka lotus position sa may sala. Isang partikular na enerhiya ang umikot sa paligid niya. Maging ang hangin ay nanigas dahil dito. "James, anong susunod nating gagawin? Uupo na lang ba tayo dito?" Habang nakatingin siya kay James, nagtanong si Henry, "Anong gagawin natin tungkol sa military exchange sa pagitan ng dalawang bansa?" Minulat ni James ang kanyang mga mata at kalmado niyang sinabi, "Palusot lang ang military exchange na 'yun. Walang magbabago kahit na pumunta tayo. Ilang araw na lang ang natitira bago ang International Martial Arts Conference. Balak kong gamitin ang natitirang oras na mayroon ako para sumailalim sa isang closed-door meditation." “Mhm.” Tumango si
Nilagay ni Thea ang Book of Malice sa kahon at tinakpan niya ito. Pagkatapos, bitbit ang kahon sa kanyang mga kamay, naglakad siya papunta sa tabi ng ilog at tumingin siya sa tubig. Pagkatapos, tumalon siya.Sumisid siya sa ilalim ng tubig upang humanap ng daan palabas.Di nagtagal, nahanap niya ang ipo-ipo sa tubig. Gamit ang kanyang True Energy at ang kapangyarihan ng Spirit Turtle, lumangoy siya pataas at madali niyang nalampasan ang ipo-ipo. Sa huli, umalis siya sa kweba. Kahit na gusto niyang umahon sa tubig, naalala niya ang pakay niya—ang hanapin ang Sanguine Bloom. Hindi niya inasahan na mahihigop siya ng ipo-ipo at mapapadpad siya sa loob ng kweba kung saan niya nahanap ang Book of Malice. Pagkatapos niyang mag-alinlangan sandali, nagpatuloy siya sa paglangoy pababa. Dahil hindi na nagiging sagabal sa kanya ang True Frost Energy sa kanyang katawan, madali niyang narating ang pinakamalalim na parte ng Frost Swamp. Maraming halaman dito. Subalit, anuman ang gawin niya,
Kasabay nito, sa Olympia, sa may Durandal… Nagku-cultivate si James sa kwarto. Pagkatapos niyang higupin ang core ng Spirit Turtle, nadagdagan ang lakas niya mula sa pagiging early-stage seventh rank, naging eighth rank na siya. Pagkatapos niyang maabot ang eighth rank, nagmadali siyang pumunta sa Capital bago siya dumating sa Durandal. Kahit na nasa eighth rank na siya, hindi pa maayos ang kanyang True Energy at kailangan niya pa ng oras upang kontrolin ito. Sa nakalipas na ilang araw, sinusubukan niyang kontrolin ang kanyang True Energy upang mapalakas ng husto ang kanyang sarili. Tok! Tok! Tok! May kumatok sa pinto at naabala ang pagku-cultivate ni James. Tumigil siya at tumayo. Pagkatapos, sa isang kisapmata, sumulpot siya sa tapat ng pinto at binuksan niya ito.Noong makita niya na bukas ang pinto, sinabi ni Henry na, “James, wala na tayong araw. Bukas na ang International Martial Arts Conference. Hindi tayo aabot kapag hindi pa tayo umalis ngayon.”“Mhm.” Lumabas
Pagkatapos higupin ang core ng Spirit Turtle, malamang ay nagsimula nang umakyat ang mga eighth-rank grandmaster sa Skyward Stairway. Dahil hindi pa naka kalaban si James ng mga grandmaster na nasa ganitong lebel, hindi siya sigurado kung gaano sila kalakas. Ang alam lang niya ay nakakatakot sila.Kahit kay Callan Maverick, nakakaramdam ng pangingilabot si James sa tuwing maaalala niya ang lakas na pinakita ni Callan bilang isang grandmaster na nasa ikalawang baitang na ng Skyward Stairway. Sa kasagsagan ng Mount Thunder Conference, tinambangan ni Lucjan Owen si Callan, isang eighth-rank grandmaster. Pagkatapos siyang atakihin ni Lucjan, inatake siya ng walo pang malalakas na mga martial artist. Subalit, sa kabila ng malubha niyang mga sugat, nagawa pa rin niyang labanan si Lucjan. Kasali din siya sa mga lumaban sa Spirit Turtle at nakakuha sa core nito. Napagod lamang siya pagkatapos ng sunud-sunod na mga laban. Talagang walang kapantay ang ganitong lakas. Pagkatapos niyang higup
