Sinimulang ipaliwanag ni Callan ang benepisyo ng core. "Sa karamihan, ang mga hayop na nabubuhay nang mas matagal ay nagkakaroon ng biles. Ang biles ay mabibisang tonics para sa martial artists. Pagkatapos itong inumin, tataas nang malaki ang lakas ng isang martial artist. "Para naman sa mga core, mas malaki ang pakinabang nito kumpara sa biles." "Hindi pa ako nakakasalubong ng core ng isang hayop noon, pero nakita ko na ang mga ito sa records." Samantala, isang itim na sasakyan ang dahan-dahang umandar sa daan sa labas ng siyudad sa Cansington. "Finn, mapagkakatiwalaan ba ang balitang ito?" Narinig ang isang boses sa loob ng kotse. Sumandal ang isang lalaking nasa apatnapung taong gulang sa passenger seat. Nakasuot siya ng itim na coat at may makapal na kilay at malalaking mata. "Finn, hindi ito ganun kadali. Baka mamatay tayo kapag pumalpak tayo." Dumiretso ng upo ang lalaking nakasandal sa passenger seat at seryosong sumagot, "Mapagkakatiwalaan man ito o hindi, kaila
Nang marinig ito, ibinalik ni Cynthia ang core kay James. "Kunin mo na'to, James. Mukhang napakahalaga nito. Baka masira ko pa to." Kinuha ito ni James at itinabi ito. "Siya nga pala, bagong taon na bukas. Saan mo balak magdiwang nito, James?" Binago ni Quincy ang usapan at tumingin kay James. "Sa bahay ko, syempre." Tinignan ni Thea si Quincy at hinawakan ang kamay ni James. Mapagmataas niyang tinaas ang mukha niya na para bang inaanunsyo niyang sa kanya si James at hindi na dapat umasa pa si Quincy. Hindi gustong bumalik ni James sa mga Callahan dahil sakim sila sa kapangyarihan. "Hindi ako babalik sa mansyon ng mga Callahan," sabi ni James. "Bakit?" Kaagad na hindi natuwa si Thea. Sabi James, "Tungkol sa opisyal nating relasyon, divorced na tayo, kaya hindi nababagay para sa'kin na bumalik sa mansyon ng mga Callahan. Balak kong hanapin si Newton at magpalipas ng bagong taon kasama niya." May balak si James na hanapin si Newton. Ang pinaka-dahilan nito ay gusto niy
Pagkatapos lumabas ng villa gate, hawak ni Thea ang espada niya sa isang kamay at hawak nang mahigpit ang kamay ni James sa kabila. Natatakot siya na baka tumakbo si James. Sa likod nila, nagtanong si Callan, "Siya nga pala, James, saan mo ko balak na patirahin? Hindi mo naman siguro iniisip na dalhin ako sa villa ng mga Callahan, tama?"Huminto si James. Hindi pa niya naiisip kung saan papatirahin si Callan dahil pambihira ng pagkatao niya. Si Callan ang Supreme Leader ng Gu Sect, at nagrerebelde ang Deputy Commander na si Lucjan. Palihim na sinuhulan ni Lucjan ang karamihan sa malalakas na tao sa Gu Sect. Ang susunod na hakbang ay ang tuluyang pamumunuan ang sect. Hindi magpapahinga si Lucjan hangga't hindi pa patay si Callan. Patuloy siyang magpapadala ng tao para ipapatay siya, o baka siya pa mismo ang personal na kumilos. Nag-isip sandali si James at nagsabing, "Pwede mo kong sundan sa ngayon." "Hindi ka ba natatakot na katukin ka ng mga tao ni Lucjan? Baka pers
Nilagay ni Callan ang daliri niya sa pulso niya. Pagkatapos ng ilang sandali, inalis niya ang kamay niya at nagsabing, "Totoo ngang hindi balanse ang Yin at Yang sa katawan mo. Masyadong maraming Cold Energy sa katawan mo." "Guro, sana'y tanggapin mo ang respeto ko." Kaagad na lumuhod si Cynthia sa lapag at yumuko kay Callan. Diretso itong tinanggap ni Callan. Nang matapos si Cynthia sa pormalidad, ngumiti si Callan at nagsabing, "Sige, tama na yan. Dahil apprentice na kita ngayon, dapat kitang bigyan ng regalo bilang guro mo. Pero wala akong dalang kahit na ano kaya utang ko muna yun sa'yo sa ngayon. Babawi ako sa susunod." "Salamat!" Tumayo si Cynthia. Mukhang naiinggit si Quincy na nakatayo sa tabi. Tumingin siya kay James at nagsabing, "James, ihanap mo rin ako ng guro! Gusto ko ring matuto ng martial arts!" Umirap si James at nagsabing, "Ayos ka lang. Bakit biglang gusto mong matuto ng martial arts? Mahirap yun at hindi makakayanan ang paghihirap." "Hindi sa