"Isang ancient martial artist mula sa Sol?" Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya noong dumating si James. Isang monghe na may mahabang buhok at naka suot ng pulang damit ang lumapit kay James at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Ano 'yun?" Nagtatakang tumingin si James sa kakaibang lalaki sa harap niya. "Sinasabi na mahusay ang mga ancient martial artist mula sa Sol at walang kapantay ang kanilang martial arts. Bago magsimula ang conference, gusto ko sanang magpainit." Kinuyom ng lalaki ang kanyang mga kamao. Naiintindihan na ngayon ni James na hinahamon siya ng lalaki sa isang laban. Pinalibutan ng mga tao ang dalawa. Ang lahat ay nasasabik na mapanood ang magaganap na laban. Ang matandang lalaki na nasa harap ni James ay isang martial artist na kabilang sa Elysian Ranking. Kahit na nasa pinakababa siya ng listahan, ang mailagay ang pangalan niya sa Elysian Ranking ay isang simbolo ng taglay niyang lakas. "Binata na mula sa Sol, gusto kong malaman mo na
"Ang Sect Leader ng Celestial Sect?" Napahinto sandali si James bago siya lumingon at tinitigan niya si Thea na naglalakad paalis. Nagsalubong ang kanyang mga kilay, at sinabi niya na, "Siya ang Sect Leader ng Celestial Sect?" Hindi niya gaanong inisip ang tungkol dito. Pagkatapos, umikot siya at tumingin siya kay Lucjan, na mukhang masaya. Hindi na puti ang kanyang buhok, at mukhang mas bumata ang itsura niya. Habang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha, tahimik niyang binulong na, "Mukhang nalinang at nahigop na ng tuluyan ni Lucjan ang core ng Spirit Turtle. Bago 'yun, isa na siyang eighth-rank na grandmaster. Sinong nakakaalam kung anong baitang na ng Skyward Stairway ang naakyat niya?" Pagkatapos niyang manahimik sandali, nahimasmasan si James at tumingin siya kay Lucjan, at sinabi niya na, "Ang dinig ko pinahabol mo ako sa mga tauhan mo pagkatapos akong mawalan ng malay dahil sa pag-atake sa'kin ni Yaakov Johnston." "Ganun ba…? Nangyari ba 'yun?" Tumingin si Luc
Pagsikat ng araw, dumating ang isang grupo ng mga tao. Nasa unahan nila ang isang matandang lalaki na nakasuot ng gintong balabal. Hawak niya ang isang nagliliwanag na espada na may dalawang metro ang haba at may mga nakaukit na misteryosong simbolo. Nasa likod ng matandang lalaki ang walong mga knight na nakasuot ng gintong balabal. Habang palapit ang matandang lalaki, marami ang tumayo at napatingin sa kanya. Siya si Koehler Keyes, ang pinuno ng mga Knight at ang nagmamay-ari sa Excalibur, ang sinusunod ng lahat ng mga knight. Siya ang may hawak ng second rank sa Elysian Ranking. Dumating si Koehler sa tuktok ng bundok. Pagkatapos, sa isang kisapmata, sumulpot siya sa bakanteng lote sa gitna nito. Tumingin siya sa paligid, hinanap niya ang taong tumalo sa kanya isang daang taon na ang nakakaraan. Subalit, hindi niya nakita si Callan Maverick. Kaunti lamang ang mga Solean ancient martial artist na nakita niya. Nadismaya siya. Mukhang hindi siya makakabawi kay Callan bag