Papunta si James sa sementeryo ng mga Caden at gusto ni Thea na sumama sa kanya. Tinignan niya ang oras. Alas-tres pa lang ng hapon at marami pang oras para umuwi bago maghapunan. Nagsabi si Thea, "Kung ganun, pumunta muna tayo sa sementeryo ng mga Caden. Tinawagan ko na ang mga magulang ko at hihintayin nila tayo para sa hapunan." Tumango si James. Umalis ang dalawa at sumakay ng taxi papunta sa sementeryo ng mga Caden. Hindi nagtagal, dumating sila sa sementeryo na dating kinatatayuan ng villa ng mga Caden. Pagkatapos ng insidente sampung taon ang nakaraan, naging sementeryo ang lugar na iyon. May ilang puntod dito. Mataas na ang mga damo sa sementeryo at halatang walang naglinis sa lugar kamakailan. Direktang naglakad si James papunta sa puntod ng tatay niya. Nangyari ang pagkamatay ng ama niya bago sinunog ang villa ng mga Caden. Noon, nilabanan ng ama niya ang lolo niya dahil kay Rowena. Sa huli, sinumbong ni Rowena ang ama niya sa mga awtoridad at inatake siya
Kaagad nakaramdam ng ginhawa si James.Tiningnan ng Blithe King si James at tinanong, “Anong nangyayari, James? Bakit walang laman ang mga libingan?”“Mahabang istorya. Masyadong komplikado. Hindi ko pa ito nalulutas. Tanging ang Lolo ko lang ang nakakaalam ng buong kwento. Subalit, mailap siya. Ilang bses ko pa lang siya nakikita at wala akong pagkakataon na tanungin sa kanya ang tungkol sa mga bagay na ito.” “Binabati kita.” Ngumiti ang Blithe King.Ngumiti ng bahagya pabalik si James. Nakahinga din ng maluwag si Thea. hinawakan niya ang kamay ni James at sinabi, “Mahal, buhay pa ang pamilya mo. pagkatapos ng lahat ng ito, mabubuo na rin muli ang ating pamilya. Hindi ko pa nakikita ang tatay mo, kaya hindi ko alam kung anong klaseng tao ba siya. Madali ba siyang pakisamahan? Isa pa, ang nanay mo…”“Hindi ko pa nakita ang nanay ko noon pa man.” May malungkot na ekspresyon si James. Wala siyang alaala ng kanyang ina. Hindi niya ito maalaala o kaya ay narinig na nabanggit ito
Ang ugali ng mga Callahan ngayon ay tuluyan nag nagbago mula noong ikinasal si James sa kanilang pamilya. Ngayon, parang diyos na ang turing nila sa kanya.Marami sa mga Callahan ang lumapit upang batiin siya.Tumango si James bilang tugon ngunit gaanong nagsalita. Hinawakan siya Thea sa may braso at pumasok sa loob ng villa.Sa loob ng sala, ilang malaking lamesa ang nakahanda.Tinuktok ni Lex ang kanyang tungkod at inutos, “Dalian niyo na at ilabas niyo na ang wine na tinago lko ng tatlumpung taon. Ngayong araw, ang lahat ay iinom hanggang sa malasing!”“Medyo pagod ako kaya hindi ko kayo masasamahan sa hapunan.”Tiningnan ni James si Lex at nagtungo sa kanyang kwarto pagkatapos magsalita.Nagulat ang mga Callahan.At nung nakaakyat na si James papunta sa kanyang kwarto saka lang sila natauhan. Lumapit si Gladys at hinila si Thea, nagtanong, “Anong nangyayari,. Thea? Mukhang hindi masaya si James.”“Baka pagod lang siya. Marami siyang ginawa at inasikasong bagay nito
Mabilis na tumayo ng kama si Quincy para buksan ang ilaw.Sa sandaling bumukas ang ilaw, nasarahan ang kanyang acupoints, at hindi na siya makagalaw.Kahit na nakabukas na ang ilaw, wala siyang makita.“Finn, hindi na masama ang babaeng ito.”“Siya ang unang nobya ni James at mukhang isa sa mga kalaguyo ni James. Maganda ang relasyon nilang dalawa.”Walang makita si Quincy pero may naririnig siyang boses sa loob ng kwarto.“Sino ka ba, at ano ba ang gusto niyo?” malamig niyang tanong.Subalit, walang sumagot sa kanya.Madilim ang kanyang paningin, at nilagay siya sa loob ng isang sako.Ang Three Wanderers ay dinukot si Quincy at pinagpatuloy ang kanilang plano.Dinukot nila sila Quincy, Cynthia, Tiara, at Scarlett, na kakabalik lang mula sa trabaho. Ang tatlo ay mga fourth-rank grandmasters, kaya madali lang para sa kanila na dukutin ang mga babae. Sa kasamaang palad, ang True Energy ni Callan ay naglaho na, at isa na lang siyang pangkaraniwang matandang lalaki. Kaya nama